***Irene POV*** "IRENE, saan ka ba galing? Akala ko ay nauna ka nang umuwi. Saan ka na naman ba nagsusuot?" Nakapamewang na salubong sa akin ni tatay pagpasok ko sa bahay. "N-Na.. Nag-ikot-ikot lang po ako sa labas, tay," nauutal na sabi ko. Kumunot ang kanyang noo. "Teka nga, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nakakita ng multo. Namumutla ka," puna pa sa akin ni tatay. "W-Wala akong nakitang multo, tay. Pero may narinig ako." Nagsalubong ang kilay ni tatay. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko sinagot ang tanong ng ama at lumapit sa kanya. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng puso ko na para itong drum na tinatambol. Gulong-gulo din ang isip ko sa maraming katanungan. "Tay, ano po ba talaga si Ka Serbio? M-Mabait po ba talaga syang tao?" Natigilan si tatay at tum

