Kabanata 26 A L I S O N Sa gulat ko sa posisyon namin ay hindi agad ako nakagalaw. Nang matauhan ay malakas ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko at kaagad akong bumangon. Pinagpagan ko ang damit ko at matalim siyang tinapunan ng tingin. Nakatayo na din siya ng maayos ngayon at nakangising nakatingin sa akin. Lintik na ‘to. Pati tuloy ako ay nadamay pa sa mga kalokohan ng lalaking ito. Wala na talaga siyang magandang ginawa sa paningin ko. Lahat na lang ng gagawin niya ay para bang puro kalokohan lang. Hindi man lang niya naisip na delikado ang pinaggagawa niya? Eh, kung ma-out of balance siya bigla doon? Eh di, kasalanan ko pa kasi ako ang dahilan kung bakit siya nariyan in the first place. “Hindi ka ba nag-iisip?” pagalit kong sambit. “Kung mahulog ka doon, eh di, kasalanan ko pa?

