Kabanata 22 A L I S O N “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” Bumakas ang matinding iritasyon sa kanyang mukha. Na offend yata siya sa pagtawa ko. Pwes, na offend din ako sa sinabi niya. “Pasensya na, ha? Pero sa tingin mo ba kailangan ko pa ng taong gagawa ng mga bagay na ‘yan para sa akin? Maliliit na bagay lang ‘yan, kayang-kaya ko na ‘yan. Anong akala mo sa akin, hindi kayang mabuhay ng mag-isa?” naiiling kong sinabi. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Akala ko ba matalino ka?” Umirap ako. “Eh, ikaw? Bobo ka ba at hindi mo maintindihan na wala nga akong panahon sa’yo?” Natigilan siya. Halatang hindi inasahan ang balik ko sa kanya. Bigla tuloy akong na-guilty. Ginamit ko na nga siya kanina para matakasan ang mga lalaking iyon tapos ngayon inaaway ko nanaman siya. Ang hirap naman kasi

