Kabanata 60 A L I S O N Sa huli, nauwi kami sa panonood ng sine. Talaga ngang pareho kaming walang alam sa ganito kaya kung ano na lang ang madalas na napapanood sa pelikula ay iyon na lang ang ginawa namin. Ano lang ba ang madalas na ginagawa ng magka-date sa mga pelikula at libro? Kung hindi nanonood ng movie ay kumakain naman sa mamahaling restaurant. Mas pinili ko nang manood na lang kami ng movie kaysa naman gumastos pa siya ng malaki para sa pagkain gayong ayos naman na ako kahit sa mga fast-food lang. Mas masarap pa nga minsan ang luto ni mama kaysa sa ibang restaurant na nakainan ko na. Madalas akong makakain sa mga mamahaling restaurant kapag si Thalia ang kasama ko. Hindi kasi mahilig sa mga fast-food ang babaeng iyon. Naiintindihan ko naman siya dahil pinanganak na siyang ma

