048

2344 Words

Kabanata 48 A L I S O N Sunod na araw ay tanghali na akong nagising. Sabi ni mama dumaan daw si Blake dito kaninang umaga at may dala uling mga prutas. Hindi ko pa nga nauubos ‘yong mga prutas na dinala niya kahapon, nagdala nanaman siya ng panibago. Ang dami pa naman ng mga iyon. Pero hindi ko mapigilang matuwa na dinalaw niya ulit ako kahit na hindi ko naman siya nakita dahil tulog pa ako no’n. Sobrang hinayang na hinayang ko nga noong sinabi sa akin ni mama na nagpunta si Blake dito kanina pero hindi kami nagkita kasi tulog na tulog ako. May sakit nga talaga ako para magkaganito. Noon naman ayaw na ayaw kong makikita ang lalaking iyon pero bakit ngayon, parang sobrang panghihinayang ko pa na hindi ko siya naabutan kanina? Mamaya kaya dadalaw ulit siya? Pero dumalaw na siya kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD