Naitikom ko nang mariin ang aking bibig habang nananatiling nakataas ang dalawa kong kamay na hanggang ngayon ay parang tangang naka-victory pose pa rin sa ere. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga ito at mabilis na niyakap ang higanteng pink bunny sa aking dibdib para man lang may maipangharang ako sa nakapapasong tingin ni Cupid. Gusto kong lamunin na lang ako ng mamahaling carpet ng playroom. Sa dinami-rami ng pwedeng makakita sa akin sa isang nakakawala ng angas na sitwasyon ay si Cupid Carson pa! Okay lang sana kung katulad siya ni Blake na parang laging galit sa mundo dahil tiyak na sasarilinin lang nito ang komento o kaya ay totally i-ignore lang ako. Pero iba si Cupid, at pinapatunayan iyon ng nakakairita niyang ngiti! "Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong, iyong tono ay ti

