Kabanata 25 A L I S O N “Napakahusay mo talagang gumawa ng eksena, ‘no? Alam mo ba ang consequence nitong pinaggagawa mo? For sure maya-maya lang may aakyat na ditong taga-guidance para ipatawag ka,” naiiling kong sabi. Ngunit imbes na mangamba ang isang ito ay nagawa niya pang ngumisi. “Ang swerte ko pala kung ganoon, mas nauna kang dumating bago sila.” Kinunot ko ang aking noo. “Paano naging swerte ‘yon? Hindi porque nauna ako dito ay hindi ka na nila ipapatawag sa guidance. Siguradong may kumuha na ng litrato mo habang nariyan ka at kumakalat na iyon ngayon sa social media at siguradong may nakakita na din sa’yong professor d’yan. Kapag ako nadamay sa pinaggagawa mo, humanda ka talaga sa akin.” Ngunit kahit anong sabihin ko ay mukhang hindi naman siya naapektuhan. Nakangiting tagu

