Umalis siya ng gabing ‘yun.
Pinilit niya akong isama pero hindi ako sumama. Pakiramdam ko ay hindi ako kabilang sa pagtitipon na gagawin nila mamaya.
Hindi na siya kumain pa dahil doon na lang daw, kaya ako na lang ang mag-isang kumain.
Inabaala ko na lang ang aking sarili sa pag-aayos ng mga gamit niya sa kwarto. Malaki ang bahay na ito kaya marami ang pwedeng kong gawin. May swimming pool nga pala rito, kaso di naman ako marunong na lumangoy.
Saka na lang siguro ako maligo roon kapag marunong na talaga akong lumangoy.
Ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa na pag-aayos, hanggang sa ang huling bag na dala niya noong nakaraan ang aking kinuha.
Ano kaya ang laman ng malaking bag na ito?
Nang akin itong buksan, hindi mga damit ang nakalagay kundi mga importanteng gamit. Kadalasan ay mga gamit pambabae.
May suklay, salamin, mga hair clips, mga pabango at iba pa. Hinalungkat ko pa ito hanggang sa may nakita akong isang maliit na larawan. Kung susukatin, parang wallet size lang ito.
‘I will love you until my last breath’
Iyon ang nakalagay sa likod nito. Nang aking iharap, halos ilang segundo akong hindi huminga.
Si Landon ang lalaki, at babae naman ay si Ingrid, kung hindi ako nagkakamali.
Silang dalawa ang nasa larawan.
Tama nga ang hinala ko. Tinignan ko ang aking kamay na nanginginig habang nakatingin lang sa litrato.
Bakit mayroon pa siya nito? Ganun ba ka-importante sa kanya ang babaeng ‘yun?
Wala nang mas sasakit pa sa nalaman ko ngayon. Tama lang talaga na hindi ko inamin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
Tama lang na hindi ako nagpapadala sa matamis niyang salita.
Pait akong napangiti.
Paano niya na-sikmura na magpakasal sa akin? Hindi ba siya nasasaktan ang sarili niya sa ginagawa niya? Si Ingrid, hindi ba niya iniisip kung ano ang mararamdaman nito kapag nalaman nitong kasal na siya sa iba?
Ano kaya ang rason niya, bakit niya ako pinakasalan? Alam kong hindi lang dahil sa iniligtas ko siya mula sa sakit… alam kong may mas malalim na rason pa.
Ano kaya ‘yun?
Namalayan ko na lang ang mainit na likido na tumulo sa aking pisngi. Umiiyak ako dahil nasasaktan ako.
Pinalis ko ang mga luha na nag-landasan mula sa aking mga mata. Hindi dapat ako umiyak, ni hindi ko pa nga alam kung ano ang totoong nangyari. Saka ko na ibubuhos ang luha ko kapag alam ko na kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
Ibinalik ko sa bag ang mga gamit. Siguro, si Ingrid ang may-ari nitong lahat. Binigyan niya pa rin ito ng halaga.
Ang swerte naman ni Ingrid. Mahal na mahal siya ni Landon, hanggang ngayon. Grabeng pagmamahal naman ‘yan!
Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Siya ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
Ano na naman kaya ang kailangan nito?
“Hello?” Sabi ko.
“I was just checking on you. Are you done eating?”
“Tapos na.”
“Where are you now?”
Tinignan ko ang bag. Sasabihin ko ba sa kanya kung ano ang ginagawa ko? Umiling ako.
Hindi maaari.
“Nasa kwarto, nag-aayos ng mga damit mo. Tinupi ko at nilagay sa cabinet.”
“Thank you. Baka matatagalan pa ako ng uwi mamaya, dumating pa kasi ang iba naming pinsan.”
Sabi nito.
Iba nilang pinsan? Kasama rin kaya ang mga pinsan ni Spade sa side ng mama niya?
Ang sabi niya ay uuwi siya agad.
Wala akong ibang ginawa kundi ang bumuntong-hininga.
“Sige lang.” Sabi ko. “Huwag ka na lang umuwi kung—” malalim na ang gabi.
Ito sana ang sasabihin ko ngunit hindi man lang ako nakatapos sa pagsasalita.
“Uuwi ako.” Sabi nito, mukhang buo na ang kanyang desisyon.
“Ikaw ang bahala.” Sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag.
Napaupo ako sa sahig.
Tama nga kaya ang ginawa kong pagpapakasal sa kanya? Oo at nadulas ako sa sinabi ko, tinotoo niya naman agad, pero tama ba na pumayag ako?
Nasa akin pa rin sana ang desisyon noon, may karapatan akong tumakbo o umatras sa plano niyang kasal. Pero bakit hindi ko ginawa?
Dahil ba, makasarili rin ako? Dahil ba sa katotohanan na gustong-gusto ko rin siya na angkinin?
Napailing ako.
Hindi tama ito.
Habang maaga pa, kailangan kong ayusin ang sarili kong buhay. Wala siya ngayon rito sa bahay kaya pagkakataon ko na ito para umalis.
Lumayas na lang kaya ako ngayon? Tutal wala naman siya. Kung aalis ako ngayon, malaki ang posibilidad na hindi na niya ako mahanap kahit kailan.
Yun ay kung hahanapin niya ako.
Paano kung hindi?
Kung tutuusin, wala naman siyang pakialam talaga sa akin.
Pero kawawa naman kung hindi ako magpapaalam ng maayos. Nagawa niya kasi na ibenta ang mga ari-arian niya dahil sa akin–para pakasalan ko siya. Tapos ang isusukli ko ay ang iwan lang siya. Mukhang hindi naman ata makatarungan ‘yun. Hindi rin ako pinalaki ng mga magulang ko para gawin ang ganoong bagay.
Mula akong huminga ng malalim. Ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon?
Hihintayin ko na lang na makauwi siya at gampanan ang papel nang pagiging isang maging mabuting asawa.
Siguro sa ngayon, tatanggapin ko na lang na asawa ko na talaga siya. Pero aasahan kong isa sa mga araw na ito ay iiwan niya rin ako.
Dapat ay nakahanda ako kung sakaling darating ang araw na ‘yun. Nakakalungkot, oo, pero wala na akong magagawa kung mangyayari nga ‘yun.
Malalim na ang gabi, hindi pa rin umuwi si Landon. Sa totoo lang, nag-aalala na ako. Kahit anong pilit kong matulog, hindi ako makatulog dahil ang laman ng isipan ko ay siya.
Na baka sinubukan niyang umuwi kaso nagka-aberya ang sasakyan sa gitna ng daan.
Nasa sofa lang ako ng sala nakaupo, naghihintay sa kanyang lagdating.
Maya-maya lang ay may narinig akong busina ng sasakyan sa labas kaya dali-dali akong lumabas.
Hindi ‘yun ang sasakyan ni Spade. Ibang sasakyan ‘yun.
Sino kaya ito?
Bumaba mula roon ang isang babae at isang lalaki habang akay-akay ng mga ito si Landon. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kapatid ito ni Spade.
“Good evening,” magkasabay na bati ng mga ito.
“Magandang gabi rin,” sabi ko.
“Lasing siya at nagpapahatid dito sa bahay na ito. Dahil narito raw ang asawa niya. Ikaw ba ang tinutukoy niya?” tanong nitong babae.
Marahan akong tumango bilang sagot. Buti naman at nakaalala pa pala si Landon na may asawa pa pala siyang uuwian.
Tinampal niya ang balikat nito. “Walang hiya talaga ito! Nagpapakasal nang hindi man lang nagsasabi. By the way, I’m Selyne and this is my brother Stone.” Sabi nito.
Kilala ko na sila.
“Ako si Veronica.” Simpleng saad ko.
“Am… I… home?” Naririnig kong tanong nito.
Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Ngumiti ito nang masilayan ako.
“Sorry, baby… I drunk… too much. Stone made me… drunk… a lot.” Sabi nito at lumingon sa lalaking inakbayan niya, at isang matalim na tingin ang ginawad niya rito.
“Quiet talking Maverick!” Saway nitong lalaki sa kanya.
Sinusundan ko sila hanggang sa makapasok sila sa loob. Pinahiga nila si Landon sa malaking sofa sa sala.
“Ang bigat pala niya! Hah!” Reklamo nito pagkatapos. Kitang-kita ko pa ang paghinga niya ng malalim.
“Gusto niyo bang magkape muna?” Tanong ko.
Umiling ang mga ito. “Hindi na, uuwi na kami.” Sabi nit Stone, saka naunang maglakad.
“Bye. I hope we can talk some other time.” Pagpapaalam din ni Selyne.
Ano naman ang pag-uusapan namin?
“Bye. Salamat sa paghatid sa kanya.” Sabi ko.
Isang ngiti lamang ang iginawad ni Selyne bago tumalikod at umalis. Binalingan ko si Landon na nakayuko lang ngayon.
Nang tignan ko ang kanyang mukha, hilam ito sa luha. Ano’ng nangyari?
Lumapit ako sa kanya at hinagod ang kanyang likod.
Bakit siya umiiyak?
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa nakikita ko ngayon.
Akmang tatanungin ko na sana siya pero siya ang kusang nagsalita.
“I… saw her… again.” Sabi niya sa nasasaktang boses. May ideya ako kung sino ang tinutukoy nito, pero gusto kong makasigurado kung tama ba talaga ako.
“S—Sino?” hindi ko napigilang itanong.
Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang aking mukha. “You don't have… to know… anything… about her. You're too… innocent… to know.” Sabi niya sa nalalasing na boses.
“Ano ba ang nangyari roon?” Tanong ko.
Umiling siya.
“I cried… because… I was… hurting.” Sabi niya.
Hindi ako makapaniwala.
Isa siyang lalaki pero umiiyak siya dahil nasasaktan siya. Kung si Ingrid ang dahilan ng pag-iyak nito, ano kaya ang ginagawa nito na ikinasakit ng damdamin niya?
Bigla niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit. “Don't you… dare… leave me… baby.” Sabi niya at hinagkan ako sa noo.
Tumango ako bilang sagot. “Hindi… Hinding-hindi kita iiwan.” Sabi ko.
Sa kaloob-looban ko ay nakakaramdam ako ng pagsisisi dahil muntik na akong umalis kanina para iwan siya. Mabuti na lang talaga at nanatili ako.
Hindi ko alam ang malalim na dahilan kung bakit niya ako gustong manatili. Pero sa ngayon, isa lang ang alam ko, kailangan niya ako sa tabi niya.
Naririnig ko ang kanyang pagbuntong-hininga, saka ko naririnig ang kanyang mahinang pagtawa. “Just… a hug… from you…and… you made… the pain… go away… baby. Thank… you.” Sabi niya, saka ko na lang nararamdaman ang kanyang biglang pamimigat.
Natutulog na ba siya?
Totoo kaya ito sa sinabi nito na naalis ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon?
Kung ganun, pwede sigurong manatili muna ako hangga’t kailangan niya ako. Di’ba?
Mananatili muna ako… sa ngayon.