Kapitulo 13: Celebrity Dilemma

2003 Words
Kagigising pa lamang ni Alfa ay narinig na niya ang kaguluhan sa labas. Pagsilip mula sa silid ay may nakita siyang mga nakaparkeng sasakyan sa gilid ng daan at mga media people na nagsusumiksik sa tapat ng tarangkahan "Paano kayo nakapasok sa subdivision?" yamot na tinanong ni Uno habang sinisiguro na naka-double lock ang gate. Yumayanig na kasi ito at tila ba masisira pa dahil sa pagpupumilit nila na makalapit sa kanya. "This is an exclusive area, know your boundaries!" "Totoo ba ba na hiwalay na si Jarvis at Zeta?" paulit-ulit na inusisa sa kanya ng mga reporter. Nag-uunahan sila na makakuha ng scoop dahil kumalat na ang balitang naghiwalay na nga ang dalawa. Ang pangunahing sinisisi ay si Uno, na wala naman kaalam-alam sa mga pangyayari. Ang ideya lang niya ay kaka-break nga lang nila, mga dalawang linggo na ang nakalilipas. "Malay ko," matipid niyang tugon. Kinuha niya mula sa bulsa ang cellphone at tumawag sa security. "Hello, Guard, pakitaboy ang mga tsismoso't tsismosang ito." "Totoo ba ang sinasabi ni Jarvis na kaya sila naghiwalay ay dahil sa iyo? Nagkikita pa rin kayo ng ex mo nang patago?" mapangahas na tanong naman ni Tanya, isang kilalang manunulat ng mga artikulong namba-bash sa mga sikat ba celebrities. Tanging mga nanunuhol at nagreregalo ng mamahalin ang sinusulatan niya nang magaganda. Nagkataong siya ay binigyan naman ng kotse ni Jarvis kaya plano talaga niyang siraan ang inuusisa. "Hindi totoo 'yan," pagtanggi ni Uno. "Sinungaling ka talaga, Jarvis!" nagtitimpi sa galit na iniisip niya. "Kinakalaban mo ako hindi lang sa karera, maging sa personal ko ng buhay! Masyado nang below the belt and paninira at pang-iinsulto mo sa akin!" Si Jarvis Shadow Knight ang malupit niyang kalaban sa car racing. Siya rin ang umagaw sa dati niyong kasintahan na si Zeta. Sa kadahilanang makarisma ito sa publiko, mas pinapaboran siya ng masa kaysa kay Uno. Maamo kasi ang itsura nito na tila ba napakabait at walang gagawin na kalokohan. Ang katotohanan ay mapagpanggap lamang ito at kabaligtaran ang ugali niya sa totoong buhay. Siya ay babaero, sugarol at lasenggero. Ganoon pa man ay magaling ang manager na palitawin na tila ba isang santo si Jarvis. Kahit na siya pa ang third party sa hiwalayan noon nina Uno at Zeta, nagmukha pa na siya ang mabuti dahil ang alam ng mga tao ay isinalba lamang niya ang babae mula sa pabayang boyfriend. Ngayon naman ay pinagbibintangan pa si Uno na dahilan ng paghihiwalay nila ni Zeta. Pinili na lamang manahimik ni Uno dahil para sa kanya ay wala na dapat siyang pakialam doon. Tumalikod na siya upang iwanan ang mga reporter ngunit sadyang makulit at mapanakit ng damdamin si Tanya. Biased kasi siya sa mga gwapo at may lahing chinito dahil ang ex niya ay isang Korean mestizo at boyband member na ipinagpalit siya para sa career. "May mga nakuha ako na CCTV footage na nagpunta nga rito si Zeta. Naghalikan pa nga kayo," paninimula niyang magbulgar na may mala-demonyong ngisi. Sa harap pa ng marami niya inilantad iyon sapagkat nais talaga niyang ipahiya ang binata sa mga kasamahang taga-media. "Paano mo masasabing wala na kayong ugnayan? Tsk! Ang pangit na ng record mo kapag nailabas ko ang article na ito." Napakuyom ang mga kamao ng binata dahil sa narinig na pagbabanta mula sa reporter. Gustuhin man niyang depensahan ang sarili ay batid niya na babaligtarin pa rin nito ang kuwento kung hindi niya ito susuhulan ng malaking halaga. Hindi kailanman naging ugali ni Uno ang manuhol kaya kung anu-anong negatibong balita ang lumalabas patungkol sa kanya. Sa kasamaang-palad ay pinaniniwalaan naman iyon ng netizens kaya "race car driver from hell" ang bansag sa kanya. Mas naging masama ang imahe niya sapagkat hindi siya masyadong nakikisalamuha sa ibang mga celebrity at pili lamang ang dinadaluhang events. Hindi naman kasi naisusulat ng media ang mga pagdalaw niya sa mga eskwelahan at charitable institutions upang mag-donate kaya hindi nila alam na kabaligtaran ang ugali niya sa bansag nila sa kanya. Hindi rin nailalathala na napakarami na pala niyang natulungan na mga estudyanteng financially challenged upang makapag-aral at mga pasyente na may cancer. Discreet kasi siya at ayaw talaga ng publicity. Para sa kanya, isa siyang race car driver pero pagkatapos ng karera, balik na siya sa pribado niyang pamumuhay. Wala sa kanya ang celebrity status at kung may makasalamuha man na fans kung saan-saan, napapatunayan nila na friendly naman pala, basta ba huwag babastusin. May mga natatagpuan din kasi siya na mga salbahe at walang modo kaya nauubos din ang kanyang pasensya at napapaaway. Iyon ang mga mangilan-ngilan na pagkakataong inilalabas ng media kaya hindi kagandahan ang image niya, lalo na sa social media. Gayunpaman ay mas naiintriga lalo ang mga babae sa kanya dahil mysterious bad boy raw ang dating niya kaya ini-stalk nila sa mga socmed platforms. Maging sa ibang bansa ay tanyag siya sa pagiging mailap kaya ang tawag sa kanya ng mga naroon ay "Badas* Prince from Asia". "Ano, natameme ka?" pang-iinis lalo ng babaeng reporter. "Sa bagay, sanay ka naman nang ma-bash..." "Masyado nang private ang tanong mo, Ms. Tanya. Sorry, but I refuse to answer your question," may tono nang pagsusuplado na tugon niya. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta para sa kanya, malinis ang kunsensya niya at wala siyang inaagrabiyadong mga tao. Hindi na niya napigilan ang sarili na mainis dahil mas lalong nag-ingay ang mga kausap. May mga nagtangka pa na umakyat sa pader pero sinugod na niya iyon at pinababa. "Damn it! Get off my property right now!" pinagsabihan na niya ang mga nanunubok mag-trespass. "Leave me alone!" Sa wakas ay dumating na ang mga guard sa sundivision at inawat ang mga tao. Tinalikuran na niya ang nga ito at nagmamadaling pumasok ng bahay. "Ang sama ng ugali," pagbubulung-bulungan pa rin sila habang papalayo na siya. "Sayang, napakapogi pa naman lalo na sa personal, kaso ang snob pala!" "What do you expect from a spoiled brat?" panunuya lalo ni Tanya habang nakapaywang. Umayon ang mga kasamahan niya kaya pinaringgan pa nila si Uno. "Suplado!" sunod-sunod na tinawag sa kanya. "Typical rich kid with bad manners!" "Matalo sana siya sa susunod na karera!" "Malaos ka na sana!" Kahit na ayaw man maapektuhan ng binata sa masasakit na salita ay nalungkot pa rin siya. Kung makapanghusga kasi sila sa kaniya ay para bang napakasama niyang tao. Napabuntong-hininga na lamang siya habang isinasara ang pintuan. Hinila din niya ang mga kurtina upang hindi na nila siya makita sa loob. "Anong nangyari?" nag-alalang pagsalubong ni Alfa. "Media...they love to hate me," pagsusumbong niya na parang bata na na-bully ng mga salbaheng kalaro. Napasandal pa siya sa may pintuan dahil feeling down talaga siya nang mga oras na iyon. "Ha? Bakit naman?" "Never mind." Pilit siyang ngumiti upang hindi na mag-alala pa ang kausap. "Aalis din ang mga 'yan." Pinagmasdan pa rin ni Alfa ang ekspresyon ng kaharap. Hindi mapagkakailang nabagabag ito dahil sa hindi kaaya-ayang pangha-harass ng media sa kanya. Ang maangas at supladong aura na pinapakita sa publiko ay malayong-malayo sa ugali nito kapag siya o mga pinsan na lamang ang mga kasama. May mga panahong nagsusungit, pilyo at mapagbiro ito ngunit batid niya na mabait at maalalahanin talaga si Uno. "Huwag mo na silang pansinin. Alam mo naman na masyadong judgemental ang mga tao, " pagpapalubag niya sa loob nito. Hinawakan niya sa kamay ang binata at inaya munang umupo sa may sala. "Alam ko ang nararamdaman mo dahil biktima rin ako ng mga paparazzi sa aking planeta. Natsismis pa nga na may attitude rin daw ako at matapobre." "Attitude?" hindi makapaniwalang inulit ni Uno. Napaka-humble kasi ni Alfa kaya nagulat siya na ganoon pa ang balita patungkol sa kanya sa Bow-wow. "Hindi totoo 'yun!" "Hindi ako perpekto pero alam ko sa sarili na hindi ako mapanlait ng tao. Alam mo naman ang nakararami, insecure. Kapag nado-down ang tao, feeling nila panalo sila. Ang advise ko sa 'yo, in public, huwag ka masyadong obvious na napipikon or affected." "Madalas kasi, sumusobra na sila," mabigat sa loob na pagtatapat niya. "Nakaka-down din kung minsan. Napakarami ko ng bashers." "If you're feeling down, I will lift you up!" maligayang pahayag ni Alfa sa pinakamamahal. Tinapik-tapik niya ang balikat nito upang kalmahin. "Team na tayo, hindi ba? Kahit i-bash ka pa ng universe, ako ang kakampi mo!" Napangiti na siya dahil sa comforting words at advice na nagmula pa sa isang prinsesa. Kaagad na gumaan ang kanyang pakiramdam dahil alam niya na may napakabuti siyang karamay sa katauhan ng isang alien girl na si Alfa. "Ako rin, kakampi mo ako!" maligaya niyang sinambit. Inilahad niya ang palad upang makipagkamay. "Deal, team na tayo, ha! Wala nang bawian!" Napatawa siya dahil sa kakatwang akto ng kausap. Inabot na lang niya ang kamay bilang tugon. "Deal!" "Dahil kakampi na kita, maari mo ba akong samahan sa race ko bukas?" nagpapa-cute na pakikiusap ng binata. Busy kasi ang mga pinsan niya kaya hindi muna nila siya masasamahan. Sanay naman siya na walang taga-cheer pero feeling niya ay kailangan ng muse para ma-inspire na maipanalo ang karera. "Oo naman!" pagpayag ni Alfa. "Kapag nanalo ka, ilibre mo ako ng milk tea at donuts, ha!" "Lulunurin pa kita sa milk tea!" pagbibiro naman nito. "Kapag natalo ako, 3 in 1 coffee lang." "Grabe siya. Ang kuripot!" "Joke lang. Manalo o matalo, bibili tayo ng giga size na milk tea," paniniguro niya kasabay nang pag-akbay sa dalaga na medyo nagulat pa sa naging asal nito na tila ba close na close nga sila. "Si Fifi, bibilhan naman natin ng mini." "Wow, friends na kayo ni Fifi ko?" nakataas ang isang kilay na naitanong niya. Dati kasi ay pinangingilagan nito ang alaga na para bang diring-diri pa. Pero nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang malaking pagbabago nito at nilalambing pa ang insektong tuwang-tuwa na nakikipaglaro naman. "Oo. Mabait naman pala siya. Parang aso't pusa nga na napunta sa katawan ng ipis." Natuwa siya dahil tanggap na pala ni Uno ang baby cockroach niya. Kinukunsidera nga rin niya, kung sakaling maging mag-asawa man sila, ang gagawin upang hindi maitaboy si Fifi. Inaalagaan niya ito na parang anak kaya kahit mahal man niya ang lalaki ay ipaglalaban pa rin niya ang alaga. Laking pasasalamat niya na magkasundo na pala ang dalawa kaya nabawasan na ang mga inaalala. "Dalhin din natin siya bukas," excited na suhestiyon ni Alfa." Baka siya ang good luck charm mo." Tumango si Uno bilang pagsang-ayon. Dahil sa sobrang tuwa ay hindi niya napansin na napapatagal na pala ang pag-akbay niya kay Alfa. Kahit na kinikilig na si Miss Alien ay pinigil niya ang sarili na magtitili sa saya. Kapag kasi nagkakalapit sila ay hindi niya maiwasang maakit hindi lang sa kapogiang taglay nito maging sa samyo na nababanguhan talaga siya. "U-Uno," pabebe niyang pagtawag. "Bakit?" "Ang bigat ng kamay mo...hihihi!" pagpapaalala niya. Kaunti na lang kasi ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili at magdilim pa ang paningin kaya pinuna na niya ito. Tuksong-tukso na nga siyang sunggaban ang fafable at yummy na lalaking katabi up close at personal pero dahil she prefers to act like a princess, inawat niya ang sarili. "Oh! I'm sorry!" Kaagad na inalis naman nito ang braso na nakaakbay sa balingkinitang balikat ni girlash. "Nasanay kasi ako na umaakbay sa mga taong malapit sa akin. Ganyan talaga ako kapag kapalagayan ko na ng loob." "Akala ko naman kasi, close na nga tayo," nagawa pa nitong humirit ng paglalambing. "Tsk! Asang-asa ako!" Mas lalong kinilig ang katabi dahil sa binanggit. Feeling tuloy niya ay nobyo na talaga niya si boylet kahit walang official declaration pa. Ganoon pa man ay nagpapakipot muna siya nang kaunti para hindi naman masyadong halata na sabik na siyang maging magkasintahan sila. "Naku, kahit akbayin o yakapin mo ako forever," pagde-daydream niya habang nakatitig sa mapupungay na mga mata ng binata. "At sana next time na i-hug mo ako, shirtless, pantsless at underwearless ka na Fafa Uno!" may pagnanasa na naman na na-imagine ng may pagkapilyang si Alfa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD