Kabanata 92 A L I S O N Hindi nga talaga siya umalis. Nang sumilip ako sa bintana ng kwarto ko ay nakita kong nasa tapat pa din ng gate namin ang sasakyan ni Blake at mukhang doon pa niya balak magpalipas ng gabi. Hindi na nga siya halos nakakauwi sa condo niya dahil lagi siyang narito at sinasamahan ako. Uuwi lang siya sa condo niya para maligo at babalik din agad dito. Ni hindi na nga siya nakauwi sa kanila ng pasko't bagong taon dahil ayaw niya akong iwang mag-isa. Hindi ko alam kung nakakapagpahinga pa siya ng maayos sa kagustuhan niyang mabantayan ako. Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang siya magawang pasalamatan sa lahat ng ginagawa niyang ito, pero gusto ko lang muna talagang mapag-isa. Mas lalo akong nagi-guilty kapag nakikita ko siya. Naaalala ko la

