Inikutan ko ng mga mata si Cupid at binitiwan ang kamay ni Chailyn upang malaya itong magtitingin-tingin sa mga pagkaing nasa harapan namin. "Huwag mo akong madaan-daan sa 'my dear' mo, Carson," paismid kong wika. "Kung sa tingin mo ay tatalab sa akin ang karisma mo ay nagkakamali ka. Sanay ako sa mga taong makakapal ang mukha— praktisado ako sa pinsan ko." Hindi man lalaki si Fhel at kasing-gwapo ng kaharap ko ay pareho na man silang masyadong bilib sa sarili. Hindi man lang natinag si Cupid sa pambabara ko. Sa halip, mas lalo pang lumawak ang kaniyang maaliwalas na ngisi, para bang entertainment sa kanya ang bawat patutsada ko. Inayos niya ang kanyang pagkakatayo, nakapamulsa ang isang kamay habang ang kabila ay nakahawak pa rin nang maingat sa maliit na kamay ng kanyang anak. "Prac

