chapter 33

2019 Words

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang tinapunan ng huling sulyap ang tuluyang paglabas ni Blake sa playroom. Napahawak ako sa aking sentido at napaiiling. Mabigat ang ulo ko, sanhi siguro ng biglaan kong pagkagising. Tumayo na ako mula sa plushie sofa at inayos ang aking damit. Kahit paano ay wala na akong naramdamang pagod pero hindi pa rin lubusang naalis ang antok ko. Kumunot ang noo ko habang napasulyap sa pintuang may direktang access sa silid ni Chailyn. Alam kong natutulog ngayon doon ang bata, at may posibilidad na naroon din ang ama nito. Ayoko nang magkaroon ng panibagong engkwentro sa kahit na kanino sa kanila Blake at Cupid ngayong gabi— ubos na ang reserba ng pasensya ko para sa magpinsang 'yon. Mabuti na lang at may napansin akong isa pang double d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD