Kabanata 90 A L I S O N Mabilis lang ang naging biyahe namin pauwi dahil anong oras pa lang naman at wala namang traffic ng ganitong oras. Papasikat pa lang ang araw nang makarating kami sa bahay. Agad kumunot ang noo ko nang maabutang nakabukas ang gate ng bahay namin. Walang nakakalimot sa amin na magsarado ng gate at dahil doon bigla akong nakaramdam ng kaba. Mabilis akong pumasok sa loob, hindi na hinintay pa si Blake na kinukuha pa ang mga gamit ko sa trunk ng sasakyan niya. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang papasok sa bahay. Iba ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko maipaliwanag, basta iba agad ang kutob ko nang maabutang bukas ang gate namin. Halos manlamig ang buong katawan ko nang maabutan ko si mama sa salas na nakahandusay sa sahig at duguan. Hindi ag

