Kabanata 67 A L I S O N Pagdating ng lunes, sinundo nga ako ni Blake sa bahay. Nagulat pa ako nang nakita ko siyang nakabihis ng puting polo shirt tulad ko. Pero kalaunan napagtanto ko ding hindi na dapat ako nagugulat pa dahil baliw nga pala ang lalaking ito at gagawin niya talaga ang lahat para lang magkasama kami sa lahat ng oras. Ito na ba ang sinasabi niya na kung hindi ko kayang ibigay ang oras ko, siya ang maglalaan ng oras para magkasama kami? Kakaiba talaga ang lalaking ito. Imbes na mairita ako sa kanya, natawa na lang ako. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong matigas na talaga ang ulo niya at wala na akong magagawa pa doon. Isang buwan lang naman akong magtatrabaho sa coffee shop na iyon kaya siguro naman ayos lang iyon. Bahala siyang mahirapan. Ginusto naman niya iyon,

