Kabanata 49 A L I S O N Hindi naman siya tumanggi nang sabihin kong maghati na lang kami sa pagkaing dala niya. Masyado din kasing madami iyon para sa akin. Kaya lang sa kalagitnaan ng pagsubo ko ay saka ko lang napansin na nagsasalo na pala kami sa iisang kutsara at may sakit pa ako. Hindi ko alam kung kailan pa ako naging ganito ka-komportable sa lalaking ito na hinahayaan ko lang na magsalo kami sa iisang kutsara. Pagkatapos naming maubos ang mga dala niyang pagkain ay nagpaalam na din agad siya. At hindi ko nanaman maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nadismaya sa maaga niyang pag-alis. Hindi man lang siya nagpalipas kahit konting oras pa. Umalis kaagad siya nang masigurong nakakain na ako at nakainom ng gamot. Inisip ko na lang na baka busy lang siya at may kailangang gawin ka

