Kabanata 33 A L I S O N Pinagtitinginan na agad kami ni Blake nang sabay kaming dumating sa school. Bitbit niya pa ang bag at mga gamit ko. I swear, ilang beses akong tumanggi na buhatin niya ang mga iyon pero kailan ba nakinig ang isang Blake Faulkner sa sinabi ko? S'yempre ipinaglaban niya pa din ang gusto niya. Mali-late lang kami pareho kung hindi ako sasang-ayon na buhatin niya ang mga gamit ko. Ang babaw ng dahilan na 'yon para ma-late sa klase kaya hinayaan ko na lang siya sa kung ano ang gusto niya. Ang swerte ng kumag na ito, ah. Ilang beses nang napagbibigyan. Ang hirap naman kasing tanggihan, masyadong mapilit. Pinagbibigyan ko na lang kaysa buong maghapon kaming magtalo dito. 'Yon nga lang ba talaga, Alison, ang dahilan kung bakit mo siya pinagbibigyan o may iba pang dahil

