Kabanata 89 A L I S O N “Parang ayaw na kitang iuwi. Pwede bang dito na lang tayo habang buhay?” ani Blake habang nakahilata kami sa malaking sofa sa salas. Hapon na at malapit nang magdilim, hindi na talaga kami lumabas para mamasyal, nanatili na lang kami dito sa resthouse nila at nanood ng kung ano-anong pelikula, tulad nang madalas naming gawin kapag nasa condo niya kami. Pansin ko nitong mga nakakaraang araw nahihilig na akong manood ng movies, na dati naman hindi ko kinahiligan. Mahilig lang akong magbasa noon, wala akong hilig sa panonood. Ngayon lang, simula nang maging kami ni Blake. Hindi ko nga din alam kung paano ako nagkakaroon ng oras ngayon sa mga ganitong bagay, samantalang noon kapag inaaya ako ni Thalia sumama sa kanya sa mga party lagi akong tumatanggi dahil madami

