Kabanata 56 A L I S O N Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit siya mag-isa ngayon. Nasaan 'yong babaeng kasama niya kanina? Iniwan niya ba o pinaalis niya? Hindi ko na namalayan na napatagal na pala ang titig ko sa kanya. Kung hindi pa dumating ang mga order naming alak ay baka hindi na din naalis ang tingin ko sa kanya. Tinignan ko ang mga kaibigan ko, mukhang hindi naman nila napansin si Blake, hindi na lang din ako kumibo. Busy sila sa kung anong pinag-uusapan kaya hindi siguro nila ito napansin at malayo din kasi ang lamesa niya mula sa amin at dahil mag-isa lang, hindi din siya talaga agaw pansin. Bakit niya kaya iniwan ang mga kasama kanina para mapag-isa dito? O baka naman may kasama talaga siyang hinihintay? Pansin ko ang mga bote ng alak sa lamesa niya. Kung siya lang ang ii

