Lalo akong nawalan ng ganang kumain sa pagdating ni Blake. Habang unti-unti napalagay ang loob ng mga kasapi ng The Pillars at nagawa na nilang i-enjoy ang salo-salong inihanda ng mga Carson ay lalo namang tumindi ang tension dito sa mesa namin. O baka ako lang iyong nakaramdam niyon dahil itong mga kasama ko ay tila hindi naman apektado! Si Chailyn ay sinimulan nang lantakan ang dessert tapos ang ama nitong si Cupid ay hindi mapalis-palis ang nakakaasar na ngiti. Itong si Blake naman ay mas mukha pang galit sa mundo kaysa tensiyunado. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot bago sinibat ng matalim na tingin ang lalaking katabi ko. Kung si Felan ay namamanipula ang sitwasyon sa pamamagitan ng mabulaklak na mga salita, at si Cupid naman ay gumagamit ng kakaibang karisma, si Blake Carson a

