Chapter 26

1350 Words
Ngayon ang kaarawan ni Xamara. Kanina pa ako nakakaramdam ng kaba kahit na nasa bahay pa lang kami ni Hiro. “How long are you going to stay away from him?” Si Maya ang nagtanong. Kausap ko siya sa camera ngayon. Noong sinabi ni Hiro sa akin na kailangan kong sabihin kay Maya ang totoo, ay sinabi ko agad. Walang pag-aalinlangan. “Hindi ko alam. Basta, hindi pa ako handang makita siya.” Sabi ko sa kanya. Hangga’t hindi niya malalaman kung ano ang mas matimbang sa kanya, hindi ako magpapakita sa kanya. “Alam mo, ginagawa mong tanga si Landon! Impakta ka talaga!” Kitang-kita ko ang bunganga niya habang tumatawa siya sa screen. “Di bale na ang impakta, malandi nga siya! Nakikipaghalikan sa iba! Diba umaalis ka nga dati dahil nasasaktan ka?” Sabi ko sa kanya. “Umalis ako dahil nakipaghiwalay siya sa akin. Hindi ko kayang manatili sa iisang lugar kasama siya, lalo na at may anak kaming dalawa.” “Oh, diba? Ilang taon ka nga hindi nagpakita.” “Hindi niya naman ako hinahanap agad. Hindi tulad mo, halos mabaliw na si Landon kakahanap sa’yo. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” “Naaawa ba siya sa akin?” Balik-tanong ko. Hindi ko sinasadyang sabihin ‘yun sa kanya, pero ayaw kong matalo sa sagutan naming dalawa ni Maya. Nangingibabaw ang pride ko. “Pero in fairness, bagay sayo ang looks mo today. Nagmumukha kang ibang tao. Kapag nalaman talaga ni Landon kung na ikaw pala ‘yan… ang asawa niya… ewan ko lang kung makakauwi ka pa sa bahay ni Hiro.” Speaking of Hiro, nasaan ba ang isang ‘yun? “Oh, sige na. Bye na!” Pagpapaalam ko sa kanya. “Bye! See you later.” Sabi niya bago ini-off ang tawag. Nakasuot ako ng wig, ng eyeglasses, contact lense at kung anu-ano pang kolorete sa mukha ko ang nilagay nila. Nang tumingin ako sa salamin, maganda naman ako. Nag-iba nga talaga ang mukha ko ngayon. Malayo sa Veronica Alcazar na nakilala ko. Sa tulong na rin siguro ng mga make-up na nilagay nila sa mukha ko kaya ganito. Yung lips ko na manipis, nagmumukhang makapal bigla. Parang dumaan sa isang surgery kahit na hindi naman. Nakakamangha! Nakakamangha talaga! Pati ako, hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Maya-maya lang ay may kumatok. Sinilip k kung sino bago ko pinapasok. Si Hiro. “Are you ready?” tanong nito. “Saan ka ba galing?” tanong ko sa kanya. Diyos ko! Bigla na lang akong kinabahan nang makita ko siya. Sana matapos na ang gabing ito. “Sa baba, nilinisan ko ang kotse kanina. Ano? Tara na?” tanong nito. “Pwede bang mag-back-out? Sumasakit ang tiyan ko, eh. Feeling ko, magkaroon ako ng dysmenorrhea anytime.” Nakatitig lang sa akin si Hiro. “Hindi ka mukhang si Veronica ngayon. Mukha kang isang isang greek goddess.” “Mambobola! Basta, nagbago na ang isip ko.” “Sasama ka sa akin o papa-sundo kita kay Landon dito?” “Sasama na,” walang ganang sabi ko. Pagdating namin sa bahay ni Maya, maraming mga tao ang naroon. Kanina pa ako kinakabahan at hindi ako mapakali. Nanlalamig ang mga kamay ko. Halos maubusan na ako ng hininga. “Stay with me! Okay? Don't stay away from my side if you don't want to be left alone with Landon.” Bulong nito habang papasok kami sa loob. “Paano kung makilala niya ako, Hiro?” “He'll never notice you. He'll not even throw glances at you unless you're someone important to him. Deadma lang sa kanya ang ibang babae. So, given that you're my girlfriend, he won't be interested in you. Besides, you're looking like a Greek goddess tonight, and not Veronica.” Sige mambola ka pa! Tadyakan na talaga kita! Gusto ko itong isigaw sa pagmumukha niya pero hindi ko magawa. Nang makita namin si Maya, napansin kong kinalabit niya si Spade. Tumingin naman si Spade sa kinaroroonan namin. “Nariyan na sina Lester kasama pa ang iba nating kaibigan, kanina pa kayo hinihintay.” Sabi ni Spade. “Happy birthday,” bati ko kay Xamara na ngayon ay abala sa pakikipaglaro sa balloon na hawak nito. “You're tense! Relax. Hindi naman tayo makikipag-halubilo sa kanila. He'll be with his cousins while we'll be sitting here with my friends and their wives.” Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Nararamdaman ko na lang ang pag-hawak niya sa mga kamay ko. “Ano to?” Tanong ko sa kanya. “We're holding hands. I'm your boyfriend, remember?” he smirked. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumango at mahigpit na hinawakan din ang kamay niya. Patawad, Landon. Ibang kamay ang hinawakan ko. “Sino ba ako ngayon?” “Your name's Kara.” Hindi ako si Veronica ngayong gabi, kundi si Kara. Nagsimula na ang program. Hindi ako lumingon-lingon sa paligid. Nanatili lamang ang mga tingin ko sa harapan ko. Pinakilala na ako ni Hiro sa mga kaibigan niya at sa mga asawa nila. Kinakausap nila ako pero naiilang ako. Hindi rin pwedeng si Maya ang kausapin ko dahil abala siya. Pumwesto na si Maya at Spade sa gitna kasama ang mga bata. Kinuhanan sila ng picture. “Ang daming lalaking nakatingin sayo ngayong gabi.” Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba. “Gusto kong umuwi.” Sabi ko sa kanya. “Steady, Kara. Ngayong gabi, isipin mong ibang tao ka. Alright? Huwag kang kabahan. Pinagpawisan na ang kamay mo, oh. Halata ka masyado. Be calm.” Sabi niya habang pinipisil-pisil ang kamay ko. Paano ako kakalma? Gayong nasa paligid lang si Landon? Walang ibang nasa isip ko ngayon kundi ang umuwi. Oo, gusto kong umuwi. Hindi na kaya ng isip ko ang manatili pa rito. Pakiramdam ko ay mababaliw ako anumang oras. Hindi ko maalala kung ilang oras akong umupo, ngumingiti habang nakikipag-usap kay Hiro at sa mga kaibigan niya. Hanggang sa unti-unti akong humugot ng loob na kapalan ang mukha at makipag-usap na rin sa kanila. “Okay lang ba kayo, rito? Pasensya na, ah? Hindi ko kayo masyadong napansin. Andami kasing mga bisita, eh.” Hinging-paumanhin ni Maya sa amin. Nilapitan niya kami, sumunod naman sa kanya si Spade. Ang mga bata ay si Melody ang nag-aalaga sa ngayon. “Hey, Kara! Nice to meet you. How's your night?” masayang tanong ni Spade. “Mabuti na lang at nakapunta ka!” Wala akong ibang choice. Gusto kong sabihin pero nanatiling tikom ang bibig ko. Nakipag-beso siya sa akin kasabay no’n ay ang pagbulong niya sa may tainga ko. “You look different tonight. Ewan ko lang kay Landon.” Natatawang sabi niya. Inaasar ba niya ako? Pagkatapos makipag-beso ni Maya sa mga asawa ng kaibigan nila Hiro at sa akin naman siya lumapit. “Ang ganda mo! Para kang isang international model. Andaming tumitingin sayo.” Nasisiyahang sabi nito. Ayaw ko na! “Gusto ko nang umuwi!” Sabi ko. “Medyo revealing masyado ang suot mo, kapag nalaman ni L na ikaw ‘yan. Siguradong hindi ka na niya papalabasin ng kwarto.” Bulong niya. Naiilang akong tumawa. Diyos ko! Kailan ba matatapos itong larty na’to? Hindi ko talaga alam kung anong trip nila Spade. Kung tinutulungan ba nila akong huwag munang makita si Landon o kung sila mismo ang maghahatid sa akin kay Landon. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ng bahagya ang mga mata ko. “Kara,” si Hiro. “Ano?” “May I kiss you?” tanong nito. Nagulat ako sa sinabi niya kaya mabilis na iminulat ko ang aking mga mata. Palapit ng palapit ang kanyang mga mukha sa mukha ko. Gago talaga ang lalaking ito. Subukan mong ilapit pa ‘yang nguso mo, makakatikim ka talaga sa akin. “Spade Xandros,” isang tinig ang kumukuha ng aming atensyon. Natigilan ako. Bago ko pa siya matingnan, agad na hinawakan ni Hiro ang likod ng ulo ko saka ako hinila papunta sa dibdib niya, dahilan para sumubsob ang mukha ko roon. Si Landon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD