Tahimik ang hapag dahil sa binitawan kong salita. Totoo naman kasi, hindi ba? I deserve to know the truth pero mukhang hindi iyon naiintindihan ni Nikolai. Hindi ko alam kung sadyang ayaw niya lang pakinggan ang kung ano’ng lumalabas sa bibig ko o talagang wala lang talaga siyang balak sabihin sa akin ang lahat?
Ano ba ang itinatago nilang lahat sa akin? Ultimo ang mga kapatid niya ay nanatiling tahimik at ayaw makialam sa aming pag-uusap. Kung tutuusin ay kalmado nga silang lahat pero seriously?
“Ano? Wala kang balak sagutin?” nauubusan na nang pasensiya kong tanong sa kaniya. “Kahit iyon lang sana. Alam niyo naman na wala akong ideya, hindi ba? For Pete’s sake, gusto ko lang malaman kung saan ako napunta.”
Gusto ko na rin naman kasing umuwi pero habang tinitingnan ko sila ngayon nang isa-isa, halatang ayaw nila ang gusto kong mangyari. Kaya mas lalong umusbong ang galit sa aking puso habang nanatili na ang mga mata ko kay Nikolai.
“Nikolai Louvent,” ani nang isang lalaki na nasa dulo ngayon nang hapag.
Nang nilingon ko siya ay kaagad akong natigilan nang bigla na lang naging gold ang mga mata nito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang nangyayari nga ang bagay na ito? Kasi kung tutuusin, never akong nakakita nang ganiyan.
Kaya habang pinaniningkit ko ang aking mga mata para titigan nang maayos ang kaniiyang mga mata, bigla na lang iyon nawala na ikinatigil ko.
Namalik-mata lang siguro ako.
“Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo?” tanong nito sa kaniyang kapatid.
Mas lalo naman akong nabuhayan nang loob pero kalaunan ay mas tumalim ang mga mata sa akin ni Nikolai. Kaya imbis na titigan ang kaniyang kapatid, pinili kong ibalik ang aking mga mata sa kaniyang gawi.
Nakita ko ang mabibigat niyang paghugot nang malalim na hininga na para bang labag sa kalooban niya ang pagsabi sa akin nang totoo. Pero mas mabuti na rin naman kasing malaman ko kaysa iyong sa iba ko pa malaman, hindi ba? Saka siya naman ang taong nakilala ko at bumisita sa loob ng aking kuwarto. Kaya kung gagawin niya ang bagay na ito, ang patuloy na pagtatago sa akin ng bagay na iyon, baka mas lalo lang akong magalit.
“Bakit ko ho ba sasabihin?” tanong nito pabalik sa kaniyang kapatid na ikinatigil ko. Hindi niya rin inilayo ang kaniyang mga mata sa aking gawi na para bang binabasa ang aking utak. “Malinaw naman na ayaw kong ipaalam sa kaniya.”
“Hindi mo puwedeng ipagkait ang bagay na gusto niyang malaman, Nikolai Louvent,” tugon naman ng kaniyang kapatid. “Mas mabuti pang pag-usapan niyo ito mamaya sa kaniyang silid. Hindi magandang nag-aaway kayo sa hapag.”
“Mas mabuti pa nga,” sambit naman ng isa sa kaniyang kapatid. “Kumakalam na ang sikmura ko.”
Bahagya naman namula ang aking pisngi sa naging turan nang isa sa kapatid ni Nikolai. Alam ko naman na mali na mag-away kami sa hapag pero hindi ko kasi maiwasan. Kaya naman imbis na makipag-away pa sa kaniya, minabuti ko na lamang kumain kahit na kaunti lang.
Kailangan ko kasi ng lakas lalo pa at may pag-uusapan kami ni Nikolai mamaya. Hindi ko nga lang sigurado kung sasagutin ba talaga ni Nikolai o hindi. Damn! Kung sasagutin man niya, sana ay totoo, right? Ayaw kong umasa sa mga sinasabi niya an hindi naman totoo.
Kaya dapat talagang ihanda ko ang sarili ko. Kasi ultimo paraan ng pagsasalita nila, ibang-iba sa kinagisnan ko. Posible kayang ibang lugar ito? Pero kung iba nga, bakit ang yaman nila? Sa amin kasi, kapag mayaman ang isang tao o kahit nga may kaya sa buhay ay nagagawang magsalita nang English. Diretso pa nga kung tutuusin. Ultimo mga bata, alam na rin nila.
Hindi ko talaga maintindihan. Sa sobrang gulo, pumipintig ang sintido ko lalo na nang matapos kaming kumain. Nauna pa nga si Nikolai na umalis sa hapag. Hindi ko man lang napansin.
“Thank you for letting me eat,” I whispered before following him.
Paglabas ko ng dining area nila, nakita kong nakasandal si Nikolai sa pader na kung saan ay nakahalukipkip pa. Nasa bandang hagdan siya at nakatingin sa aking gawi na para bang hinihintay niya akong sundan siya kaagad.
Ang kaniyang mga mata rin ay bahagyang kumikinang. Kagaya sa kapatid niya kanina na color gold din. Noong una nga ay parang nakakatakot pero bakit ngayon, mas gusto kong titigan ito nang mabuti?
Wala sa sarili akong napahawak ng aking dibdib nang maramdaman ko ang kakaibang kiliti roon. Halos mabingi rin ang aking tainga sa tuwing tumatambol ang aking puso at naglilikha nang kakaibang tunog na para bang isang musika.
Habang patuloy ako sa pagtitig kay Nikolai, nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi. Akala ko nga noong una ay baka ilusiyon lamang pero nagkamali ako. Talagang ngumisi siya sa akin nang kaunti na para bang alam niya ang nangyayari sa akin.
Nang umabot sa limang minuto ang pagtititigan namin, bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng aking katawan na para bang hindi ko maintindihan. Dahil doon, nawala ang ngisi sa labi ni Nikolai at napalitan iyon nang pag-igting ng kaniyang panga.
Buong akala ko nga ay matatakot na ako sa kaniya pero mas lalo lamang lumakas ang init na nararamdaman ko. Parang may mali na hindi ko maintindihan.
“Halika na,” malalim at madiin na aya sa akin ni Nikolai bago magpatuloy sa paglalakad.
Iniwan niya naman akong mag-isa na parang natulos sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw nang maayos. Hindi ko alam kung bakit pero dahil sa nangyari, mas lalo lamang akong naguluhan sa inaakto ng aking sarili.
Nagtitigan lang naman kasi kami ni Nikolai pero bakit naman ganoon ang nangyari? Bakit bigla ko na lamang naramdaman ang kiliting iyon sa aking katawan? Hindi lang iyon dahil ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking katawan. Alam ko na kaagad na may mali pero hindi ko lang matukoy nang maayos.
“Ano ang gusto mong malaman?” tanong sa akin ni Nikolai nang makapasok ako sa aking kuwarto.
Napalingon naman ako sa kaniyang gawi at nakita kong nakaupo siya ngayon sa gilid ng aking kama habang nakatingin sa akin nang mataman. Pasimple ko namang sinuri ang kaniyang katawan at bahagyang napalunok nang mapansin ko kung gaano nakadepina ang kaniyang panga at ilong. Ang hugis naman ng kaniyang mga muscle ay halos punitin na ang kaniyang suot na damit dahil sa lapad ng kaniyang katawan. Halatang batak ito sa workout.
Possible na intense workout ang ginagawa niya. Madalas kasi sa mga taong naggi-gym ay gustong-gusto nilang magbuhat nang malalaki at mabibigat na bagay para lang maayos nila ang kaniyang mga braso. Ganoon na ganoon naman ang katawan ni Nikolai ngayon. Halatang batak sa pagbubuhat.
“Kung nasaan ako,” mahina ngunit nanginginig kong sagot sa kaniyang tanong. “I don’t have any idea what kind of place this is. Magmula sa kuwarto ko, puro ginto ang nakikita ko, Nikolai.”
Hindi naman siya nagsalita at patuloy lamang akong tinititigan saka pinapakinggan. Alam kong hinahayaan niya akong sabihin sa kaniya ang lahat ng problema o kahit anong bagay na alam niyang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam dahil hindi naman ako sigurado pero bakit parang kabisado ko ang ugaling mayroon siya? Sino ba siya?
“Naguguluhan din ako kung bakit hindi kayo nagsasalita nang English,” pag-amin ko sa kaniya.