Kabanata 88 M A T T E O “What are you doing here?” malamig kong tanong nang makita ko siya harapan ng bahay namin. Magsasalita na sana siya nang biglang lumabas si Cheska mula sa sasakyan ko. Mabilis itong nakalapit sa amin at agad kumapit sa braso ko. Nahuli kong bumaba ang tingin ni Alisa doon kasabay ng pagtiim ng kanyang bagang. Why does she look affected? Pero imposible naman na apektado siya, di ba? Hindi naman ako ang gusto niya, di ba? Ni hindi nga ako ang pinili niya, kaya bakit siya maaapektuhan ngayon? That’s impossible. Walang pakiramdam ang babaeng ito. This woman has no feelings. She won't be affected by anything. Kahit siguro lumuhod at magmakaawa ako sa harapan niya, wala lang sa kanya ‘yon. She’s heartless. Mahal niya daw ang lalaking iyon pero nandito nanaman siya nga

