Kabanata 73 A L I S O N Naging maayos naman ang lahat sa huling araw namin sa coffee shop, nakapagpaalam na din kami ng maayos sa mga nakasama namin doon at naging kaibigan na din. Gusto nga nilang magpa-inom kami, kaya lang hindi pwede dahil may pasok na agad kami ni Blake kinabukasan. Bukas na din kasi ang unang araw ng pasukan at ayaw kong mag-absent sa first day. Unang araw pa lang ng pasukan absent na? Ayaw na ayaw ko pa namang nagkakapula sa attendance kahit na ba sabihin mong first day lang naman iyon at wala naman masyadong ginagawa. Ayaw ko pa ding lumiban sa klase, wala din naman kasing dahilan para um-absent ako no'n. Aabsent lang ako kung kailangan na kailangan talaga, tulad na lang noong nagkasakit ako at hindi ako makabangon dahil nanlalambot ang katawan ko. Wala akong ch

