Kabanata 86 A L I S O N Pagbalik namin sa rest house ay parang ayaw pang humiwalay sa akin ni Blake. Hawak-hawak niya pa din ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa master’s bedroom, tila wala na siyang balak na bitawan pa ‘yon. Napakagat ako sa labi nang maupo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya. Binitawan niya ang kamay ko para mayakap ako. Dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko nang ibaon niya ang mukha niya sa tiyan ko, sa mismong baba lang ng dibdib ko. Sandali lang iyon at inangat na din niya agad ang mukha para tingalain ako. Tinigilan ko ang pagkagat sa labi ko at itinikom na lamang ng mariin ang mga iyon. Hindi ko makuhang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Para akong matutunaw sa mga tingin niyang ganito. Parang laging nangungusap ang mga

