Gusto kong mag-walkout at iwanan ang mag-ama. May trust issue ako dala na rin kalokohan ng pinsan kong si Fhel kaya wala akong tiwala sa mga kinikilos ni Cupid. Binubulong ng utak ko na pakitang-tao lang lahat upang makuha ang loob ng mga kaanib ng The Pillars. Pero sa tuwing tumitingin ako sa maaliwalas na mukha ni Chailyn, sa bawat inosenteng hagikgik nito habang kinakausap ni Cupid at sinusubuan ng pagkaing galing sa plato ko ay kinokontra ng isang bahagi ng isip ko ang lahat ng mga pagdududa ko. At hindi pwede iyon, kaya pilit ko ring isinaksak sa utak ko na malamang ay ginamit lang ni Cupid itong anak niya para sa palabas niyang ito! Hangga't maaari ay kailangang manatiling masama sa isip ko ang imahe ni Cupid! Maging iyong ibang mga Carson ay dapat hindi rin mabuting tao ang t

