Chapter 34

1481 Words
Ramdam ko na nakahinga sila ng maluwag dahil nakaalis na sila Ingrid at Landon. Huminto rin ang isang sasakyan sa labas ng gate… at kung hindi ako nagkakamali, sasakyan siguro ‘yun ng asawa ni Ingrid. Saglit itong kinausap ni Stone ng masinsinan at maya-maya lang ay umalis na ito. Ngunit sabay-sabay nila akong nilingon nang marinig nila akong humihikbi. Patuloy lang akong umiiyak sa harapan nila. Lahat sila, ang tingin ko ay mga kaaway. “Where’s Ingrid?” naririnig kong tanong ni Agape maya-maya lang. Lahat ng mga mata nila ay lumipat patungo sa nagsasalita sa likuran ko ngayon. “They went away,” sagot ni ni Demetrius. Hindi ako makahinga ng maayos kasi pilit kong inaalala ang huling sinabi ni Landon sa akin. Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na walang kasalanan si Landon dahil pinilit lang siya ng pinsan niay—ni Selyne, ngunit hindi talaga ‘yun matatanggap ng sistema ko. Nakakapanghina ng loob. “Sino ang kasama niya?” tanong nito. “Wait! Don't tell me—no, bakit si Landon ang pinasama niyo sa kanya?” bakas ang galit sa kanyang boses nang itanong ang mga katagang ‘yun. Hindi ako naka-kilos kaya hindi ko siya magawang lingunin. “Agape, calm down,” sabi ni Stone. “Bakit siya ang pinasama ninyo sa kanya?!” “Will you please, relax?” Si Demetrius ang nagsalita. “It's because he's the only one who could handle her. Siya ang kailangan ni Ingrid, dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan nito,” si Selyne ang sumagot. Hindi ko maiwasan ang magalit sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi nagsalita si Agape. Sa halip ay naririnig ko ang kanyang mga yapak na naglalakad, at natanto ko na lang na hinawakan na pala niya ako sa balikat. “Veronica,” tawag niya pero yumuko lang ako at hindi nagsalita. “s**t! You're crying.” Sabi pa niya, pero hindi pa rin ako nagsalita. Masakit ang loob ko dahil sa nangyari. “I can't believe all of you. You let him go with her… hindi niyo man lang iniisip ang asawa niya. Can't you see what all of you caused?” Nararamdaman ko ang unti-unti niyang paghila sa akin pero hindi ako nagpatinag. “Ihahatid pa nila ako sa kinaroroonan ni Landon, iyon ang sabi ni Selyne.” Basag ang boses kong sabi. “She’s lying to you, Veronica. She will never bring you to him.” Namimigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi maaari! Hindi! “Hindi kayo nag-iisip! Stone! Spade! Why didn't you stop them? Spade, you know how it felt when someone important to you would be apart from you. I don't understand everyone! Bumaliktad ba ang mga utak ninyo?” Naririnig kong sabi niya da naiinis na boses. Hinila niya akong muli kaya wala akong ginawa pa kundi ang magpatangay sa kanya. “Come on, let's get you out of here.” At natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng sasakyan niya. Nagsimula na siyang mag-drive at humarurot paalis. Maya-maya lang ay huminto siya sa tapat ng 7-Eleven, saka siya lumabas. Pagbalik niya ay agad niya akong inabutan ng tubig. “Uminom ka muna, oh.” Sabi niya. Uminom naman ako agad, at doon na ako nakahinga ng maluwag. “Ang asawa ko,” usal ko. “Let's wait for him to call you. For now, hindi ako sigurado na makakabalik siya agad. Pero sinisigurado ko sa’yo na hindi ka dadalhin ni Selyne roon sa kanya. She longed to reconcile Landon ang Ingrid,” sabi ni Agape. “Kung ganun, ayaw niya sa akin bilang asawa ni Landon,” sabi ko. “She's their number one supporter. Maybe that's the reason why.” Sabi niya. “I'll bring you home, alright?” Dagdag pa niya. Buong biyahe, wala akong iniisip kundi ay si Landon lang. Hindi ko maiwasan na isipin kung ano ang kasalukuyan nilang ginagawa ngayon. Paano kung… paano kung bigla niyang matanto na gusto niya pala na makasama si Ingrid at hindi ako? Pagdating sa bahay, nararamdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Si Maya ang tumatawag, pero hindi ko ito sinagot. Ayaw ko na muna silang kausapin. Hindi nagtagal si Agape at umalis din. Tinignan ko ang cellphone ko. Gustong-gusto kong tawagan si Landon pero natatakot ako at baka iba ang maririnig ko. Baka sasabihin niyang hihiwalayan niya ako. Pero may bahagi naman ng isip ko na umaasa at kumakapit sa mga sinabi niya sa akin dati. Na kahit na may puwang pa sa puso niya si Ingrid, hindi niya ito pipiliing muli. Kalaunan, may narinig akong tunog ng doorbell na sinusundan naman ng mga pagkatok sa pinto at pagtawag ng aking pangalan, ngunit hindi ko ito binuksan. Ayaw ko munang makausap sila Maya. Oo, sila ang naroon. “Veronica, mag-usap tayo.” Naririnig kong sigaw nito mula sa labas ngunit pilit kong binabalewala. Umalis na muna kayo! Hindi ko alam kung nakaalis na ba sila maya-maya lang. Basta ay, hindi na ako nakarinig pa ng mga pagkatok at pagtawag sa pangalan ko mula sa labas. Kinabukasan, pagod akong bumangon at unang tinignan ang aking cellphone. Ngunit wala man lang akong natanggap na mensahe mula kay Landon. Mas lalong nanghihina ang loob ko. Lumipas ang mga araw, ngunit hindi pa rin siya umuwi. Pabalik-balik din sila Maya rito ngunit hindi ko sila hinarap. Hindi na muna. Madalas din na bumisita sa akin si Agape. Siya lang ang tanging tao na pinapasok ko rito sa loob. Ang mga araw ay naging buwan, naghihintay ako, ngunit wala man lang dumating. Doon ko lang natanto na baka mas pinili na talaga siguro niya si Ingrid kaysa sa akin. Kaya nakapag-desisyon na rin akong umalis mula sa bahay na ito. Nagpatulong ako kay Agape na maghanap ng tirahan, natulungan naman niya ako agad. Habang binabalot ko ang ibang gamit ay hindi ko maiwasan na maiyak dahil hindi ko inakala na aabot pala ako sa punto na, mapapagod na kakahintay. Sabi niya, babalik siya, eh. Inaasahan ko ang pangakong ‘yun… pero napako lang pala. Pagkatapos magbalot ay lumabas na ako. Naroon na ang sasakyan ni Agape na naghihintay sa akin sa labas. “Why are those eyes sad? Gusto mo ba na hindi kita papasukin sa sasakyan? Mukhang hindi mo tanggap na aalis ka na ng bahay na ‘yan,” sabi pa nito sa seryosong boses. Hindi ko maiwasan ang bahagyang pagngiti, kasi kahit ganyan ‘yan, malambot ang puso niyan. Kaya siguro siya umaktong ganyan sa harapan ko dahil komportable na siya sa akin. “Tara na,” sabi ko na lang. “Ano ang sasabihin ko kay Spade at Maya kung sakaling hahanapin ka nila sa akin?” “Huwag mong sabihin kung nasaan ako.” Sabi ko na lang. Nanatili akong empleyado ni Spade pero matitigil na ‘yun mula ngayon. Dahil aalis din akong hindi magpapaalam sa kanila. Tutal, wala naman silang pakialam sa akin, bakit ko pa sasabihin sa kanila ang tungkol sa pag-alis ko? ‘Di ba? “Ako na ang bahala sa mga papers at documents mo sa bagong University na papasukan mo. Nakausap ko na rin ang daddy ko,” sabi nito. Mag-aaral ako sa pribadong unibersidad na pag-aari ng daddy niya sa Manila, at walang ibang makakaalam. Kaming dalawa lang. “Maraming salamat, Agape.” “Pansamantala ka muna na magtatrabaho sa isa sa mga resort na pag-aari ng mommy ko habang nag-aaral ka doon. Okay? May sarili ka na ring condo. Don't forget to call me now and then.” Sabi pa nito. Tumango lang ako. “Hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan, Agape.” Sabi ko sa kanya. “It's the least I can do… for what my cousins did to you, Veronica.” Sabi niya. Sobra-sobra na ang ginawa niya. Ako ang nagpupumilit na magtrabaho sa kanila habang nag-aaral. Ang gusto niya kasi, ay hindi na ako magtatrabaho at mag-focus na lang sa pag-aaral ngunit tinanggihan ko dahil sobrang nakakahiya kung pati ‘yun iaasa ko pa sa kanya. Lagi na lang akong umaasa sa kanya. Kahit papaano, gusto kong ako mismo ang magtustos ng pag-aaral ko. Sa totoo lang, nagpatulong ako sa kanya para mahanap kung saan naroon sina Landon… pero wala talaga siyang alam kung saan nito dinala si Ingrid. Ayaw ko rin na magtanong kay Selyne, at baka hindi nito sasabihin sa amin ang totoo. Pait akong ngumiti habang nilingon ang bahay na pag-aari ni Spade, kung saan kami pansamantala na tumira. Aalis na ako. “Tara na,” naririnig kong sabi ni Agape. Wala akong ibang nagawa kundi ang pumasok na ng sasakyan. Sa isip ko, pinananalamgin ko na sana ay dumating si Landon para pigilan ako, ngunit walang dumating. Nararamdaman ko na lang ang pag-andar ng sasakyan at maya-maya lang ay umalis na kami mula sa bahay na ‘yun… tangay ang puso kong sugatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD