Kabanata 55 A L I S O N “Ayos ka lang ba? Pansin ko lang na kanina ka pa tahimik,” si Camila iyon habang kumakain kami sa isang fast-food. Kakaalis lang namin sa arcade at kumakain naman kami ngayon. Mula nga ng matapos akong kumanta ay tila bigla na din akong nawalan ng gana. Hindi maalis sa isip ko ‘yong nakitang pag-alis ni Blake kasama ‘yong babae niya. Ayaw ko nang isipin kung saan sila maaring pumunta dahil pakiramdam ko alam ko na kung saan iyon. Baka pa umuwi sila agad dahil hindi na makapaghintay makapag-solo. Kumuyom ang mga palad ko sa kung ano-anong naiisip. “Oo nga. Pansin ko kanina pa siya ganyan mula nang umalis si Blake. May hindi ka ba sinasabi sa amin, Alison?” si Jewel. Kinunot ko ang noo ko. “Ano naman iyon?” “Alam mo huwag na nga tayong maglokohan dito. Namimis

