Ilsng sandali pa agad din namang bumalik ang magiliw at maamong ngiti sa mga labi ni Felan, biglang naglaho ang makahulugang kislap sa kanyang mga mata. "A bird that is born in a cage may think flying is an illness, Kylie," panimula niya, matalinghaga at may katiyakan ang bawat salita. Ibinaba niya nang bahagya ang kanyang boses—marahan, swabe, at parang isang nakatatandang nagpapaliwanag sa mas nakababata na wala pang gaanong alam sa mundo. "And a bird that was saved and put in a golden cage to keep it safe from storms and predators outside... will never want to fly back into danger." Dahan-dahan siyang dumukwang sa mesa, sapat lang upang mas iparamdam sa'kin ang bigat ng kanyang awra. "Hindi mo kailangang gustuhin ang tradisyon sa simula, dear," pagpapatuloy niya pa. "Ang tradisy

