Kapitulo 12: Fifi

1624 Words
Tila ba nasa alapaap ang pakiramdam ni Uno. Enjoy kasi siya na nakasakay sa isang unicorn na jumejebs ng bahaghari. Happy na sana siya ngunit kaagad siyang na-bad trip nang matanaw sa isang ulap na kulay pink ang kinatatakutang purple dinosaur na si Varny. Pilit niyang pinalihis ang makulay na kabayo ngunit dire-diretso lamang nitong sinalubong ang tinuturing na malupit na kaaway. Maya't maya ay narinig na lamang niya na umaawit ito ng "Ako's isang sawi, huhuhu...sawi...sawi..." "Ha?" ang tangi niyang nasambit habang nilalagpasan ang dinosaur. Isang kahindik-hindik na halakhak ang nagmula kay Varny na tila ba nawawala na ito sa katinuan. Makapanindig-balahibong inulit-ulit pa nito ang salitang "sawi" kaya mas nangilabot ang binata. Mula sa nakanganga nitong bibig ay lumabas ang matatalas na mga pangil at dumaloy ang kulay ube na likido. Mabilis na gumalaw ang ulap na sinasakyan nito at hinabol sila. Napautot sa takot ang sinasakyan niyang unicorn at lumabas mula sa p***t nito ang makulay na hangin. Nahilo pa si Uno dahil napakabaho pala ng lumalabas mula sa hayop at hindi amoy candy, katulad ng ikinuwento ng pre-school teacher nila noon. "Bilisan mo naman!" nanggigigil na panuto niya sa sinasakyan habang pinipigil ang paghinga. "Wait lang!" tugon ng humahangos na kabayo. "Panic mode na ako!" "Huwag kang mag-panic!" pigil sa inis na pinagsabihan niya ito sapagkat imbis na bumilis, bumagal pa sila sapagkat nasindak nga ang kabayo kay Varny. "Tumakbo ka! Huwag mo siyang tignan at dire-diretso ka lang!" "OK!" pagsang-ayon ng magical pero may pagkatang* na unicorn. Dire-diretso itong tumakbo sa alapaap. Sa kadahilanang medyo slow itong mag-isip, kahit may airplane pala na maaaring mabangga ay hindi pa rin ito lumihis o tumigil. "Huminto ka!" instruksyon ng binata. "Mababangga na tayo sa eroplano!" "Ang sabi mo, 'tumakbo' ako!" gulong-g**o ang isipang pagrereklamo nito. "Ano ba talaga?" "Lumihis ka na nga lang!" Napakamot na ng ulo si Uno dahil sa hindi sila magkaintindihan. "Kumanan ka!" "Ang sabi mo, 'diretso' lang!" "Ano ba 'yan? Kinulang ka ba sa d**o?" yamot na yamot niyang pinagalitan ang kabayo. "Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?" "Sorry, hindi talaga kita ma-gets...unicorn lang kasi ako...huhuhu..." paghingi nito ng paumanhin bago pa man sila bumangga sa Philippine Airlines na eroplano. Habang nahuhulog sa ere ay naramdaman niya na may tumatapik-tapik sa kanyang pisngi. Hinawi pa niya iyon dahil ramdam niya ang gaspang ng kamay nito. Akmang matutulog sana siya ulit pero pinisil naman nito ang kanyang ilong. Natauhan siya bigla nang mapagtanto na nananaginip lang pala siya. Pagmulat ay dalawang malalaki at itim na mga mata ang mataimtim na bumulaga sa kanya. "Hello!" pagbati pa nito habang mabilis na gumagalaw ang mga antenna sa ulo. "F-Fifi?" hindi makapaniwalang napabulalas siya. Napabalikwas siya mula sa higaan at napatakbo sa may sulok nang makita na mas malaki pa sa kanya ang bestfriend na ipis ni Alfa. "Panaginip na naman ba ito?" "Hindi, no! Kung makapag-react ka, parang nakakita ka ng monster!" mataray na tugon ni Fifi dahil na-hurt siya sa pag-iwas nito sa kanya. Gumapang ito palapit kaya mas lalong nabalot ng kilabot ang kabuuan ng binata. "Bulaga! Hahaha!" "Kailan ka pa lumaki ng ganyan?" pagtataka ni Uno habang kinukusot ang mga mata. "Bakit ang taba-taba mo na?" "Aray ko naman! Mataba? Excuse me, chubby lang. Binubusog kasi ako ng ham, bacon at cheese ni Mommy Alfa ko!" pagmamalaki pa nito. "Love niya talaga ako! I'm so pampered!" "Kaya pala palaging nawawala ang laman ng ref ko, inuubos mo!" "Mayaman ka naman, kaya barya lang iyon sa iyo," palusot naman nito. "Atsaka, ayaw mo ba iyon, pogi points kay Alfa kung aalagaan mo rin ako?" "Don't get me wrong, OK? You may eat all you want," pagkaklaro na ni Uno nang mahimasmasan. Binawi niya ang sinabi kanina lamang dahil naisip niya na baka akalain ng mag-amo na pinagbabawalan niya silang kumain. "Nabigla lang ako sa itsura mo. Hindi ko inaasahan na pwede ka palang lumaki ng ganyan. Unusual kasi sa amin na Earthlings ang ipis na katulad mo." "Anyway, si Alfa ba, kumakain nang maayos kapag wala ako?" pangungumusta naman niya. "Uhmmm, hindi masyado e. Hinihintay ka kasi palaging umuwi. Kapag nandiyan ka, doon lang siya ganadong kumain." paglalahad ng insekto. "Naninibago pa rin kasi siya sa planeta niyo kaya medyo nananamlay siya." "Dapat pala, palagi ko siyang samahan na kumain." "Tama!" pagsang-ayon ni Fifi. "Atsaka baka pwede mo siyang isama nang madalas sa mga lakad mo para hindi rin siya naiinip. Kasi, gusto man niyang lumabas, natatakot pa rin siya sa mga Earthling." "Ganoon ba? Mabuti at nasabi mo. Mamaya rin ay isasama ko siya sa dadaluhan kong car racing event. Isasama rin kita at baka naiinip ka na sa boteng kwarto mo." "Hindi na kailangan. May gusto lang akong masiguro," pagtanggi ni Fifi sa alok sa kanya. Mas lumapit siya kay Uno at hinawakan niya ang mga kamay nito. "Mahal mo ba ang Mommy ko?" pag-uusisa niya na parang musmos na naghahanap ng stepfather. Natigilan si Uno sa diretsahang tanong sa kanya. Tumitig siya sa mga mata nito na tila ba nagsusumamo. Seryoso man ang usapan, may pagka-weird pa rin ang naramdaman niya dahil first time niya na makipag-eye to eye sa isang ipis. Napagtanto pa niya na simula noong nakilala niya si Alfa ay napakarami na pala niyang "first time". First time niyang makakilala ng isang alien... First time na madakma ang kanyang birdie sa pamamagitan ng paa ni Ivanna nang siya ay sapilitang ipa-date sa agressive na foreigner... First time niyang lumabas sa bahay na walang suot na brief upang sagipin sa pool si Fifi... First time niyang makakausap ng isang mala-halimaw na ipis... At first time niyang makaranas na mapamahal sa isang babae na positibo ang epekto sa kanya... Sa kaloob-looban ng kanyang puso, sigurado siya na si Alfa ang kanyang soulmates. "Oo," mahina niyang tugon na may ngiti sa kanyang mga labi. "Mahal ko ang mommy mo." "Talaga?" maligayang napabulalas nito. Nagningning pa ang mga mata nito dahil sa narinig. "Masaya akong malaman 'yan! Sabi na nga ba at may 'something' sa inyo, e! Alam mo ba na na-love at first sight si Mommy sa iyo? Naku, kung alam mo lang! Kilig na kilig siya kapag nakikita ka kaya ligawan mo na kaagad!" Napatawa na si Uno sa pang-uudyok ni Fifi na suyuin na nga ang amo. Bahagya pa niyang hinila ang antenna nito na mabilis na gumagalaw dahil sa sobrang saya. "Ikaw talaga, tsismosa ka!" pagbibiro niya rito. "Hey, don't play with my antenna!" pagsaway naman sa kanya ng ipis. Tumilaok ang mga pula at puting manok ng kapitbahay niyang sabungero na palaging talo. Senyales iyon na parating na ang umaga. Mula sa bintana ng silid ay tumagos na ang kaunting liwanag. "Secret lang natin ito ha," nagmamadaling binilin ng ipis. "Minsan lang kasi kami maaaring lumaki at makipag-usap sa mga tao. Limitado lang din ang oras na pwede namin gamitin ang kakayahang ito dahil mababawasan ang araw ng aming mga buhay. Sana ay hindi masayang ang once chance na ito. Pakiusap, huwag mong pababayaan ang Mommy Alfa ko!" "Oo naman, aalagaan ko siya." Hinaplos niya ang ulo nito at nangako. "Gaya nga nang sinabi ko, mahal ko si Alfa. Ikaw rin, mahal kita bilang baby namin!" "Ikaw na rin ba si Fafa Uno ko?" maluha-luhang tinuran ni Fifi. "Fafa?" Bahagyang tumaas pa ang kilay ng binata sa tinawag nito dahil parang ang sagwa ng dating sa kanya. "Daddy na lang. Daddy Uno." "Awww..." Yumakap sa kanya ang insekto na hindi na napigilang dumaloy mula sa mga mata ang tears of joy. Maligaya siya dahil ramdam niya na worth it ang paggamit sa isang pagkakataon na mayroon siya upang makipag-usap sa tao. Kung maaari lang sana na magtagal pa ang usapan nila ay gagawin niya subalit iyon lang ang inilaan na oras ng tadhana para sa kanya. "Salamat po, Daddy!" taos-pusong sinambit niya habang unti-unti nang nagiging mahina ang kanyang tinig. "Nawa'y maging maligaya ang pagsasama niyo ni Mommy Alfa..." Mga ilang sandali lang ay bumalik na sa dating sukat si Fifi na halos triple ang laki kumpara sa mga ipis sa Pilipinas. Inilahad ni Uno ang palad upang makasampa siya. "Ibabalik na kita sa kwarto ni Alfa, ha. Baka mag-alala siya kapag nakita niya na wala ka sa bahay mo." Masayang gumalaw ang mga antenna ni Fifi bilang pahiwatig ng pagsang-ayon. Maingat niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Alfa at nakiramdam muna kung gising na ba ito. Nang masiguro na mahimbing pa ang tulog nito ay marahan na niyang binaba si Fifi sa sahig. Gumapang ito paakyat muli sa mesa kung nasaan ang kanyang garapon. Binalik niya ang takip niyon at kinaway ang isang paa bilang senyales na OK na siya sa kinalalagyan. Dahan-dahang sinara ni Uno ang pintuan upang hindi magising ang dalaga. Nagtungo siya sa kanyang silid upang umidlip pa nang kaunti. Pagkatapos ng mahigit isang oras ay gumising na siya at naligo. Mag-aalas-sais na nang pumunta siya sa kusina upang magluto. Nais niyang sorpresahin ang minamahal sa simpleng pamamaraan na alam niya. "Napansin ko na paborito ni Alfa ang omelette with bacon crisps," pag-aanalisa niya habang nanghahalungkat ng mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. "Atsaka pancakes na may cheese naman for Fifi..." Habang abala siya na tumitingin sa refrigerator, tahimik na pala siyang pinagmamasdan ni Alfa. Yakap-yakap niya ang garapon kung saan masayang nagmamasid din si Fifi. Paglingon ng binata ay kaagad na umapaw ang emosyon mula sa kanyang puso. Nag-blush pa siya dahil na-shy siya sa napakagandang babaeng alien na kaharap niya ngayon. Ramdam niya ng mga panahong iyon na sobrang ganda ng kanyang morning. Isang napakatamis kasi na ngiti ang naging pagbati ni Alfa sa Uno loves niya. "Bagay na bagay sila!" maligayang bulong ni Fifi sa sarili habang kinikilig. "Sana, sila na forever..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD