Kabanata 39 A L I S O N “Hindi ko alam, Kenzo. Ayokong paasahin ka sa bandang huli dahil hindi ko naman sigurado ang mangyayari sa hinaharap. Saka malay mo naman, magkagusto ka din sa iba," napayuko ako sa huling sinabi, hindi makapaniwalang nasabi ko iyon sa kanya ng diretso ng hindi nauutal o kinakabahan. Siguro dahil na din ito sa kagustuhan kong malinaw ang parteng ito sa amin. Hindi naman kasi pwedeng nagpapakiramdaman lang kami. Mamaya nasasaktan ko na pala siya, wala pa akong kamalay-malay. At s'yempre kaibigan ko din siya, ayokong balang araw ay magkasira kami dahil lang hindi namin nalinaw sa isat-isa ang totoong nararamdaman namin. Ayaw ko din siyang paasahin sa huli dahil hindi ko naman talaga hawak ang mangyayari sa hinaharap. Hindi ko pwedeng sabihin na magiging kami din

