Naging normal naman ang pagsasama naming dalawa. Kahit na mahirap na siya, nagawa niya pa rin ang humanap ng pwedeng pangkabuhayan namin. Nagtatanim siya ng iba’t-ibang uri ng gulay.
Nag-aalaga rin siya ng mga manok. Sa tuwing may itlog ito ay dinadala niya ito sa kabilang bayan, marami naman ang bumibili. Marami ang nag-order sa kanya lalo na at siya mismo ang nagde-deliver.
Kahit na mahirap na siya, naghahanap pa rin siya ng mapagkitaan. Hindi siya natatakot at hindi siya nahihiya. Hindi ko maitangging may diskarte nga siya kaya siguro hindi siya natatakot maubusan ng pera.
Abala siya sa bago niyang trabaho habang ako naman ay abala sa pagtatrabaho sa umaga at pag-aaral sa gabi.
“Veronica,”
“Pwede bang Vern na lang? Ako talaga ang nahihirapan huminga kapag binigkas mo ang buo kong pangalan.” Sabi ko sa kanya.
Hindi ko na maalala kung ilang beses ko na siyang pinagsabihan tungkol dito.
Bahagya siyang tumawa. “What can I do? Your name, it’s calming my nerves.” Sabi niya. Umiwas naman ako ng tingin.
Kasalukuyan ko siyang tinulungan sa paglagay ng mga itlog sa tray ngayon. Hindi naman ganun karami ang mga manok niya noong una, pero unti-unti, nagawa niya ring paramihin. Hanggang ngayon, hindi ko inakalang kaya niyang gawin ang lahat ng ito para sa akin.
“Do you want to come with me?”
Sabado nga pala ngayon kaya maraming tao sa palengke. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
Ayun nga, sumama ako sa kanya sa palengke. Ang gamit naming sasakyan ay kay Spade, hiniram niya. Hindi ko akalain na andami niya palang kilala rito. Hindi ko rin inakala na andami na pala niyang mga customers. Hindi pa nga siya umabot ng dalawang buwan sa trabahong ito.
Tsaka, hindi pa dumating ang hapon ngunit ubos na ang dalawampung tray ng itlog na dala niya. Hindi ako makapaniwala. Nanatili lamang ako sa loob ng sasakyan. Gusto ko sanang lumabas pero pinagbawalan niya akong lumabas kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya.
Nang makapasok siya, kitang-kita ko kung gaano siyang pinagpawisan kaya dali-dali kong kinuha ang towel at pinupunasan ang kanyang basang mukha. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha na napalitan naman agad ng pagngiti.
“Thank you, wife.” Sabi niya.
Napailing ako. “Ako dapat ang magpapasalamat sa’yo.” Sabi ko. “Teka, ano ba ang gagawin mo sa perang naipon mo?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam. Wala naman akong malaking plano. You can have all these money for yourself.”
“Ano?!”
Para saan pala ang pagpapayaman niya noon kung wala naman pala siyang malaking plano?
Napalunok ako. Sana hindi na lang ako nagtanong dahil wala naman siyang matinong sagot.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“Unti-unti kong binabayaran ang utang ko kay Spade Xandros noong kasal natin.” Sabi niya.
Ako tuloy ang nahihiya para sa kanya.
Nagkakautang tuloy siya sa pinsan niya dahil sa akin.
“Sabi ko naman sayo, bawiin mo na lang ang—”
Umiling siya. “Having this kind of life with you is kind of entertaining. Natutunan kong maging masaya sa maliit na bagay kasama ka, Veronica. I’m contented having you by my side.” Sabi niya sabay hawak sa kamay kong nakahawak sa towel na pinupunas ko sa kanya.
Nararamdaman ko ang pagtibok ng aking puso.
“Gaano ka ba kasaya?” Hindi maiwasan kong tanong.
“Happy enough to not let you leave my side.”
Diyos ko, Lord!
Hihimatayin ata ako dahil sa tamis ng dila nitong lalaking ito. Tanungin ko kaya siya kung ano ang gagawin niya, sakaling mahulog ang loob ko sa kanya? Tama!
Nilingon ko siya.
“Landon, may tanong ako.”
“What is it?”
“Paano kung isang araw ay nahuhulog na pala ang loob ko sa’yo? A–Ano ang gagawin mo?”
“I would be pleased.” Sabi niya. Hinihintay ko kung may idadagdag pa siya ngunit wala na pala.
Yun na yun?
Nakakadismaya ng konti.
Nararamdaman ko na lang ang pag-andar ng sasakyan, saka siya nagsimulang magmaneho.
‘I would be pleased.’
Iyon lang? Ganoong reaksyon lang?
Walang hiya!
Sa kailaliman ng puso ko, umaasa kasi ako. Umaasa ako na baka, may gusto rin siya sa akin kahit konti.
Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Sinusulyapan ko rin siya paminsan-minsan.
Nakatutok ang kanyang mga mata sa daan, mukhang may malalim na iniisip.
Iniisip kaya niya ang babaeng mahal niya?
Hindi ba siya nag-aalala na iba ang mahal niya tapos ako naman itong pinakasalan?
Kung buhay lang ang mga magulang ko ngayon, alam kong hinding-hindi sila papayag sa ganitong sitwasyon. Kapag nalaman nila ang nangyari sa akin, siguradong papauwiin nila ako ng San Felipe.
Baka nga kapag nakita nila si Landon ay hahabulin pa nila ito ng itak.
Hindi ko maiwasan ang matawa sa kaisipang ‘yun.
“What are you laughing about?” malambing na tanong ni Landon. Napahinto ako, natagpuan ang aking sarili na tumawa.
Umiling ako. “Wala.” sabi ko.
Kumain muna kami ng lunch bago kami umuwi ng bahay. Pagdating namin ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at binigay sa kanya. Pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga. Sumunod din siya.
Humiga ako sa kama dahil nakakaramdam ako ng pagod.
“May pupuntahan nga pala ako mamayang gabi. Nag-aya si Stone na makipag-inuman. Pupunta rin si Spade mamaya.” Sabi niya habang naghubad ng kanyang pang-itaas. Nakahiga lamang ako habang nanonood sa pinaggagawa niya.
Nakalantad ngayon sa harapan ko ang kanyang maganda at matipunong katawan. May bonus pa na mga pandesal.
Isa… dalawa… tatlo… apat… lima… anim…
Anim na pandesal!
At mukhang… mainit-init pa.
Naku! Ano ba itong mga pinagsasabi ko sa isipan ko?
Bumaling ako sa kabilang direksyon para lang maiwasan ang magandang tanawin na ‘yun.
“Mag-ingat ka,” sabi ko.
“Hindi ka ba sasama?” tanong niya.
“Bakit naman ako sasama? Pinsan din ba ako?”
Tumawa siya. “Pero asawa pa rin kita.”
Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga, saka rin siya humiga. “Ayoko. Hayaan mo na lang ako rito.” Sabi ko.
Nahihiya rin ako lalo na at mayaman silang lahat habang ako ay mahirap lang.
“Uuwi rin ako ng maaga mamaya.” Sabi pa nito.
“Okay lang naman kahit bukas ka pa umuwi.” Sabi ko. Hindi ko rin kasi maiwasan ang mag-alala lalo na at gabi na tapos siya pa ang magda-drive pauwi. Kaya mas mabuting manatili na lang din siya doon kina Stone.
“Dalawang shots lang ang iinumin ko para makauwi ako agad.” Sabi niya.
Nararamdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Ang kanyang mga kamay ay nakahwak sa aking tiyan. Nang lingunin ko siya, mga titig niya agad ang sumalubong sa akin saka siya yumuko at siniil ako ng halik.
“Mmm,” pagprotesta ko ngunit mukhang hindi niya ako narinig.
“Your lips taste sweet, Veronica.”
Nanlaki ang mga mata ko nang mas hinila niya pa ako palapit sa kanya. Halos nararamdaman ko na ang kanyang kahabaan.
Huwag muna ngayon! Huwag muna ngayon, please lang!
“Landon, teka lang.”
“Can you feel what you’ve done to me, baby?” tanong niya sa nang-aakit na boses.
Baby? Ako?
“You’re always turning me on.” Dagdag niya.
Mas lalo tuloy kong kinabahan. Parang naging isang demonyo siya kung saan anumang oras ay kukuhanin na niya ang kanyang biktima.
“Huwag—” nanginginig kong sabi.
Hindi naman ako natatakot, kinakabahan lang sa maaari niyang gawin. Alam kong hindi ko siya mapipigilan. Dahil may karapatan siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin dahil asawa ko na siya.
“If you ever fall for me, baby, I want to show you what I am capable of. I want you to know not just by words but by actions, how real my intentions are. That’s my answer to your question earlier.”
Diyos ko! Mukhang hindi sa sobrang init ng araw ako malulusaw, ah? Mukhang sa mga titig niya ata.