Kabanata 28 A L I S O N “Pero hindi ba umamin ka naman na gusto mo din si Kenzo?” Bumagsak ang balikat ko. “Kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya, paghanga lang iyon. Walang ibang kahulugan,” seryosong sabi ko. “Kahit na. Iba pa din ang dating sa amin no’n kasi ngayon ka lang naman humanga sa isang lalaki,” si Jewel. Umiling-iling ako. “Hindi ko alam sa inyo. Basta para sa akin wala lang iyon,” mataman kong sabi. Nagtaas ng kilay si June sa akin. “Naisip ko lang bigla. Nakarating na kaya sa kanya ang balita tungkol sa pagpayag mo sa panliligaw ni Blake?” Nahinto ako sandali, hindi ko naisip ang tungkol sa bagay na ‘yan. Pero hindi naman na importante iyon, di ba? Ano naman kung malaman niya nagpapaligaw ako sa iba? Wala naman sigurong masama doon dahil hindi naman kami. Ma

