Gusto kong itulak si Hiro pero mas lalo pa niyang sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
“Landon Maverick. What are you doing here?” si Xandros ang nagtanong.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
“What happened to Kara? Is she okay, Hiro?” si Devian ang nagtanong.
“Yeah. Medyo masakit lang ng konti ang ulo niya.” Sagot ni Hiro.
Bakit nagawa niya pa ring umakto na kalma? Habang ako rito, halos nakalimutan ko na kung paano huminga.
Gusto kong tumingin sa mukha ni Landon pero natatakot ako.
“Girlfriend?” si Landon ang naririnig kong nagtanong.
“Yeah,” matipid na sagot ni Hiro.
Diyos ko!
Nag-uusap silang dalawa, Lord!
“May I sit beside you, Maya?” naririnig kong tanong ni Landon. .
“Sure.” Sagot naman ni Maya.
Mas lalo akong kinabahan. Parang gusto ko na tuloy maglaho na parang bula. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito rito?
Naroon ang mga pinsan niya sa kabila, kaya bakit siya nagpunta rito? Si Spade at Hiro naman, gusto pa ata na ilagay ako sa alanganin. Bakit hindi niya pinaalis si Landon mula rito?
“Kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend?” pag-usisa ni Landon. Pati ba naman ‘yun? Kailangan niyang malaman?
“I never thought I needed to report everything to you, Maverick! Hindi naman ako nag-tanong tungkol sa asawa mo. Does it matter when and where I had a girlfriend?” si Hiro ang sumagot, nahihimigan ko ang inis sa boses niya.
Hindi ko akalain na hindi pala siya natatakot kay Landon.
“Landon, let's go over there.” Si Spade ang nag-aya sa kanya.
“S–Sige na Landon, sumama ka na kay Xandros doon.” Si Maya ang nagsalita.
Hindi ko alam kung umalis ba siya o hindi. Basta ay nararamdaman ko na lang ang pagluwag ng pagkakahawak ni Hiro sa akin at ang paghinga ng malalim ni Maya.
“He already left." tapik ni Maya sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat naman.
“Muntik na kayong magkita.” bulong pa niya.
Muntikan nga.
Pinainom ako ni Maya ng light drinks. Ayaw ko sana pero pinaalala niya sa akin na ako si Kara ngayong gabi at hindi si Veronica. Hindi ito katulad ng alak na iniinom ko noong si Landon ang kasama ko.
Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpasama ako kay Maya sa comfort room. Buhat-buhat niya si Xamara.
“Huwag kang lumabas hangga’t hindi mo naririnig ang boses ko, okay? Pupuntahan ko lang si Melanie saglit para ipakarga sa kanya si Xamara.”
Tumango lang ako at pumasok na sa pambabaeng banyo.
Habang umiihi, hindi ko maiwasang isipin si Ingrid. Ano na lang kaya ang papel niya sa buhay ng asawa ko? Kung sakaling komprontahin ko si Landon, at papipiliin sa pamamagitan naming dalaw ni Ingrid, sino kaya ang pipiliin niya?
Mahihirapan kaya siyang pumili?
Napailing ako.
As if naman pipiliin ako, no’n!
Pagkatapos kong umihi ay agad akong naghugas ng kamay. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ngunit isang pigura na nakasandal sa doorframe ang nakakuha ng atensyon ko kaya agad ko itong nilingon. Halos lumukso ang puso ko nang makita ko kung sino ito kaya agad akong lumingon pabalik sa salamin.
Bakit narito siya sa loob?
Kitang-kita ko kung paano niya sinara ang pintuan at ni-lock ang pinto.
Diyos ko!
Gusto kong sabihin sa kanya na comfort room ito ng mga babae at hindi ng mga lalaki pero takot akong magsalita at baka malaman niyang ako ito. O, baka alam na talaga niya.
“Hey, Kara.” Magaang bati nito sa akin.
Hindi ako nagsasalita.
Nakatalikod pa rin ako sa kanya at yumuko para hindi niya makikita ang mukha ko. Naririnig ko na lang ang paglalakad niya at nararamdaman ko ang kanyang presensya sa may likuran ko.
“I was just curious about you… You caught my attention because your body shape reminds me of someone I know.”
Umalis ka na!
Gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot akong harapin siya.
Ang akala ko ba ay hindi siya interesado sa ibang babae? Ang akala ko ay kay Ingrid lang siya naka-focus? Ano ‘to?
Bakit kami nakakulong sa comfort room ng mga babae ngayon?
“Why are you disguised like that? Do you really think I won’t—”
Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin, agad ko siyang tinulak at dali-daling lumabas. Nasa labas na si Maya, naghihintay sa akin. Mabilis ko siyang hinila patungo kay Hiro at sinabi sa kanya ang nangyari.
“Oh,my! Sorry, Vern. Hindi ko alam na inaabangan ka lang pala niya.” Sabi ni Maya.
“You have to leave now before he catches you and goes insane.” Sabi ni Spade.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Mahigpit na hinawakan ni Hiro ang braso ko at aalis na sana kami mula roon nang marinig namin ang isang sigaw.
“Stop running away from me, Veronica Alcazar Ruston!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang dumadagundong niyang boses.
Napansin ko rin ang bulung-bulongan ng mga taong nakapaligid sa amin. Mukhang bago sa pandinig nila ang salitang lumabas mula sa bibig ni Landon.
“Oh, no! He knows!” si Maya.
Si Landon!
Nanginginig ang mga tuhod ko.
Malaki ang hakbang niya papunta sa akin, at matalim ang kanyang mga mata na nakatingin kay Hiro, patungo sa mga kamay nitong nakahawak sa braso ko.
Agad akong hinila ni Hiro at pinapunta sa likuran niya.
Hindi ba siya natatakot kay Landon.
“Give me my wife back, you imbecile!”
“What are you talking about, Maverick?”
“Do you really think you could fool me? Ibalik mo sa akin ang asawa ko, bago ko pa makalimutan na kaibigan ka ng pinsan ko!”
“What if I wo— ahh!”
Bago pa niya natapos ang kanyang sasabihin, ay isang suntok ang pinakawalan ni Landon na tumama naman sa mukha niya, dahilan para pakawalan ako ni Hiro, mula sa paghawak niya sa akin.
Nararamdaman ko na lang ang pag-hawak niya sa braso ko at hinila ako patungo sa kanya. Marami ang napatili, habang ang mga kaibigan ni Hiro ay agad siyang dinaluhan.
“I apologize for causing trouble Maya, Spade… but the subject here is my wife!” sabi nito. “And you…” baling niya sa akin. “You have a lot of explaining to do… at home!” mariin niyang sabi tsaka mabilis niya akong hinila palabas sa lugar na ‘yun.
Nang lingunin ko si Maya, nakitaan ko ng pag-aalala ang kanyang mukha. Isang simpleng ngiti lamang ang binigay ko sa kanya, bago ko nilipat ang mga tingin ko sa likuran ni Landon. Dapat sana’y matakot ako dahil at baka matinding sermon ang matatanggap ko mula sa kanya pag-uwi namin. Ngunit, bakit tumatalon sa tuwa ang puso ko sa ginagawa niya?
Dahil ba hindi siya nahihiya na ipagsigawan sa harap ng lahat na asawa niya ako?