023

1246 Words

Kabanata 23 A L I S O N Malapit lang ang bahay namin sa restaurant kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami agad doon. Wala pa yatang sampung minuto iyon dahil wala namang ibang sasakyan sa daanan. Hindi niya alam ang bahay namin kaya tinuro ko na lamang sa kanya ang daanan. Nagsalubong ang mga kilay ko nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng gate namin. Mabilis akong nagpasalamat kay Blake at bumaba ng sasakyan. Nang makita ako ng kapatid ko ay agad namilog ang mga mata niya. "Ate..." Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa lalaking kasama niya. Sino ba 'tong lalaking ito? Anong oras na, ah. Bakit nakikipagkita ang kapatid ko sa lalaking ito ng ganitong oras? "Magandang gabi po," anang lalaki nang magtagal ang tingin ko sa kanya. "Madaling araw na," malamig kong tugon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD