"Mommy, look! This is the west wing!" masigla agaw ni Chailyn sa atensiyon ko. "My room is the biggest one here because Daddy said I'm his princess!" madaldal na kwento ni Chailyn habang patuloy na hinihila ang kamay ko. Nangingislap ang asul nitong mga mata habang mabilis na naglalakad sa mahabang hallway na nababalutan ng mamahaling karpet at pinalalamutian ng mga antique na painting at chandelier. Hindi bago sa'kin ang karangyaang nakikita ko sa paligid, pero hindi ko rin maikakailang ibang level ang yaman ng mga Carson. Isa lang sa mga painting na nandito ay tiyak na pag-aagawan ng mga bigating collector. Ito iyong mga painting na nilalagyan ng security system habang naka-display, tapos pakalat-kalat lang dito sa pamamahay ng mga Carson. Kahit iyong mga chandelier ay totoo ang mga pa

