Kabanata 72 A L I S O N Naging abala kami pareho ni Blake sa trabaho dahil dumami lalo ang customer sa shop. Halos hindi na nga kami makapag-usap buong araw dahil parehong madaming ginagawa. Magkaiba pa ang oras ng break namin dahil hindi naman kasi pwede na magsabay-sabay kami ng break lalo na at sobrang daming customer sa shop ngayon. Kawawa naman ang mga maiiwan kapag nag-break kami ng sabay ni Blake. Saka sanay naman na kami na hindi madalas nakakapag-usap kapag nasa trabaho. Naayos naman namin ang away namin kagabi. Hiyang-hiya ako dahil pinag-isipan ko nanaman siya ng masama nang hindi manlang hinihintay ang paliwanag niya. Hindi ko naman kasi alam na magpinsan silang dalawa? Sino ba ang nakakaalam sa campus na magpinsan pala ang dalawang iyon? Wala naman yata. Masyadong masikr

