***Irene POV*** "MISS please.. tulungan mo 'ko.." Natigilan ako at napalunok habang nakatingin sa lalaki. Nakakaawa talaga ang hitsura nya. Bugbog sarado na talag at gula-gulanit na ang damit na puro dugo. Pero kriminal sya. Isa syang mamamatay tao. Mas kawawa ang mga taong biktima nya. Bumuntong hininga ako at masama syang tiningnan. "Bakit kita tutulungan e kriminal ka. Masama kang tao. Marami kang pinatay kaya deserve mo yan." Kumunot ang kanyang noo. "What?" "Kung sana ay naging mabuting tao ka lang hindi mo sana dadanasin yan. Malas mo lang dahil nagkamali ka ng taong binangga. Mabait na tao si Ka Serbio pero masama syang magalit." Natigilan ako at kumunot ang noo nang tumawa sya. "Mukhang hindi mo pa kilala ng lubos ang taong tinutukoy mo, miss. Sya ang masamang tao at

