Kabanata 34 A L I S O N "Ano 'yon, Blake?" malamig kong tanong sa kanya nang tuluyang makalayo si Kenzo. Bago pa ako sagutin ni Blake ay nagpaalam na din ang mga kaibigan ko sa akin since hindi na ako sasabay sa kanila ngayon mag-lunch. Tanging tango na lang tuloy ang naisagot ko sa kanila nang umalis. "Bumaba na din tayo. Baka hinihintay ka na ng kaibigan mo," aniya sa malamig din na tono. Tumango na lang ako at wala ng sinabi pa. Ayoko din na makipagtalo sa kanya para sa maliit na bagay na 'yon. Pero habang patungo kami sa cafeteria ay bigla siyang nagtanong. "Anong ginagawa ng lalaking 'yon doon?" Nagulat ako sa bigla niyang tanong kaya bahagyang bumagal ang lakad ko at agad na napabaling sa kanya. Nakataas ang dalawang kilay niya. "Sino?" Umigting ang kanyang panga. "Sino

