Chapter 35

1582 Words
Landon’s POV Dinala ko si Ingrid sa malayong lugar na walang nakakaalam kundi ako lang. Alam kong mapapanatili ko siyang ligtas dito. Walang mga kapitbahay, walang ibang tao… puro kakahuyan lang ang makikita. Walang signal, walang aircon dahil walang kuryente. “M–Mav,” naririnig kong usal nito habang nakapikit ang kanyang mga mata. Nang makarating kami sa bahay na sinasabi ko, kinarga ko siya papunta sa loob. Habang tinitignan siya, naaalala ko bigla ang asawa ko. Ang reaksyon ng mukha niya bago ako umalis. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko ang malungkot niyang mukha. Bakit kailangan pa na ako ang sumama? Hindi ko maiwasan na sabunutan ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Sana hindi na lang ako pumayag na sumama pa rito. “M—Mav,” usal ulit ni Ingrid. Agad akong kumuha ng kumot at tinakpan ang buong katawan niya ngunit nang dumampi ang kamay ko sa kanyang balat, laking gulat ko dahil halos mapaso ako sa init. Bumaba ako at agad na kumuha ng bimpo at tubig na nilagay ko sa maliit na palanggana. Binalikan ko si Ingrid at saka pinupunasan ang kanyang noo. Kinaukasan, napansin ko ang mga pasa ni Ingrid sa braso dulot ng pananakit ng asawa niya. Nakakaawa pero ayaw ko nang manghimasok pa sa problema na mayroon sila ng asawa niya. Hindi ko naman trabaho pa ‘yun. Ilang araw kaming nanatili rito, dahil hindi ko pa siya pwedeng iwan nang ganun lang lalo na at mahina pa ang kanyang katawan. Doon na lang rin ako natutulog sa may sala nitong mga nakaraang araw. Wala akong ibang naisip kundi ang asawa ko. Alam kong nag-aalala na ito para sa akin ngayon, at ang mas masama, baka kung anu-ano na ang iniisip nito lalo na at kasama ko si Ingrid. Hindi ako mapakali at laging dumaan sa isip ko na baka iniwan na ako nito… na baka wala na akong maabutan pa pagbalik ko. Shit! I need to go home. Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan nang namalayan ko ang presensya ng isang tao sa likuran ko. Nang aking tignan, si Ingrid ang naroon, umuupo sa isa sa mga bangko habang ang mga kamay ay nakalagay sa ibabaw ng mesa. Para bang nag-aabang ito sa akin hanggang sa matapos ako sa ginagawa ko. “How are you feeling?” tanong ko sa kanya. “Better. Inaalagaan mo ako, eh.” Nakangiti na sabi niya. As much as possible, ayaw kong bigyan ng kung anong kahulogan ang pagtulong at pag-aalaga ko sa kanya. Kailangan ko ‘yun gawin dahil ako lang ang kasama niya rito. Itinuon ko na ang pansin ko sa niluluto ko. “Husband-material ka pala talaga, noh? Sa tagal ng ating pagsasama dati, ngayon ko lang nalaman,” sabi niya. Hindi na ako nagsalita. “Alam mo, ang swerte ng asawa mo,” pagsasalita niya ulit. I cleared my throat before I spoke. “Ako ang swerte sa kanya.” Sabi ko. “Thank you for coming with me, by the way.” Sabi niya Hindi ako sumama dahil gusto ko. Sumama ako dahil ayaw kong may mangyaring masama sa kanya na habambuhay kong pagsisisihan dahil lang hindi ko siya nagawang tulungan. Gusto ko ‘yun sabihin pero hindi siya ang dapat na unang makarinig no’n, kundi ang asawa ko. Si Veronica dapat ang unang makakaalam ng rason na ‘yun. I can’t help but heave a sigh. “Why did your husband do this to you?” tanong ko. Kung ako lang sana ang pinili mo, hindi siguro ganito ang kinahinatnan mo. Kung hindi mo lang sana ako iniwan, baka masaya na tayo ngayon. “I d–don’t k–know…” Mahina niyang sabi. “M–Mav,” “Hmm?” “Are we… Are we gonna be living together now?” Umiling ako. “I need to go home. Kailangan kong umuwi sa asawa ko,” sabi ko. Kailangan kong makita sa Veronica, lalo na at ilang araw akong hindi nagpaparamdam dahil walang signal dito. I don’t know but I just had a feeling that I need to make it up with my wife as soon as possible. I left with Ingrid, so she might be thinking that I choose Ingrid over her. Of course not, I didn’t choose Ingrid! I already told her that! Pero hindi pa rin ako kampante. “Iiwan mo ako ritong mag-isa?” malungkot na saad niya. I turned to look at her again. “I have to… Ingrid, my wife’s waiting for me.” Sabi ko sa kanya. “W–What about me?” “I’ll ask one of our cousins to come here. Maybe Stone or Demetrius or anyone who’d wanna look after you.” “M–Mav, don’t you think this is the perfect time for us… to continue… what we once had?” “That’s impossible. Fate has another plan for me, and I’ve accepted it. While you… you choose to walk away from me, you choose your own fate. So, nothing should be continued.” “But I realize I couldn’t live without you,” madamdaming sabi niya. Nasaan 'yan noon? “Is that why your husband hit you?” tanong ko. “Did you tell him that?” I added. Natahimik siya, kaya patuloy akong nagsasalita. “You’re bound to marry another man, while I was bound for someone else. I love you but I couldn’t just leave my wife for you. She’s the one who fixed me… who gave me hope when you left me in misery. I couldn’t just turn my back on her,” sabi ko sa kanya. Iyon ang totoo. Kitang-kita ko ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Maya-maya lang ay naririnig ko na lang ang kanyang mga paghikbi. Sa pamamagitan ng lampara, kitang-kita ko kung paano kumawala ang mga luha. I looked away. “I’m done cooking, let’s eat.” Sabi ko pagkatapos kong magluto maya-maya lang. “Mav,” “Hmm?” “Do you love her already?” “I don’t know. All I know is that there's something about her that I am not able to let go.” sabi ko sa kanya. “Ako na lang ulit ang mahalin mo, please.” Nakikiusap niyang sabi. Napailing ako. “I have been loving you, but what did you do? If you want me to choose you over Veronica, then, I'm sorry but I can’t leave her. I can’t hurt my wife… just for you.” Sabi ko sa kanya. Inaalala ko pa lang ang malungkot na mukha ni Veronica, parang sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko kayang iwan siya. Mas lalo ko lang na narinig si Ingrid na umiyak. Later on, aririnig ko rin ang mga malalaking patak ng ulan sa bubong nitong bahay. Parang sumasabay sa mga luhang bumuhos mula sa mata niya. Dali-dali akong kumuha ng tubig at binigay sa kanya. Pagkatapos kumain ay ako na ang naghuhugas ng pinagkainan namin. Inayos ko naman ang sarili ko, at pinaandar ang sasakyan. Nakapagdesisyon akong ngayon na umuwi dahil hindi ko na kaya ang maghintay pa. Tutal, okay naman na si Ingrid, kaya na niyang alagaan ang sarili niya. “Where are you going?” Ingrid asked. “Uuwi lang ako, pero huwag kang mag-alala dahil agad kong tatawagan si Stone o kahit na sino para makapunta rito.” “Iiwan mo ako,” hindi 'yun tanong. “Kailangan Ingrid… Ang sabi ko sa asawa ko ay uuwi ako agad pero naging mahaba ang pananatili ko rito dahil hindi kita pwedeng iwan agad, since hindi pa kaya ng katawan mo. Ngayon, mukhang okay ka na kaya kailangan ko nang bumalik sa kanya.” Lumapit siya ng lumapit sa akin hanggang sa mahawakan niya ang mukha ko. “Please, just stay with me,” sabi nito at mas nilapit niya pa ang kanyang mukha. Akmang hahalikan ako ngunit iniwas ko ang mukha ko. Hindi niya ako maaaring halikan! Ayaw kong magkasala. Dahan-dahan kong inalis ang paghawak niya sa mukha ko. “Please stop… before I forget that you’re Spade’s cousin. Ayaw kong magkasala na naman sa asawa ko. I don’t want to cheat on her. Iniwan na nya ako dahil sa paghalik na ginawa mo dati. At ayaw kong mangyari na naman 'yun,” sabi ko. “Pwede mong ilihim sa kanya nag naghahalikan tayo!” mariin na sabi nito. “That’s the thing… I couldn’t lie to her. And even if my mind wants to, my mouth says otherwise.” Pagkasabi ko no’n ay agad na akong naglalakad palabas ng bahay. Iniwan ko siya roon na mag-isa. I drove away from there. Nakahagilap na ako ng signal nang makarating ako sa national highway kaya kinuha ko ang cellphone ko. Habang nagmamaneho ay nagtipa agad ako ng mensahe para kay Stone, para mapuntahan nito si Ingrid sa lugar kung nasaan ito ngayon. Binigay ko sa kanya ang eksaktong address. Nagulat na lamang ako nang bumungad sa akin ang isang sobrang nakakasilaw na liwanag. Naririnig ko na bumusina ito ng malakas, doon ko natanto na isa itong malaking truck na papunta ang direksyon sa akin kaya buong lakad kong sinubukan na iliko ang sasakyan ko. Ngunit sa isang iglap, narinig ko na lang ang isang malakas na impact ng pagkabangga. Nararamdaman ko na lang din ang kirot ng aking katawan hanggang sa unti-unti na akong hinila ng dilim. At ang tanging laman ng aking isipan ay walang iba kundi ang isang pangalan. Veronica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD