Kapitulo 14: Karera

2656 Words
Paunawa: Ang awtor po ay hindi batikang driver. Ang mga eksena ng racing na nakapaloob ay base lamang sa aking obserbasyon sa panonood ng stock car race at imahinasyon. Kung may mga technicalities man na hindi naaayon, pinapaalala ko po na ito ay isa lamang "fiction". Maraming salamat po. "Kapag alanganin, huwag ka nang tutuloy, ha!" ninenerbiyos na pag-aalala ni Alfa habang inaayos ang kuwelyo ng racing suit ni Uno. "Matalo na kung matalo, ayaw kong maaksidente ka." "Relax ka lang. Ilang taon na ako sa karera kaya sanay na ako rito," paniniguro naman ni Uno. "I know when it's too risky." "Kahit na, doble ingat ka pa rin!" Ngumiti ang binata nang maramdaman ang tender loving care ng kausap. Sa beinte-otsong taon na nabubuhay siya sa Earth, siya lamang ang babae na nagbigay sa kanya ng ganoon. Nais pa sana niyang lubusin ang pagkakataon na manuyo subalit may kumatok na sa silid. Pagbukas ng pinto ay lumantad na ang manager niya at assistants sa karera. "Uno, magsisimula na ang opening ceremony. Tara na," pag-aya na nito sa kanya. "Sige, susunod na ako," tugon naman niya. "May TV diyan, wide screen, makikita mo ang karera," nahihiya niyang binanggit kasabay ng pagtuturo sa nakasabit na malaking telebisyon sa dingding. Para sa kanya kasi ay parang katabi na niya si Alfa sa kotse habang nakikipagpaligsahan kung panonoorin man nito ang laro niya. "Kung gusto mo lang naman 'yun sport..." "Panonoorin ko talaga!" Kinuha nito ang remote control at in-on ang TV. "Ipagdarasal ko rin na maging ligtas ka. Inuulit ko ha, mag-iingat ka." "Salamat," masayang sinambit niya. Mas ginanahan siya sa race dahil sa suporta na nakukuha mula sa dalaga. Binuksan na niya ang pinto upang magtungo na sa lobby. Lumingon muna siya muli upang masulyapan ang minamahal. "Go, Uno! Go!" pagchi-cheer ni Alfa. "Fight! Fight! Fight!" Tumango siya at buong-tapang na hinarap ang mga fans at reporter na naghihintay na pala sa kanya sa labas. Pinalibutan na siya ng security upang hindi masaktan kung sakali man na may magtangka. "How do you feel now?" pagtatanong ng isang banyagang mamahayag na nagmula pa sa Italya. "Are you nervous? "Nervous? No, I feel great!" sinagot niya na may ngiti. "What can you say about the breakup of Jarvis and Zeta? The rumors say that you're the reason behind the separation. Is is true?" "Zeta is a lot happier now that she is single," ang tanging sinagot niya upang hindi na humaba pa ang usapan. Bahagya siyang nainis sa tanong na walang kinalaman sa sport ngunit pinalagpas na lamang niya dahil good mood siya. "Who is that girl you are with right now?" pakikiusyoso naman ng isa na nakitang sabay bumaba ng sasakyan sina Alfa at Uno at nagtungo sa building. Natigilan siya kung ano nga ba ang dapat niyang isagot. Naisip kasi niya na sabihin na kaibigan lamang pero batid niya na higit pa roon ang turingan nila sa isa't-isa. Hindi naman niya masabing nobya dahil hanggang ngayon ay wala pa silang label. "She is someone very dear to me," ang kinusindera na niyang safe answer. Ganoon pa man ay mas nagbulung-bulungan ang mga tao at lalo siyang inulan ng mga katanungan. Mabuti na lang at malapit na siya sa labas kaya nakaligtas na sa mga pag-uusisa. Sa bungad pa lang ng stadium ay rinig na niya ang nakabibinging hiyawan ng mga tao. Sumakto kasi na kasabay pala niyang lumabas ang mahigpit na katunggaling si Jarvis Shadow Knight. Maihahalintulad sa isang anghel ang aura nito na tila ba walang gagawing kasamaan. Nang magtama ang kanilang mga mata, kaagad din na napalitan ng mapaghamong aura ang ekspresyon nito. Dahil hari ng dedma si Uno, ini-snob niya lamang ito at tahimik na nagtungo sa field. Binati pa niya ang mga kapwa manlalaro at nakipag-handshake pa. Sport namin kasi siya at hindi pinepersonal ang laro kaya maayos siyang makitungo sa mga kapwa race car drivers. Mas lalong nanggalaiti sa inis at insecurity si Jarvis dahil sa naging asal ni Uno. Kahit noon pa ay nais na niyang matalo ito ngunit sadyang mailap ang tagumpay sa kanya. Mula sa silid na naka-assign kay Uno ay ninenerbiyos na pinapanood ni Alfa ang binata. Yakap niya ang garapon kung saan nakikinood din si Fifi habang kumakain ng popcorn. Napakagat siya sa kanyang mga kuko dahil tunay na natatakot siya sa mga ganoong klaseng sport. Para kasi sa kanya ay delikado ang matulin na pagpapatakbo ng kotse. Kung maari lang sana ay i-encourage niya na mag-piko at tumbang-preso na lang ito para mas ligtas. Pagtapat ng camera kay Uno, tila ba naramdaman nito na pinagmamasdan siya ni Miss Alien. Laking gulat niya nang ngumiti pa ito sa camera at kumindat pa. Nawala tuloy ang nerbiyos niya dahil sa killer smile na may matching wink. "Look at that smile!" excited na napabulalas ng sports commentator nang mapansin ang hindi karaniwang akto nito. "That is the first time I saw him did that! He seems to be in good spirits!" Kinilig tuloy ang mga tagahangang babae ni Fafa Uno. Hindi man maganda ang image siya sa karamihan, may fans club pa rin naman siya na palaging nanonood sa mga laban niya. Kahit may imahe ito ng pagiging bad boy, crush na crush pa rin nila ito. Mabait naman kasi ang idolo nila sa kanila at sumasagot pa personally sa mga messages kaya dagdag pogi points to the highest power! Pagkatapos ng opening ceremony ay nagtungo na sina Uno sa kanya-kanya nilang mga kotse. Napahawak siya sa manibela at huminga nang malalim at umusal ng maikling panalangin. Kahit sampung taon na siyang lumalahok sa karera, nakakaramdam pa rin siya ng kaba. Nang maalala ang ngiti at pag-cheer ni Alfa, nawala na ang kanyang nerbiyos at bumalik ang good vibes niya. Sa hudyat ng paninimula, pinaharurot na nila ang kanilang mga sasakyan. Kalmado lamang at hindi agggressive na nagmamaneho si Uno. Para sa kanya, nararapat na masaya at hindi stressful ang pakikipaglaro sa event na ito dahil ibibigay niya ang kalahati ng naipanalo sa isang religious organization na nangangalaga ng isang orphanage. Ayaw muna niyang pairalin ang naitatagong angas at bagsik sa racing dahil baka magkasala pa siya. Sa kalagitnaan ng karera, mula sa rearview ng kotse, ay natanaw niya na nakatutok ang sasakyan ni Jarvis sa kanyang sports car. Kaagad niyang napansin ang plano nito na i-corner siya. Sa kadahilanang pinapayagan ang car-to-car contact sa stock car racing, maaari siyang banggain nito nang mahina sa likod. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari kahit gaano pa man katibay ang sportscar na minamaneho. Maaari pa rin kasing magkaroon ng damage ang sasakyan at maapektuhan ang performance. Sa katunayan ay may nasaksihan na siya na ganoong pangyayari na ikinasawi ng driver at dalawang spectators. Nawalan ng kontrol ang sasakyan, lumipad sa ere at bumangga sa catch-fence na pinaglalagian ng mga manonood. "Tsk! Alam ko ang plano mo, Jarvis!" tiimbagang na naisip niya. "Marumi ka talagang maglaro!" Inilag niya ang minamaneho ngunit nanganib naman na matamaan niya ang nasa kaliwa. Upang makaiwas sa pagka-corner ay bahagya na niyang pinabagal ang pagmamaneho, dahilan upang maiwanan na siya ng mga katunggali. Ngunit hindi pa rin siya iniwan ni Jarvis. Batid niya na ang kahinaan ni Uno ay ang pagliko sa turning points ng mga race tracks. Nalaman niya ito nang panoorin ang previous races ng kinukunsiderang kalaban. Bumabagal ang takbo ni Uno sa area na iyon at bihira rin siyang nakitaang mag-drifting*. (Drifting is a driving technique where the driver intentionally oversteers, with loss of traction, while maintaining control and driving the car through the entirety of a corner. Source: Wikipedia) Sinamantala niya ang pagkakataon upang mabangga at maitulak paabante si Uno. Medyo nawala sa balanse ang pagkokontrol ni Uno sa kotse. Hindi man halata sa mga manonood ay ramdam niya na nagkaroon ng friction ang front wheels sa daan kaya nag-alanganin siyang magpabilis. Habang nilalagpasan siya ni Jarvis ay sinaluduhan pa siya nito na may mala-demonyong ngisi, katulad noong ginawa niya nang matalo ito sa nakaraang laban. Napailing na lamang sa inis ang binata dahil sa patagong pandaraya nito sa kanya. Gayunpaman ay mas nanaig ang presence of mind niya kaysa sa emosyon. Walang ideya ang kalaban na malaking pagkakamali ang sagarin ang pasensya ni Uno. Hindi niya alam na mas ginaganahan itong manalo kapag ganitong sitwasyon ang ipinaparanas. Kung mautak man si Jarvis, kaya rin sakyan ni Uno ang pagiging tuso niya. "Patawarin po. Gusto ko talagang magpakabait." Napa-sign of the cross pa si Uno habang tahimik na nananalangin. "Pero sumusobra na po siya! Tuturuan ko ng leksyon ang gag*ng 'yan!" Pinili niya ang delikadong strategy na hahayaan muna ang katunggali na manguna. Mainam din iyon upang makabawi ang sasakyan niya mula sa kaunting pinsala. Kapag ilang kilometro na lamang ang kailangang tahakin mula sa finish line ay tsaka siya unti-unting magpapabilis ng takbo. Tinantya na niya ang mga maaaring singitan na mga kotse at kung saan siya makakalusot upang manguna sa karera. Ilang sandali lang ay side by side na silang nagmamaneho. Matalim siyang tinitigan ni Jarvis na ayaw pa rin na magpadaig sa mas batikan na driver. Bilang tugon naman ay ngumisi siya at sumaludo. "See yah!" sarkastikong sinabi niya rito bago tuluyang pinatulin ang minamaneho. "Let's do this!" inutos naman niya sa sasakyan na tila ba tao rin ito. Ramdam niya ang paggalaw at pag-ugong ng makina ng paboritong sasakyan na tila ba ito rin ay nagkaroon ng sariling buhay. Nang mga oras na iyon, maihahalintulad sa mabagsik na halimaw ang kotse na handang makibaka alang-alang sa amo. Sa husay niyang mag-drive ay para bang may unseen force na humihila sa race car patungo sa finish line kaya nalagpasan na niya ang lahat ng kalahok. Muli ay sinubukan na namang patamaan ni Jarvis ang dulo ng sportscar ni Uno. Ngunit, laking gulat niya nang pina-drifting naman ng target ang minamaneho palayo sa kotse niya kahit na nasa paliko man ito. Hindi niya inaasahan ang mapangahas na aktong ito mula sa katunggali dahil sa pagkakaalam niya, maingat ito sa mga turning point ng race track. Lingid sa kaalaman niya, pinagkakatuwaan lang pala nito sa mga practices and drifting pero hindi lang talaga gustong gamitin sa mga official na racing. "Wow! That was unexpected!" napabulalas ng commentator na matagal nang inoobserba ang pagmamaneho ng binata. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya mula rito ang ganoong pamamaraan ng pagmamaneobra sa sasakyan. Maging ang mga manonood na haters ni Uno ay napanganga nang dahil sa pagkamangha. Sa isang iglap lamang at pagwagayway ng bandilang checkered na may halong puti at itim, napagdesisyunan na ng tadhana kung sino ang panalo. Naiyak sa tuwa si Alfa dahil sa pagkapanalo ng sinisinta. Maging si Fifi ay naluha dahil sa tagumpay ng Daddy Uno niya at sigurado na rin ang naipangakong milk tea sa kanila at napakasarap na donuts. Paglabas ni Uno mula sa magarang sports car ay marami na namang panty, maging brief, ang nagsilaglagan. Kahit na malayo ay kitang-kita talaga ang kakisigan nito lalo na at nakangiti pa. Kumaway siya sa mga fans niya, dahilan upang malaglag naman ang mga b*a nila. May naghagis pa sa kanya ng panloob ngunit imbis na masalo ay tumama pa ito sa mukha ng assistant niyang lalaki na senior citizen. Humingi na lamang siya ng paumanhin sa empleyado dahil medyo nahilo pa ito. May putok kasi ang nagmamay-ari ng b*a kaya na-shookt si lolo. Tunay na dangerous "bad boy" at "race car driver from hell" ang fafable na ito! Isang ngiti at kindat lamang na magmula sa kanya ay tila ba nagagamitan niya ng mahika ang mga babae, maging mga binabae. "Congratulations!" pagbati ng isang baguhang reporter na dahan-dahang lumapit sa kanya. "How do you feel now?" Napakunot ang noo niya nang makilala ang mamamahayag. Napaurong ang babae dahil akala niya ay magsusungit na naman ito katulad noong una silang magkita. Batid ni Miss Reporter na bad impression ito sa kanya. Masyado kasing naging mapanghimasok ang approach niya kaya nasupladuhan pa siya ng binata. Nalaglagan pa siya ng panty habang sumusubok na mag-interview kaya napahiya rin siya to the highest level. Gwapong-gwapo kasi siya sa atleta nang mga panahon na iyon kaya hindi niya napansin na dumadausdos na pala paibaba ang panloob. Nang dahil sa kahiya-hiyang pangyayari, umiiwas na sana siyang kausapin ito ulit subalit wala naman siyang choice na umayaw sa seniors niya. Kinapalan na lang niya ang mukha kahit na nanganganib na ma-snob muli. Maingat na hinawakan ni Uno ang kamay ng babae upang makuha ang mikropono. May nais kasi siyang sabihin na ayaw niyang marinig ng publiko on air. "Miss, hindi na ba maluwag ang garter ng panty mo?" pabiro na binulong niya. Napatawa pa siya nang maalala na noong first meeting nga ay nalaglagan ito ng underwear na may butas at mantsa pa sa crotch area. "Ay!" napatili pa ang tinatanong kasabay nang paghawak sa may baywang. "Medyo lumuluwag na naman nga!" "Hawakan mo!" panuto niya sa babae na nagba-blush na sa harap ng secret crush. "Baka mahulog na naman!" Nang masigurong wala nang mahuhulog ay binalik na niya ang mikropono kay Miss Newbie Reporter. Nagpasalamat siya sa lahat ng supporters at malugod na sinagot pa ang mga katanungan ng babae. Nang matapos na ang mini interview ay nagpaalam na si Uno upang mag-attend na ng awarding ceremony at makabalik na kaagad kina Alfa. "I have to go," pahayag niya. Marahan pa niyang tinapik sa balikat ang kausap bilang pahiwatig na appreciation sa trabaho nito. "Thank you, Miss Annabelle. It's been a pleasure talking with you." Maluha-luhang pinagmasdan niya si Uno habang lumalakad papalayo. Hindi niya inaasahan na pati pangalan ay alam pa ng kausap. Nasanay na kasi siya na binabalewala lang ng mga ini-interview dahil baguhan lamang siya. Para sa kanya ay malaking break ang ginawang pabor ng binata. Medyo nahihirapan kasi siyang makipagsapalaran sa mundo ng newscasting dahil hindi siya pinalad na magkaroon ng pisikal na kagandahan. Halos lahat ng kasabayan niya ay magaganda at sexy kaya napag-iiwanan na siya. Sa ginawa nito para sa kanya, siguradong dadami na ang projects niya at unti-unti na rin makikilalang credible na reporter sa mundo ng sports. "Maraming salamat, Uno Emir Semira! This means a lot to me!" taos-pusong pasasalamat niya kahit hindi na siya naririnig nito. "Best wishes for you and your loved ones." Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay sinalubong na siya ng yakap ni Alfa. "Congrats! I'm so proud of you!" maligaya nitong pagbati. "Thank you!" Kumaway-kaway din si Uno kay Fifi na nakiki-celebrate rin sa pamamagitan ng pagtalon-talon mula sa bote. "Panalo si Daddy!" Dahil sa sobrang tuwa ay nabuhat niya si Alfa at inikot pa. Para sa kanya ay ito ang pinakamasayang panalo sa tanang-buhay niya. "D-Daddy?" nagtatakang naitanong ng dalaga sa kanya. Medyo namula pa ang mga pisngi niya dahil kinikilala niya ang sarili bilang "Mommy" ni Fifi baby niya. Sa pinahayag ng kayakap, tila ba inampon na niya ang ipis at mag-asawa na sila ni loves niya. "A..." natigilan saglit si Uno nang mapagtanto na nadulas na siya sa pagsasalita. Naalala niya na secret pala nila ni Fifi ang naging usapan mga tatlong araw pa lamang ang nakalilipas. "Oo! Pet ko na rin kasi siya kaya 'pet parent' ang tawag doon, hindi ba? Daddy na rin niya ako!" "Talaga? Salamat sa pagtanggap kay Fifi ko!" tuwang-tuwa na napabulalas niya. Hinubad niya ang medalya at isinuot iyon sa babaeng minamahal. Hinawakan ni alien girl ang bilog na ginto at hinalikan pa. "Mwah! Hahaha! Feeling ko, pati ako nanalo!" Muli't muli ay yumakap siya kay Uno nang dahil sa tuwa. "Higit pa sa pagkapanalo ang saya ko ngayon." Masuyo niyang hinaplos ang buhok ng kayakap habang pinagtatapat ang nilalaman ng kanyang puso. "Nagpapasalamat ako dahil sa suporta na nagmula sa iyo. Sana, manalo o matalo, nariyan ka pa rin palagi." "Oo," pangako ni Alfa habang nakapikit at ninanamnam ang sandali na habang buhay niyang ikukunsidera bilang isa sa pinakamasaya niyang memories. "Narito lang ako para sa iyo..." "For better or for worse..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD