Chapter 15

1530 Words
Mahimbing nang nakatulog si Landon habang ako naman ay nakabantay lang sa kanya. Hindi ako dinalaw ng antok. Ang dami ko kasing iniisip ngayong gabi. Maya-maya lang ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang aking tignan, bumilis ang t***k ng aking puso. Isang mensahe galing kay Ingrid. Ingrid: Let’s just forget what happened tonight, Mav. I’m sorry. Para akong nawalan ng lakas dahil sa nabasa ko. Bakit? Ano ba ang nangyari? Teka… may nangyari ba sa kanilang dalawa? Pakiramdam ko ay tinutusok ng maraming punyal ang aking dibdib sa kaisipang ‘yun. Dahil ba sa kalasingan kaya niya nagawang makipagsiping sa babaeng ‘to? Masakit ang dibdib ko. Oo, masakit na masakit. Pero hindi agad ako dapat magpapadala sa mga iniisip ko. Hindi pa ako sigurado kung ano nga ba ang nangyari. Pero kasi… iyon talaga ang kutob ko. Na may nangyari sa pagitan nilang dalawa. Naku! Mas lalo ata akong hindi makakatulog nito. Kinabukasan, maaga akong pumunta kina Maya. Hindi ko inaasahan na naroon pala ang kapatid ni Spade na si Selyne. Tapos na akong magluto ng agahan para kay Landon pero tulog pa rin siya pag-alis ko. Nagpunta lang ako rito para kausapin si Maya. Hindi ko inakalang makikita ko rito si Selyne. “Hey there, Maverick’s wife.” masayang bati nito. Bigla naman akong nakakaramdam ng hiya para sa sarili ko. Alam kaya nila na mahirap na ang buhay ng pinsan nila dahil sa akin? “Ang aga mo naman, sino ang kasama mo?” tanong ni Maya. “Ako lang.” Sabi ko. “Aalis kayo?” tanong ko. “Pupunta kami sa bahay ng mommy ni Xandros, nami-miss kasi ng mga magulang niya ang mga bata.” “Ganun ba? Sige, babalik na lang ako sa susunod na araw.” Sabi ko. “Kumusta ang buhay may asawa? Masaya ba?” nakangiti niyang tanong sa akin. Masaya ba ako? Oo, masaya ako dahil sa kanya ako ikinasal. Pero malungkot din dahil sa katotohanan na naghirap ang buhay ni Landon dahil sa akin. At mas lalo pa akong nalungkot dahil sa mga nadiskubre ko kagabi… at sa mga bagay na gusto ko pang malaman. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip. “Okay naman,” sagot ko. “Nasaan nga pala ang mga bata? Tulog pa ba?” tanong ko sa kanya. “Sumama sa daddy nila, naglilinis ng sasakyan.” “Ganun ba?” sabi ko. Miss na miss ko na ang mga batang ‘yun. Ang lambing-lambing kasi talaga nila. Para ko na rni silang mga anak. “May kailangan ka sa akin, ano?” biglang saad ni Maya. “H–Huh?” “Kasi kung nami-miss mo ako, yayakapin mo ako. Pero hindi ‘yun ang ginawa mo, tsaka ang hitsura mo, kung titignan ay mukhang may malalim kang iniisip.” Sabi niya. Mukhang nabisto niya nga ako, pero hindi ako pwedeng umamin. “Sa susunod na araw na lang tayo mag-uusap. Uuwi na lang ako,” sabi ko. “Sure ka ba? Hindi ba importante ang sasabihin mo?” nag-aalalang tanong nito. Umiling ako bilang sagot. “Hindi naman,” “S—Sige.” Sagot nito. Mabuti naman at hindi siya nangungulit pa. Aalis na sana ako nang marinig ko ang pagtunog ng kanyang cellphone at ang pagsagot niya sa sinumang tumatawag. “Landon,” sabi nito. Agad akong napalingon sa kanya. Tumawag sa kanya si Landon. Ano kaya ang pakay nito kay sa kanya? “Yeah, she’s here. Mag-isa lang siya… Relax, okay?!... Ha?... Ano?... Nandito nga lang siya... Okay-okay, I’ll tell her. Bye.” wika ni Maya. “Was it Maverick?” tanong ni Selyne. Tumango lang si Maya bago siya bumaling sa akin. “He’s been looking for you. He sounded so worried. Hindi ka ba nagpapaalam sa kanya?” Umiling ako bilang sagot. “Tulog pa kasi siya. Hindi ko na ginising pa.” Sabi ko. “Sumama ka na lang sa amin para kami na ang maghahatid sayo.” Sabi nito. “Ako na ang maghahatid sa kanya.” sabi ni Selyne. “Okay lang ba?” tanong ni Maya. Tumango naman ito bilang sagot. “Tara na?” Alok niya sa akin. Tumango lang ako at sumunod sa kanya patungo sa sasakyan na sa tingin ko ay pagmamay-ari niya. Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Nahihiya kasi akong kausapin siya lalo na sa estado ng buhay niya. “Since when did you get married to my cousin?” tanong nito. “Bago lang. Mag-i-isang buwan pa lang.” Sabi ko. Napangit siya. “Mabuti naman at pinakasalan mo siya. Huwag mong mamasamain ah? Gusto ko lang itanong kung, kilalang-kilala mo na ba siya?” Hindi. Gusto kong isagot pero hindi man lang ako makapagsalita. “I’ll take that as a ‘yes’. I don't know what the real deal is between you two. Pero isa lang ang sasabihin ko, don't fall for him that hard. His great love was my cousin from my mother's side, Ingrid. I don't want to hurt your feelings but you have to know that he could leave you anytime.” sabi nito sa seryoso ngunit malungkot na boses. “Alam ko,” “Kung alam ko lang na seryoso pala siya sa pagpapakasal, at kung alam ko lang na ikaw pala ‘yun, sana inilayo na lang kita mula sa kanya. Wala lang, naaawa lang kasi ako sa’yo.” “Okay lang,” sabi ko. Sinungaling ka, Veronica! Kahit kailan, hindi ko ginusto na maging isang panakip-butas. “I used to be their messenger back then. Nagkakilala sila dahil sa akin. Hindi ko inakala na ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa ay mas lalong lumalim. Until, he formally asked for her hand. Ngunit nang malaman ng ama ni Ingrid ang relasyon nilang dalawa, nagalit ito. Uncle Dave didn't want them to end up with each other. He hates Maverick. Galit si Uncle Dave sa kanya dahil nananalaytay sa kanya ang dugo ng mga Ruston.” Napatingin ako sa kanya. Bakit niya sinabi sa akin ito? “But don't get me wrong, ah? Galit siya sa daddy namin at sa mga kapatid ni daddy, pero hindi siya galit sa amin na mga pamangkin niya. Para kasi sa kanya, isang manipulative ang daddy ko. Galit si Uncle Dave sa ugali na mayroon si daddy. At ang akala niya ay ganun din ang buong angkan ni daddy, except us. His niece and nephews.” Dagdag pa niya. Kaya pala nagkahiwalay si Ingrid at Landon, dahil pala sa ama ni Ingrid. Kung ganun, bakit kailangan nitong pumagitna sa dalawang taong nag-iibigan? “Bakit sinasabi mo ito sa akin?” Tanong ko. “Maverick almost killed himself. He almost committed suicide when he learned that the woman he loved was getting engaged to someone else”. “Ganun ba?” Tangi kong sabi. Tumango-tango siya. Nanatili ang mga tingin sa daan. “Humingi ako ng paumanhin at nadamay ka pa sa gulo ng relasyon nila. If Ingrid comes back one day, I’m sure he’ll dump you easily. Kaya ang payo ko sa’yo, umalis ka na habang maaga pa. I could help you escape.” Umiling ako. Natagpuan ko ang sariling nahihirapan sa paghinga. Ang aking lalamunan ay sumasakit at halos hindi ako makalunok ng laway. Naalala ko ang simabi ni Landon sa akin kagabi. Ako ang sumagip sa kanya mula sa sakit na nararamdaman niya, iyon ang sabi niya. Pero sa mga sinasabi ni Selyne ngayon, pakiramdam ko ay wala na akong rason na manatili pa. Pero asawa ko siya… dapat ay ipaglaban ko siya sa hirap at ginhawa. Diyos ko! Nagugulohan na ako kung ano ang nararapat kong gawin. Sana ay huwag niyo akong pabayaan. Gabayan niyo po ako palagi. Sa ngayon, gusto kong manatili sa tabi ni Landon. Ayaw kong may pagsisisihan ako balang araw kaya gagawin ko kung ano ang dapat. At kung sakali na iiwan niya ako isang araw para kay Ingrid, okay lang. Mas mabuti nang ako ang masaktan kaysa ako ang manakit. “Wala akong balak na umalis sa tabi niya. Hindi na muna sa ngayon.” “Pero masasaktan ka lang.” Mahina nitong sabi. Nginitian ko siya. Naiintindihan ko ang nais niyang ipararing. “Salamat sa pag-aalala mo para sa akin. Pero isa lang din ang masasabi ko, aalis din ako kung ‘yun ang gusto ni Landon na gagawin ko.” Sabi ko. Nakikita ko ang pagkagulat sa mga mata niya kahit na ang kanyang mukha ay nakatingin lang sa kalsada. Huminga siya ng malalim. “I think I know now, why he's keeping you.” Napatingin akong muli sa kanya. “H–Huh?” “Because you're selfless.” Sabi niya. “But he might have other reasons aside from that. Other reasons wherein he only knew.” Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang isasagot ko. “Know what? You're lucky!” “Bakit?” Tanong ko. “Because my cousin Landon, he's true to his words. Kung ano ang ipinapangako niya sa’yo, he'll definitely fulfill it.” Totoo kaya ang sinabi niya? Biglang nabuhayan ng pag-asa ang puso ko dahil sa sinabi niya. Sana magdilang-anghel siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD