"May nabanggit ba si Zeta...tungkol sa akin?" paninimula niyang makiusyoso sa kung ano ba ang napag-usapan nila ni Alfa. Pinagsarhan kasi siya ng pintuan ng ex kaya hindi niya narinig ang lahat ng pinagsasabi nito patungkol sa kanya.
"A! Mahaba raw," wala sa wisyo na sinagot naman ni Alfa habang inaayos ang mga pagkain at inumin na nasa refrigerator. "Wala na pala tayong hotdog..."
"Mahaba ang alin?" ninenerbiyos na naitanong niya habang pinagmamasdan ang dalaga na gumagawa ng listahan ng mga bibilhin.
"Mahaba ang pasensya mo..."
"OK. I see," binulong niya habang kinukumbinsi pa rin ang sarili na wala sanang hindi kaaya-aya at kahiya-hiyang exposé na binuking si Zeta.
"Meron pa ba siyang naikuwento?"
"Ay, meron! Masarap daw 'yun ano e...yummy...naku! Dalawa na lang pala ang itlog natin, kailangan ko na talagang mamalengke!"
"Masarap?" nanlalaki ang mga matang napabulalas niya dahil sa pabitin-bitin na mga pahayag ng kausap. Nas nilapit na niya ang sarili upang makuha ang buong atensyon ng inuusisa. "Ang ano?"
"Masarap ka raw magluto." Binuksan naman nito ang vegetable compartment upang malaman kung anong gulay pa ang kailangang bilhin. "Ay, nalanta na ang talong! Sayang! Mahaba at mataba pa naman!"
Napabuntong-hininga si Uno dahil tila ba iniiwasan siyang kausapin nito. Inakala niya na may mga nasabi si Zeta na nakaka-turnoff kaya hindi siya masyadong inaasikaso ng kasama. Tahimik siyang umalis sa kusina at nagtungo na lang sa hardin upang magpahangin.
"Pwede mo ba akong samahan mamalengke?" pagtatanong ni Alfa. Nagtaka siya kung bakit walang sumagot. Paglingon niya ay wala na pala ang kausap. Sumilip siya sa may bintana at kaagad na napansin ang pagkabalisa ng binata.
"Siguro, nais lang niya ng kausap kanina, pagkatapos hindi ko pinansin," nagsisisi niya na napagtanto. "Nahihiya rin kasi ako na kausapin muna siya. Makalaglag-panty at b*a ang mga revelations sa akin ni Zeta, my gosh! Uno, isa ka bang regalo ng langit sa mga babae? Nasa iyo na ang lahat!"
Nagtimpla siya ng kape para sa kanilang dalawa at nagtungo sa hardin kung saan tahimik na nagbabasa ng mga mensahe mula sa kanyang sss Page si Uno. Napasimangot pa ito nang may makitang isang basher na nag-send pa ng throwback photo nila ni Zeta. May caption ito na, "Masama kasi ang ugali mo, Uno! Kaya pinagpalit ka ng ex mo kay Jarvis, may attitude ka!"
Napailing na lang siya dahil puro kasinungalingan ang nilalabas ng media tungkol sa tunay na paghihiwalay nila ni Zeta. Ikinalat kasi ng mga sponsors ni Jarvis na pabayang boyfriend si Uno at isinalba lamang nito mula sa kanya ang dating nobya. Dahil sa likas na gentleman at ayaw na niyang mabahiran ng dumi ang reputasyon ng babae, pinili na lang niyang manahimik. Gayunpaman ay samu't-sari na "bashing" at paninira ang natanggap nita mula sa mga netizens.
"Coffee for your thoughts," paggambala ni Alfa sa malalim na iniisip nito. Pagtingala ay nasilayan niya ang isang napakagandang nilalang na may matamis na ngiti sa mga labi. Kaagad na gumaan ang kanyang loob dahil tunay na nakakahawa ang positive vibes ng kaharap ngayon.
Umupo si Alfa sa tabi nito at iniabot ang tasa ng kape. Masuyo niya itong tinanggap at ngumiti rin sa kanya. Nakahinga na siya nang maluwag dahil akala niya ay hindi na siya papansinin nito dahil nga sa mga naikuwento ng ex-girlfriend.
"Masarap talagang tumambay at magkuwentuhan dito sa may garden. Presko at maganda ang view," maligayang pahayag ni Alfa. May mga lumipad na paru-paro sa paligid at dumapo sa mga puting rosas at lilang orchids. Ikinatuwa niya na makita ang mga iyon dahil makukulay ang mga pakpak ng mga insekto at extinct na ang mga ito sa planeta nila. Hanggang ngayon ay amazed pa rin siya sa mga hayop at halaman na mayroon sa Earth. Takang-taka nga lang siya kung bakit burado na ang mga dinosaurs samantalang sa pinanggalingan niya ay pagala-gala lamang ang mga t-rex at brachiosaurus na mga domesticated din.
"Alfa," paninimula na ni Uno na mag-open up. "May mga naikuwento ba si Zeta noong kami pa?"
"Oo." Namula ang pinsgi niya nang maalala ang mga kahiya-hiya ngunit katakam-takam na mga eksenang nabanggit sa kanya. "Three years pala na naging kayo at muntik na rin naikasal. Kaso pala, nagka-third party on her part."
"Matagal-tagal din na naging kami," pagkukuwento na rin niya sa katabi. "I was really serious in our relationship."
"I had plans, big plans with her. I even prepared this house because I was ready to marry her and start a family." May panghihinayang na tinuro pa niya ang two-storey house na pinasadya pa sa isa sa mga pinakamahusay na arkitekto sa Pilipinas. "Akala niya, kaya ako nagpahinga muna sa car racing ay dahil mag-reretire na ako. Kung alam lang sana niya noon, abala akong hinahanda ang lahat para sa future namin."
Medyo kumirot pa rin ang kanyang puso dahil sa mga pangarap na nawalang parang bula. Minahal talaga niya si Zeta at malaking dagok para sa kanya nang sila ay naghiwalay na.
"Then, in a blink of an eye, all of my dreams went down the drain..."
"Ang saklap naman. I'm so sorry to hear that," pakikiramay ni Alfa sa pagiging broken-hearted nito. "Masasabi ko nga na planado ang lahat sa bahay. May tatlong extra rooms nga e. May recreational area pa. Para sa mga future children niyo ba dapat 'yun?"
"Yes. Akala ko talaga, siya na. Medyo nasasayangan nga rin ako sa laki ng bahay pero tayo lang naman ang nasa loob. Sayang ang millions na nagastos ko na sana, na-i-donate ko na lang sa orphanage."
"Hmmm, huwag ka nang manghinayang," pagpapalubag naman sa loob ng kakuwentuhan sa kanya. "Malay mo naman, may rason kung bakit binigay ni Lord sa iyo ang bahay."
"Baka naman para sa 'atin' 'yan, hihihi!" tahimik na naisip naman ni Alfa habang iginagala ang paningin sa maluwag na lugar. "Hindi masamang mangarap. Baka para sa future three kids namin itong house! Hay, home sweet home!"
"Siguro nga, para sa ibang babae nakalaan itong house," pagsang-ayon naman ni Uno, gamit ang isipan. Walang kaalam-alam ang dalaga na pati pala ang lalaking pinapangarap ay kapareha niya ng iniisip. "Baka naman ikaw ang future wife ko. Sana, ikaw na ang matagal kong pinapanalangin sa Diyos na gagawing tahanan ang bahay na ito. How I wish, we'll have one big happy family!"
"Pero, kanino kaya magmamana ang mga anak namin? Sa akin ba na Earthling o kay Alfa na taga-Galaxy 100,000,007? Siguro, mga cute little girls and boys naman sila, mana ang looks from me. Then, they'll be strong like their mom!"
"Wala ka na bang naging girlfriends or flings man lang, pagkatapos ng relasyon sa ex mo?" paggambala ng dalaga sa pagde-daydream ng binata dahil curious talaga siya kung ano ang naging love life nito after Zeta.
"Para kasing dikitin ka rin ng nga babae, 'di ba?" pahabol pa niya habang nakatingin sa alapaap na tila ba matatanaw niya roon ang kasagutan. "Ang dami sigurong nag-apply na maging nobya mo."
"H-Ha? Para naman akong nasa interview," pagbibiro ni Uno kahit ang totoo ay nahihiya siya na malaman nito ang nakaraan niya. " Please lang, don't judge me because I am not a book."
Bumalik tuloy sa alaala niya na noong mas bata pa ay halos hindi nga siya nababakante sa mga karelasyon at may mga short-lived romances pa. Kung tatanungin ang mga naging kaklase, sasabihin pa nila na may pagka-playboy pa siya. Dala na rin ng kakulangan sa pansin sa mga magulang, inakala niya na mapupunan ng mga babae ang hinahanap-hanap niya na kalinga subalit nagkamali pala siya. Imbis na matuwa ay mas nalungkot pa siya sa bawat paghihiwalay na nagaganap
Nang tumuntong naman sa twenties, nagsimula na siyang magbagong-buhay at mas maging seryoso sa pananaw sa pag-ibig. Mas naging matured na rin siya ngayon kaya malayo na ang personalidad niya sa dating pasaway na si Uno. Kung minsan, naiisip pa niya na kung magkikita sila ng mas batang "siya", sasabihan niyang hindi worth it ang pagmamadali sa paghahanap ng magmamahal sa kanya at darating din ang tamang babae, sa tamang panahon.
"Uhmmm, medyo personal yata ang naging tanong ko," sinambit ni Alfa nang mapansin ang pagkaaligaga ng kinikilatis.
"Magiging honest ako sa iyo," sinagot naman ni Uno kahit na nais na sana niyang bawiin ang katanungan. "Pagka-break namin ni Zeta, maraming nirereto sa akin pero wala akong natipuhan. No flings. No short-lived romances. I'm done with those. Believe it or not, I'm a changed man."
"Wala? As in waley?" hindi makapaniwalang napabulalas ni Alfa.
"Well, I did go to dinner dates but nothing more than that," nakangiting pag-amin na niya ngunit sa kaloob-looban naman ay stressed na stressed siya sa pakikiusyoso nito patungkol sa pribado niyang buhay. Sa mataimtim na titig pa naman ng dalaga, ramdam niya na binabasa nito ang buong pagkatao niya.
Hindi naman manhid si Alfa at naiintindihan din niyang naiilang na ang kasama kaya sinubukan niyang bumawi at gawing mas enjoyable ang usapan.
"Huwag mo sanang masamain ang pagtatanong ko, ha. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nagiging zero ang love life ng isang Uno Emir Semira!"
"Ayos lang. Gusto ko nga na open tayo sa isa't isa," paniniguro naman nito na walang problema sa pangingilatis niya lalo na at nagkakapalagayan na sila ng loob. "Based on my experience, kapag dali-dali akong nakikipagrelasyon, girlfriends just come and go. I just thought that maybe, if I take a break and look at love more seriously, mas aayos ang buhay ko."
"Wow, you're the man! Sana lahat ng lalaki, katulad mo nang mag-isip!" tuwang-tuwa na nasambit naman ni Alfa habang tinarapik-tapik ang kanyang balikat. "Mala-Adonis ka at ideal man, paniguradong napakaswerte ng magiging nobya o asawa mo!"
"Ideal man? Mala-Adonis?" Hindi na napigilan ni Uno na mapahalakhak. Sa tanang buhay niya ay siya lamang ang tanging babae na nakapagpatawa sa kanya na tila ba wala ng bukas. "Kung mapuri mo ako, para akong anghel! Baka tamaan na ako ng kidlat niyan."
"Totoo naman e!" prankang pagpapaliwang ng dalaga ng walang bahid ng kaplastikan. "Ikaw lang ang sakalam* sa kapogian at kabaitan!"
(Malakas)
"Sinabi mo 'yan, a. Ike-claim ko na!" pigil sa pagtawa na sinabi naman niya.
Ilang sandali lang ay nagseryoso ang kanyang ekspresyon nang maalala ang problema nilang mga Semira. Iyon ang isa sa mga bagay na kinukunsidera niya kaya nag-aalangan din siyang manligaw muli ng babae.
"Naniniwala ka ba sa sumpa?" paninimula na niyang isiwalat ang sikreto ng kanilang angkan.
"Hmmm, medyo. It depends," pag-aanalisa naman ng tinanong. Napaisip pa siya bigla dahil sa planeta nila ay kinukunsidera iyon na "taboo" at makalumang paniniwala. "Bakit mo naman naitanong?"
"May babae kasi akong nagugustuhan..."
Napaiwas tuloy ng tingin si Uno nang dahil sa nabitiwang mga salita. Panandalian muna niyang tinimbang kung nararapat ba na buksan ang topic sa babaeng iilang buwan pa lang na nakakasama. May agam-agam man, nagpasya na rin siyang magsabi upang maaga pa ay malaman na niya kung may pag-asa pa ba siya sa pag-ibig o wala.
"Oh, sino?" may bahid ng lungkot na naitanong naman ng katabi. Akala tuloy niya ay mas magiging challenging sa kanya ang panliligaw sa lalaking mahal sapagkat may gusto ng iba. Medyo nasaktan man, sinikap pa rin niyang huwag magpahalata, lalo na at wala nga naman siyang karapatan pa na magdamdam at magselos.
"Let's say na kakilala mo siya?" padaplis na pagpapahiwatig naman ng binata. "As in close na close kayo."
"OK," nasambit naman nito habang inaalala ang lahat ng babaeng nakakasalamuha. Mga may edad at seniors pa naman ang mga nakakausap niyang kapitbahay kaya napapa-the who talaga siya kung sino ang tinutukoy ni Uno.
"Gusto ko talaga siya. Unang pagkakita ko pa lang sa kanya, iba na ang dating ng karisma niya sa akin. Makailang beses ko nang gusto sanang manligaw, kaya lang medyo natatakot ako," paglalahad pa niya. "Isinumpa kasi ang angkan namin.
Halos lahat kaming mga lalaki ay iniiwan at niloloko. O kaya naman ay nabibiyudo ng maaga. Si Wiz, isang araw nga lang naikasal kaso kinabukasan, namatay na ang misis niya. Malas kami talaga pagdating sa pag-ibig."
"Hala! Bakit ganoon?"
Narinig nga ni Alfa ang mga sabi-sabi na hindi sinusuwerte ang kalalakihang Semira sa mga babaeng napupusuan. May pagka-tsismosa rin kasi siya at magaling mag-research. Nahagilap pa niya ang old files ng ninuno ni Uno na si Kungfu na nagmula pa sa probinsya ng Miao-miao noong ikalabingwalong siglo pa. Ayon sa mga marites na kapitbagay, may mangilan-ngilan naman na matagumpay ang relasyon, nakapag-asawa, nagkaanak at nagkakaapo pa ngunit sa bandang huli, ang karamihan ay naiiwan pa rin na mag-isa sapagkat nauunang mamatay ang babae.
Napalunok siya nang malapot nang mapagtanto na nanganganib din pala siya kung magkakatuluyan sila ni Uno.
Ganoon pa man, mas malakas ang alien radar niya na walang talab ang sumpa sa kanya at mas malaki ang pagmamahal niya para sa binata. Nag-survive naman siya sa pagbiyahe mula Galaxy 100,000,007, muntikang pagkabangga sa asteroid, paglubog ng spaceship niya sa dagat at muntikang pagkakakain sa kanya ng mga pating kaya malamang, kakayanin pa niya ang lahat ng susubok sa kanya.
Para sa kanya, lahat naman ng bagay may risk.
Parang sa stock market, the higher the earnings possible, the higher the risk.
And she's willing to take that risk for the man she trully loves. Kung nais niya na makuha ang pinaka-precious na lalaki sa sanlibutan, kailangan niyang lakasan ang kanyang loob.
"People die, that's the harsh reality of life. We can't do anything about that kahit ano pa ang edad o estado mo sa buhay. Pero, kung iniwan ka ng exes mo at pinagpalit sa iba, hindi kaya choice na nila 'yun?" pagpapaliwanag na niya kay Uno. "Siguro, may trauma ka from past relationships pero the universe might be teaching or showing you something. 'Yun ang tignan mo, huwag ang sumpa-sumpa na 'yan. Para sa akin, may sumpa man o wala, kung mahal mo talaga ang tao, mas mananaig ang dikta ng puso mo at hindi mo siya iiwan. Walang power ang sumpa kung mas nananaig pa rin ang pag-ibig."
Napahanga niya si Uno dahil sa paniniwala nito sa kapangyarihan ng pag-ibig. Lumakas tuloy ang loob niya na subuking mas mapalapit sa dalaga at simulan nang ligawan. Kapag kasama niya kasi ito ay daig pa niya ang nakainom ng sangkatutak na energy drink. Tila ba nagiging invincible sila at wala ngang sumpa o masamang elemento ang manganagahas na lumapit sa kanila.
"Sa lakas na taglay niya, siguradong pupulbusin niya sila," naisip pa niya. Natuwa man sa nakitang senyales na malaki ang pag-asa sa puso ni Alfa, dinalaw pa rin siya ng pangamba. "Hindi ko pala siya dapat galitin at baka maging vetsin ako!"
"Sa palagay mo ba, kapag nanligaw ako sa kanya, hindi ako mababasted?" pasimpleng pagtatanong niya kay alien girl. Nakikiramdam din kasi siya kung may chance ba na papansinin siya nito sa oras na ituloy ang planong panunuyo. Kahit na maraming naging nobya man, aminadong kinakabahan pa rin siya at natotorpe sa kausap ngayon.
"Oo naman! Ganito, ha. Basta sa next time na manliligaw ka, tumingin ka sa ugali. Mukhang minamalas ka sa magaganda, 'yun mga tipong supermodel at Miss Universe! Sa sobrang ganda nila, naloloko ka tuloy!"
"Humanap ka ng katipo ko na cute lang, pero matinding magmahal! Hahaha!" pagpaparamdam naman niya kay Uno na type nga niya ito.
"Hindi naman lahat ng maganda, manloloko," pakiki-ride na ni Uno sa biro nito. Lihim din siyang nasiyahan dahil mukhang may pahiwatig pa ito na papabor sa kanya. "May kakilala ako na maganda na, mabuting tao pa."
"Talaga? Hmmm, bihira 'yun a! Sino 'yun? Patingin nga ng picture!"
"Ik-" natigilan siya dahil baka akalain ng kasama ay napakabilis naman niyang mag-damoves.
Sa katunayan, ilang araw na niyang pinipigil ang sarili na sambitin ito sa tuwing sila ay nakikita. Nais din niyang aminin na natutuwa talaga siya sa kabutihan at positibong pananaw nito sa buhay. Sa pagdaan ng mga araw, hindi niya namamalayan na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito.
Nagdalawang-isip siya kung tamang panahon na ba para sabihin ang nararamdaman niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na nakatadhanang ipakilala sa kanya ang nilalang na maihahalintulad sa isang dyosang naligaw lamang sa lupa ng mga mortal.
"Aaminin ko na. Huwag ka sanang mabibigla..."
Napahawak na lang sa dibdib si Alfa nang marinig ang mga salitang magmumula sa pinakamamahal. Ilang saglit din siyang nagduda kung tama nga ba ang nasagap ng mga tainga o nangangarap lamang. Nang mapatunayan na tunay nga ang lahat, nabalot na ng tuwa ang kanyang kalooban.
"Ikaw ang babaeng tinutukoy ko na gusto ko," pagtatapat na ni Uno. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at puno ng pagsuyo na nilantad na ang nilalaman ng kanyang puso.
"Masaya ako at nagpapasalamat dahil nakilala ko ang pinakamagandang nilalang sa buong sansinukob. Noong una ay itinatanggi ko pa sa sarili na mali ang nararamdaman pero hindi ko na kayang magsinungaling. Kung alam mo lang, Alfa..."
Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng sinisinta. Isang matamis na ngiti naman ang iginanti nito kaya mas naging malakas at matatag ang pagmamahal niya para rito. Nang mga oras na iyon, kampante siyang kayang talunin ng pag-ibig niya ang kahit ilang sumpa.
"Minahal na kita sa unang pagkikita pa lamang..."