Ninamnam ko ang masarap kong pagkakalubog sa libo-libong makukulay na plastic balls, habang nakapikit at nakangiti nang malaki. Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, pakiramdam ko ay bumalik ako pagkabata at sa pagkakataong ito ay walang mabibigat na responsibilidad na nakaatang sa mga balikat ko. Wala rito ang mga papeles na kailangang pirmahan, walang mga kliyenteng kailangang plastikin, at higit sa lahat ay walang presensya ng mga dilikadong tao sa underground society na kailangan kong kakaharapin. Dito sa gitna ng dambuhalang ball pit ng playroom ng batang Carson, hindi ako si Kylie Garcia na laging may nakabuntot na panganib, dito ay isa lang akong taong malayang umaktong bata sa kabila ng edad kong twenty-five. Gumawa ako ng snow angel sa gitna ng mga bola. Ang s

