Madaling-araw na nang makauwi si Uno pagkatapos makulong nang panandalian sa police station.
Mabuti na lang at naayos ng mga abugado niya ang kaguluhang kinasangkutan at nalinis ang kanyang record.
Maging si Sean ay pinakawalan na rin dahil nakapagpiyansa ito ngunit pina-blotter pa rin siya ng magpipinsang mga Semira.
Maingat na pumasok siya sa bahay upang hindi magambala ang pagtulog ni Alfa. Binuksan niya ang refrigerator upang kumuha ng yelo at ilagay sa ice bag. Pagkatapos ay umupo muna siya sa sahig upang idampi ang cold compress sa kanyang noo.
"Tsk! Perwisyo ka talaga, Sean!" Napakuyom na lang siya ng kamao sa inis dahil nabugbog na nga, napagalitan pa siya kaliwa't kanan ng mga pinsan. Tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo subalit napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng tadyang at balakang.
Kanina pa niya iniinda ang pagkakalamog ng katawan dahil sa away nila ni Sean. Hirap din siyang maglakad dahil sa pagkakapalo ng mga tanod sa kanyang binti nang sila ay awatin.
Pinapanatili pa sana siya sa ospital nina Wiz at Luis ngunit alam naman niya sa kanyang sarili na minor lang ang injuries. Wala rin naman nakita na bali sa kanyang mga buto kaya pinagpilitan na lang niyang umuwi. Mas nanaisin pa niyang magpahinga at magpagaling sa sariling bahay kaysa manatili sa pagamutan.
Paika-ika siyang nagtungo sa sala upang doon muna magpahinga. Ubos ang lakas na napahiga na lang siya sa sofa at pinatong sa katabing mesa ang mga gamot na pabaon ni Wiz. Ipipikit na sana niya ang mga mata upang matulog subalit biglang bumukas ang ilaw.
"Uno," nag-aalalang pagtawag ni Alfa. Mabilis na gumalaw ang mga mata niya sa kabuuan ng binata upang malaman ang sitwasyon ng katawan. Naging malamlam ang mga niya nang malamang nasaktan talaga ito ng dating kasintahan na si Sean. Pakiramdam pa niya ay may kasalanan siya dahil nabigo siyang umawat sa away.
"Nagising ba kita?" pagtatanong ni Uno sa kaharap. Kahit na masama ang pakiramdam ay pilit pa rin siyang ngumiti. "Pasensya na sa abala. Matulog ka na ulit, maaga pa."
Lumapit ang dalaga sa pinaglalagian nito. Umupo siya sa tabi at inobserba nang malapitan ang mga pinsala. Maliban sa malaking pasa sa noo, nagkasugat din ang ibabang labi nito at nagkaroon pa ng black eye. Maging ang mga braso at kamao nito ay may mga parteng namamaga kaya siya rin ay nainis sa pagiging agresibo ni Sean.
Ilang sandali rin silang nanatiling tahimik at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Kinuha ni Alfa ang dalang gamot at ointment ni Uno mula sa mesa at inisa-isang basahin kung para saan ang mga iyon.
"Ito pala e, may anti-imflammatory ointment atsaka antibacterial. Linisin at pahiran natin ng gamot 'yan mga sugat mo para mas mabilis ka na maka-recover."
"Ako na mamaya," nahihiyang pagtanggi nito. "Kaya ko naman."
"Saglit lang naman 'yan. Hindi rin ako makakatulog na alam kong ganyan ang sitwasyon mo," pagmamatigas niya. "Kukuha lang ako ng cotton at earbuds. Wait ka lang riyan."
Nagtungo siya sa silid upang kunin ang mga nasabing gamit. Pagbalik ay maingat niyang nilinis at nilagyan ang mga sugat nito.
Tila ba isang maamong tupa na tinanggap lamang ni Uno ang alagang ibinibigay sa kanya. Pinigil niya ang sarili na ngumiti kahit na nangingilabot na siya sa kilig. Nang dahil sa tender loving care ni Alfa ay parang nakalimutan na niya ang sakit ng katawan. Ganoon pa man ay ayaw naman niyang maging pabigat kaya marahan na niyang hinawakan ang mga kamay nito upang tumigil.
"Ayos na ako," pagpigil na niya rito. "Bumalik ka na sa pagtulog."
"Nawala na ang antok ko," pahayag ng kausap. "Magbabantay na lang ako rito."
"Sigurado ka?"
"Oo."
"OK. Ako, inaantok na. Magbi-beauty sleep na ako," pagpapaalam muna ni Uno. "Huwag mo akong panoorin dahil mako-conscious ako. Alam ko naman na gwapong-gwapo ka sa akin pero please lang, don't watch me!"
Humiga na ito muli sa sofa at nagpanggap na natutulog. Napatawa si Alfa dahil sa kalagayan nito ay nagawa pa na magbiro.
"Seryoso? Beauty sleep? At, feelingero ka naman na papanoorin kita while you sleep?"
"Hindi ako sasagot dahil tulog ako."
"Grabe siya! Sige, makiki-beauty sleep na rin ako!" Siniksik niya ang sarili upang makatabi ito. "Pausog!"
"Sisiksik pa e!" pagkontra kunwari ni Uno. "Ayan naman 'yun mesa. Diyan ka, maluwag pa."
"Kasyang-kasya naman tayo e!" pagpupumilit ni alien girl.
"Huwag mo akong ma-chancing ha! Ikaw, ha! Pasimple ka pa!" pigil sa pagtawa na binintang ng binata. "Kunwari makikitabi ka pero may balak kang mala-hokage!"
"Che! Ang kapal ng face mo, ha!" Tinulak ni Alfa ang katabi nang mahina upang umusog ito at magkasya siya. Ganoon pa man ay isang impit na aray ang narinig nang aksidenteng tumama ang siko niya sa nalamog na tagiliran nito.
"Ouch! Careful!" napabulalas ni Uno sa sakit.
"Oops, sorry na!" aligagang paghingi ni Alfa ng paumanhin. Nakunsensya pa siya dahil mukhang napasobra yata ang biro niya at nasaktan pa ang pasyente. "Heto nga at maglalatag na lang ako sa sahig-"
"Ay, kabayo!" napatili na lang siya bigla nang maramdamang dumudulas na pala siya sa sofa.
Laging gulat niya nang malalakas na braso ang mabilis na umalalay sa kanya. Bago pa man siya mag-landing sa ibaba ay niyapos na siya ng katabi upang hindi na masaktan pa.
Aksidenteng napasandal si Alfa sa dibdib ni Uno.
Pareho silang nagulat dahil sa naging posisyon nila na mala-koreanobela ang theme.
Mga ilang milliseconds din na nag-eye to eye ang mahaharot!
Dahil na-awkward moment ang ating mga bida ay umupo na sila at umusog pa ang bawat isa sa magkabilang dulo ng sofa.
Hiyang-hiya sila at nagkailangan na magtinginan pa. Inipon ni Uno ang lakas ng loob upang simulan nang ikuwento ang mga nangyari sa unang pagkikita nila ni Alfa.
"Sa una pa lang na nakita ko ang spaceship mo mula sa langit, naramdaman ko na ang presensya mo," may kasamang kaba na paglalahad na niya. Sa lakas ng t***k ng kanyang puso ay daig pa nito ang adrenalin rush kapag siya ay nakikipagkarera ng kotse.
"Talaga? Nakita mo ba ako sa loob?"
"Hindi. Ang unang napansin ko ay hugis hamburger ang sasakyan mo. Medyo gutom kasi ako noon kaya takaw-pansin para sa akin."
"Akala ko pa naman, ako ang napansin mo. Kung alam mo lang, kumaway pa nga ako sa iyo," may pagtatampong sinambit ng katabi dahil mukhang mas nagka-interes pa ito sa sasakyan na hugis pagkain kaysa sa kanya.
"Noong lumapit ka na sa akin upang mag-apply ng trabaho, magaan na ang loob ko sa iyo, kahit na alam ko na may kakaiba," pagpapatuloy ni Uno upang hindi na malungkot pa si Alfa. Sa layo naman kasi niya sa alapaap, imposible talaga niyang matanaw ito kahit na lakihan pa ang mga mata ng ten times. "Kakatwa. Napakalayo ng mga mundo natin ngunit heto, kapiling natin ang isa't-isa."
Nagulat na lang siya nang biglang lumapit ang kausap habang nasa gitna siya ng pagkukuwento. Tila ba humiwalay pa ang kaluluwa niya sa katawan nang pagdampiin nito ang mga ilong nila.
"Destiny," malambing na tinukoy ni Alfa habang hinahaplos ang buhok ng sinisinta. "Ikaw ang aking destiny."
"Ha?" pagtataka ni Uno, hindi dahil sa salitang "destiny" kungdi dahil ni-nose to nose siya ng kakuwentuhan.
"Sa planetang pinanggalingan ko, ganyan kami humalik sa mga lalaking mahal namin," pagpapaliwanag na niya sa binata dahil batid niya na hindi nito na-gets ang nangyari. "Aaminin ko na rin, na-love at first sight ako sa iyo. Hopefully, male-level-up pa ang relationship natin and we can be more than friends..."
"OK!" wala sa wisyong sinambit ni Uno. Lumilipad pa rin ang isipan niya dahil hindi pa rin makapaniwalag na na-nose to nose ni Miss Alien.
Nang mahimasmasan ay nakaramdam na siya ng umaapaw na tuwa.
Sa pahayag at paghalik kasi nito sa kanya ay tila ba pahiwatig iyon na official couple na sila!
Nais man niyang magdiwang ay naalala niya bigla ang maaaring maging handlang sa pag-iibigan nila.
Ang sumpa!
"Hindi ka ba natatakot sa sumpa namin?" pag-aalala niya. "Baka kasi, nabibigla ka lang. We can take things slowly para malaman mo rin kung sigurado ka na sa feelings mo."
Umiling-iling si Alfa bilang patunay na hindi nga siya nabibigla at sigurado na sa nararamdaman. Puno ng pagsuyo na hinawakan pa niya sa pisngi ang iniibig upang ipaliwanag na wala siyang pakialam sa sumpa.
"Sumpa o may sumpa, I strongly believe that we are soulmates. Kahit saan man tayo makarating, hahanapin natin ang isa't-isa. Biruin mo, nahanap pa kita sa Earth! Pati nga names natin, match na match! Ikaw si Uno*. Ako naman si Alfa*. You are my 'one' and only love and I am the 'beginning' of your new life. Walang magagawa ang mga sumpa na ''yan sa atin!"
(Uno- Spanish word which means "One")
Alfa-variant of Alpha, which means "beginning" in Greek)
"At, hindi ba, sinabi ko sa iyo dati na kayang i-conquer ng pag-ibig ang sumpa na 'yan? Huwag ka nang matakot o mabahala, walang talab 'yan sa atin!"
"Tama ka! Love conquers all!" maligayang deklarasyon na ng binata. Hinawakan na niya ang kamay ni Alfa at hinagkan. "Napakasaya ko ngayon dahil nahanap mo ako. Marahil, kaya wala akong nakatuluyan sa mga exes ko, ang hinihintay talaga ng kaluluwa ko ay ikaw!"
"I agree!" in love na in love na sumang-ayon ang babaeng sinisinta. "Kung minsan, hindi natin naiintindihan ang mga masamang nangyayari pero kung minsan, may mas magandang rason pala. Kapag dumating na ang swerte, tsaka mo naman maiintindihan kung bakit."
Kampante na sana si Uno na walang bisa ang sumpa kay Alfa subalit sumagi naman sa isipan ang ipinalit sa sumpa. Marahil, hindi na nga siya masasawi sa pag-ibig subalit nanganganib naman na maging one inch na lang ang manly jewel niya kapag hindi nakahanap ang tatlong pinsan ng mamahalin sa oras na nakatakda.
Nagdalawang-isip siya kung ipagtatapat ba ito o palalagpasin na lamang. May agam-agam man, nagdesisyon siyang sabihin dahil nais niyang maging honest sa minamahal.
"Ang totoo, naka-hold naman ang sumpa namin na maging sawi sa pag-ibig..."
"Ayun naman pala e! Tignan mo, wala na pala dapat ipag-alala, e! Tuloy ang happy love story natin!"
"Sana nga ganoon," may panghihinayang na sinabi naman pa rin niya. "Nakipagkasundo kami kasi sa duwende na palitan iyon ng isa pang sumpa kasi akala namin, gagaan. 'Yun pala, may mas masamang curse na pumalit..."
"Ha? May mas malala pa ba sa pagiging sawi sa pag-ibig?" pagtataka ng kausap.
"Kasi," nahihiyang paninimula ni Uno. Sinikap niya na ipaliwanag iyon na hindi mabibigla si Alfa. "Kami nina Wiz, Mike at Francis ay binigyan ng duwendeng nagsumpa sa amin ng isang taon na makahanap ng babaeng iibigin namin. Kapag nabigo kami..."
"Anong mangyayari? Mamamatay ba kayo?" pagpa-panic na nito. "Oh no! Nasaan ba ang duwendeng 'yan at lagot siya sa akin! Hindi ako makakapayag na masaktan kayong magpipinsan! No way!"
"Teka, huminahon ka," pagpapakalma niya sa paghi-hysterical ng kasama. "Hindi naman sa ganun..."
"E ano nga?"
"Kapag nabigo kaming apat, magiging isang pulgada na lang..."
"Ha? Magiging thumbelina na lang kayo?" shookt na shookt na napasigaw si Miss Alien. Napaisip pa siya kung ano ang gagawin sa oras na mangyari nga na lumiit ang magpipinsang Semira. Pinlano pa niya na isama sila kay Fifi para mas safe at hindi aksidenteng maapakan.
"Hindi...'yun...ano...'yun...j-junjun namin," nauutal na sinabi naman nito.
"Anong junjun? Korean word ba 'yun?"
"Hindi." Napakamot na ng ulo si Uno dahil hindi pala pamilyar ang salitang "junjun" sa mga Bow-wowians. "Ang ibig sabihin ko, kapag nag-fail kami, magiging once inch na lang ang aming pagkalalaki."
"Ay!" Pinigil ni Alfa ang sarili na tumili dahil sa big revelation na nalaman. "Ang harsh!"
Aminado siya na medyo manghihinayang nga dahil alam pa naman niyang biniyayaan ito. Kapag kasi naka-jersey shorts lang ay hindi maiwasang may bumakat. Alam niyang nahihiya rin ang binata dahil kapag naiilang na ito, pasimple nitong hihilain ang shirt pababa o kaya tatalikod. Nais man niyang umiwas tumitig ay natutukso pa rin sapagkat nahuhumaling talaga siya sa pagkakahulma ng buong katawan nito.
Ganoon pa man ay alam niyang makamundong pagnanasa lamang iyon at lilipas din kung "l**t" lamang ang nararamdaman niya at hindi "love". Napagtanto niya na ang magandang itsura at katawan ay lilipas din naman kasama ng panahon. Ang importante para sa kanya ay palagi dapat na mananatili ang pag-ibig sa isa't-isa.
Para sa kanya, narararapat lang na mahalin si Uno regardless of shape and size!
Maya't-maya ay napabulalas na siya ng tawa dahil malayo naman pala sa kinatatakutan niya talaga ang maaaring maganap.
"Buti na lang, 'yun lang! Akala ko e, made-deads kayo o kaya magiging thumbelina! I-hunting ko 'yan duwende kung sakali man!"
Natulala ang binata dahil sa reaksyon niya na tila na hindi big deal ang mangyayari kung sakali man na mabigo silang apat sa misyon.
