Kabanata 40 A L I S O N Hindi ako nakatulog ng maayos sa gabing iyon. Panay ang balik sa isipan ko nang mga sinabi ko kay Blake sa phone. Inaamin ko, nakokonsensya ako sa mga sinabi ko sa kanya. Sumobra naman yata ang mga nasabi ko. Hindi ko alam. Tama lang naman ‘yon, di ba? Kung gusto kong layuan niya ako kailangan kong maging malupit sa kanya. Kakaisip ko noon ay anong oras na ako nakatulog. Antok pa tuloy ako noong gumising ako kinabukasan. May lakad pa naman kami ni Kenzo ngayon. Kumain lang ako ng almusal at nag-ayos na din para sa lakad namin. Sinundo niya ako sa tamang oras at dumiretso na kami sa bibilhin nilang bahay sa Antipolo. Tumambay pa muna kami doon at nakipagkwentuhan sa mga magulang niya bago kami lumabas dalawa para kumain sa pinakamalapit na restaurant. Sa could 9

