Kabanata 37 A L I S O N "Dito ka lang. Saglit lang ito. Sabay na tayong umuwi," aniya bago ako iniwan at nagtungo sa mga ka-team niya. May sinabi lang siya sandali sa mga ito at bumalik na agad sa akin. Kumunot ang noo ko habang tumatakbo siya pabalik sa pwesto ko. Akala ko ba hindi pa tapos ang practice nila? Bakit parang pinapauwi na niya ang team niya? Nakangiti siya nang nakalapit sa akin. Ngunit nanatali lamang akong nakakunot noo. Nagtataka sa biglaang pagkatapos ng kanilang practice. Mukhang ako pa yata ang naging dahilan kung bakit maaga silang natapos ngayong araw, ah. Sinabi ko lang na wala akong gagawin ngayong hapon, bigla na siyang nagkaganito. May kung ano nanaman yatang binabalak ang unggoy na ito. Ano naman kaya 'yon? Baka balak nanaman akong dalhin nito sa condo niya.