"Sa mga nababasa ko sa social media, mga mala-ruler daw ang sukat ng mga pinagnanasaan niyong lalaki. Ikaw ba, OK lang na hindi?"
"Ano ka ba?" Napahalakhak siya lalo at napalo pa sa braso si Uno dahil sa inaalala nito na hindi naman dapat. "Grabe siya! Hindi no! Aanhin namin ang mga ganoon kung sakit sa ulo. My love for you is more than that!"
Nag-uumapaw ang feelings ng binata ng mga panahon na iyon. Ramdam niya na nasa harap na niya ang tinatawag na "unconditional love". Mas naging desidido siya na huwag nang pakawalan pa ang babaeng matagal na niyang hinihintay.
"Salamat." Hinagkan niya muli ang kamay ni Alfa ng makailang beses dahil sa sobrang tuwa. "Maraming salamat sa pagtanggap sa akin ng buong-buo."
"So, kailan mo ako liligawan?" excited na natanong naman ng dalaga.
"Akala ko ba, tayo na?" may panghihinayang na naitanong naman ni Uno. Kanina pa naman ay asang-asa siya na official couple na pero hindi pa pala.
"Ngi, ligaw-ligaw muna!"
"Paano ba?" naitanong na lang niya upang masigurong mapapasagot nga kaagad ng "oo" si Alfa. "Parang ang taas naman ng qualifications mo. Na-stress ako bigla!"
"Hmmm, ganito! Ako na lang ang manliligaw, hihihi!" Sumandal siya sa balikat nito at pabebeng naglambing. "Para maiba! Babae naman ang manligaw para exciting!"
"Kung ganoon, sinasagot kita kaagad ng 'hindi' para pakipot muna ako nang kaunti," pagbibiro naman ng binata. "Para maiba rin. Playing hard to get muna ako at abaka akalain mo, marupok ako!"
"Bad trip ka naman, e!" pagmamaktol naman nito. "Ang ganda-ganda ko, pagkatapos ibabasted mo lang ako?"
"Sige na nga, wala nang pakipot-kipot pa!" nagmamadaling pagpayag na niya na maging kasintahan si Alfa dahil baka bawiin pa nito ang pagkakataon.
"Oo na! Tayo na, ha! Walang bawian!"
"Aww, I love you!" Tuwang-tuwa si girlash sa narinig kaya pinagdikit niya muli ang kanilang mga ilong.
"Nakakadalawa ka na," pagpapanggap na nayayamot naman si Uno. "Kung maka-chancing ka e!"
"Gusto mo naman talaga! Aminin!" panunudyo niman nito habang akmang hahalikan siya muli sa ilong. Bahagyang pinisil niya ang pang-amoy nito bilang tugon sa panunukso.
"Nais mo bang malaman kung paano humalik dito sa mga girlfriend at asawa?" may tono ng "teasing" na tinanong niya habang hinahaplos ang mahaba at malambot na buhok ng pinakamamahal.
"H-Ha? Of course!" kilig na kilig na nasambit nito. Ang alam ko sa lips, e." Ngumuso ito at hinintay ang inaasam-asam na Earthling Kiss mula sa bagong nobyo. "Please be gentle, huwag mo akong bibiglain! Hahaha!"
Ngumiti si Uno at hinaplos ang makinis na pisngi ni Alfa. Pinagmasdan niya ang nagniningning na mga mata nito na nananalamin sa babaeng tunay ang pag-ibig at walang pagbabalatkayo. Napagtanto niya na walang diamante o ginto ang makakatumbas sa kayamanan na mayroon siya ngayon.
"Kiss me," may pananabik na inutos ng dalaga.
"Your wish is my command, my princess..."
Pumikit siya at buong ingat niyang pinagdampi ang mga labi nila.
Halos mawalan ng hininga si Alfa nang dumikit ang mga labi ng kasintahan sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at parang may kuryente pa na nag-spark sa kanilang dalawa. Napayakap na rin siya at kusang gumanti sa halik ng iniibig.
Mga ilang sandali lang ay naging mapusok na ang kanilang mga halik. Nagliliyab ang mga emosyon nila para sa isa't-isa lalo na at magkadikit ang kanilang mga katawan. Napahawak na ang dalaga sa butones ng puting shirt ni Uno dahil tuksong-tukso na siyang hubaran ito upang masilayan nang buong-buo ang nilalang na matagal na niyang inaasam.
Likas na gentleman, marahan niyang hinawakan ang kamay nito upang huminto ngunit kumandong naman sa kanya ang kayakap kaya kaunti na lang ay bibigay na siya sa panunudyo nito.
"Alfa! Don't make me do something naughty!" hiyaw ng kanyang isipan, na pilit niyang pinapanaig kaysa sa tawag ng katawan. "I can hardly resist this!"
Nagsisayawan ang mga atoms at DNA nila sa katawan at napa-OMG pa. Todo-suporta sila kung may love scene raw na mangyayari. Bumili pa sila ng popcorn at softdrinks para manood ng nakakapanabik na R-18 scenes. Alam naman daw nila na sizzling hot itong si Fafa Uno at siguradong mag-eenjoy ang sexy na si Alfa, the alien girl. Nakahanda na silang makarinig ng maraming "ugh, harder, more, faster, deeper" at kung anu-ano pa na pang-out of this world na mga salita.
Pero dahil killjoy si Author, walang mangyayaring ganoong eksena rito.
Nilayo na ni Uno ang sarili dahil baka raw maging SPG* ang libro na ito kung hindi siya magpipigil. Ayaw niyang mailarawan at maibandera sa buong mundo kung ilang inches daw ba talaga siya.
(Strict Parental Guidance)
According to him, manigas daw kayo sa kakaisip kung ano ang sukat niya!
Nagpigil rin siya dahil pumipintig na rin kasi ang pakiramdam ng kanyang bukol...
Bukol sa noo...
Kaya kailangang tumigil muna dahil baka ma-brain injury na siya.
At, nararapat lang na respetuhin si Alfa.
Hindi na dapat maisulat pa kung ano man private moment ang magkakaroon daw sila.
"Ay! Ano ba 'yun?" hiyang-hiya na napatili ang nobya nang mahimasmasana na. Hindi niya inaasahan na mararanasan ang mga bagay na kailanman ay hindi nagawa kahit sa ex-fiance pa. Inalalayan siya ng nobyo upang makaupo muli sa sofa. "Akala ko dampi lang 'yun ibibigay mo, yun pala ang intense!"
"Halik pa rin 'yun. Lips to lips."
"Alam ko pero, hindi ba masakit pa ang bibig mo?" pag-aalala niya dahil alam niyang may sugat iyon. "Sorry na. Nanggigil yata ako sa kissable lips mo..."
"Ayos lang. Nawala na ang sakit," paglalambing naman nito. "Mabilis na panglunas pala sa lahat ng sakit ang mga alien."
"Ows? Haha! So, pwedeng isa pa?" paghingi pa niya dahil bitin na bitin pa rin.
"Tunay pala na nakaka-adik humalik ang mga Semira!" naisip pa niya habang pinipigil ang sarili na humagikgik. "Mga master kissers, to the highest power!
"Next time," pagtanggi muna ni Uno. Nais man niyang ulitin pa sana ay umiwas na muna siya at baka saan pa makarating ang simpleng halik samantalang bago pa lang silang magkasintahan.
"Minsan-minsan lang para may excitement!"
"Awww, ganoon ba?" Niyakap ni Alfa mula sa likod ang lalaking mahal. "OK lang, basta promise mo, palagi tayong magkasama ha? Walang iwanan?"
"Kung sa kubeta at jumejebs ako, ayaw ko ng may kasama."
"Eeew. Kadiri ka naman, e. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Magkasama tayo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya, in sickness and in health!"
"Oo na," puno ng lambing na pagpayag na ni Uno. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya at hinaplos-haplos.
"Hindi kita iiwan..."