Kabanata 91 A L I S O N Isang malakas na sampal ang naging tugon ko sa sinabi niyang iyon. Rinig na rinig ko ang malakas na singhap ni Thalia sa likod ko. Muli akong hinawakan ni Blake sa siko at pilit akong inilalayo kay Matteo. "Hayop ka! Tinuring kitang kaibigan at para ko ng kapatid tapos ganito ang gagawin mo? Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita! Bakit pati kapatid ko pinakialaman mo? Hindi mo na ginalang ang pagiging magkaibigan natin, pati ba naman ang kapatid ko, Matteo? Hindi ka na nakontento sa mga babae mo, pati ang kapatid ko sinali mo pa sa koleksyon mo! Ang kapal din naman ng mukha mong magpunta pa dito pagkatapos mong pakialaman ang kapatid ko! Bakit, Matteo? Anong ginawa ko sa'yo? Bakit ang kapatid ko pa sa dami ng babae sa mundo? Bakit siya pa? Bakit?" Hindi ko na mapigilang

