Chapter 7

2037 Words
“Anyare sayo?” Tanong ni Ariel sa akin. Nasa eskwelahan ako ngayon. Pinilit ko ang sarili kong mag-attend ng klase dahil ayokong mapag-isa kasama si Landon. Kung anu-ano na lang kasi ang naisip niyang gawin. “Masakit lang ang ulo ko,” sabi ko. “Samahan mo ako mamaya, ah?” “Saan?” tanong ko. “Sa Pharmacy. May bibilhin lang ako.” “Sige…” Biglang tumunong ang cellphone ko. Unknown Number 1: Vern, bakit ka nagsinungaling? Unknown Number 2: Magkita tayo bukas, Vern. Pinuntahan ako ng boyfriend mo. Unknown Number 3: Vern, sagutin mo ang tawag ko! Muntik na akong paglamayan ngayong gabi. Unknown Number 4: Bakit mo pa ako dinamay sa away niyo ng jowa mo? Unknown Number 5: Hindi talaga kita mapapatawad. Muntik na akong matanggalan ng trabaho dahil sa’yo. Unknown Number 6: Humanda ka talaga sa akin. Pinapahamak mo buhay ko! Sino ang mga ito? Hindi ko maiwasan ang mapalunok. Iniisip kong maigi kung may nagawa ba akong mali sa anim na tao. Hindi ko maalala… mukhang wala naman. Nakailang missed calls na pala sila pero hindi ko napansin kaya hindi ko nasagot. Nakaramdam ako ng kaba habang binabasa ko lang ang mga mensahe nila. “Okay ka lang ba?” Tanong ni Ariel. Tumango ako bilang sagot. “Oo,” Itinuon ko na ang atensyon ko sa klase. Nakakapagod pala talaga ang mag-aral sa kolehiyo. Mabuti naman at nakayanan ito ni Maya kahit na wala siyang pera dati. Sabagay, ayaw naman talaga niyang umaasa sa ibang tao. Kinopya ko lahat ng nakasulat sa board habang nagdi-discuss ang professor namin. Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa Pharmacy. Ano nga pala ang binili niya? Ay, Vicks VapoRub lang pala. “Tara na?” Tanong nito. Tumango lang ako. Naglalakad kami hanggang sa may waiting shed. “Nandiyan na pala ang boyfriend ko. Sabay ka na sa amin, Verny.” Sabi nito. “Naku, huwag na! Mag-aabang na lang ako ng motorsiklo rito o di kaya ay taxi.” Sabi ko. Bumuntonghininga siya. “Sige… alam ko naman na hindi kita mapipilit.” Sabi niya. Nginitian ko lang siya. Tamang-tama naman dahil may dumaan na taxi kaya pinara ko ito agad. Habamg nasa biyahe, hindi ko maiwasan tignan ang labas. Kahit na ang lalim na ng gabi ay marami pa rin ang naglalakad sa gilid ng kalsada. Ang iba ay nakikipag-kwentuhan habang ang iba ay kasama ang pamilya at ang iba naman ay kasama ang kasintahan nila. Hindi na nga pala ako bata… kailangan ko na pala na magkaroon ng kasintahan. Kahit iyon na lang. Natatawa naman ako sa sarili ko. Saan naman ako maghahanap ng kasintahan? Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok sa loob at tinanggal ang suot kong sapatos. Hindi pa nga pala nakauwi sila ni Maya. Nag-e-enjoy siguro sila roon sa pinupuntahan nila. Pagbukas ko ng ilaw ay nagulat ako dahil sa aking nakikita. Si Landon na naka-de kwatro, ang matuwid na naka-upo roon. Bakit na naman siya nandito? “Landon?” “Yeah, why?” Strikto nitong sabi habang seryosong nakatingin sa akin. “Do you expect someone else?” “H–Hindi naman,” nauutal kong sabi. Ang lamig ng mga tingin niya sa akin. Ngayon ko lang naranasan na magiging ganito siya. Hala, ano’ng nangyari sa kanya? “May problema ba?” Hindi napigilan ang sarili ko na magtanong. Ramdam ko lang na para bang may kakaiba sa kilos niya. “Yes, there's a very BIG problem.” Sabi nito. Ini-emphasize ang salitang ‘big’. “Ganoon ba?” Sabi ko. Kawawa naman. Hindi na ako nagsalita pa. “Papasok lang ako sa kwarto ko, ah?” Pagpapaalam ko sa kanya. Naglalakad na sana ako nang bigla siyang magsalita gamit ang malalim na boses. “You. Sit. Down.” Ma-awtoridad na sabi nito. Natulos naman ako sa kinatatayuan ko. “B–Bakit?” Bigla siyang lumapit sa akin at yumuko siya mapapantayan ang mukha ko. “Do you really think you could feed me with your lies forever?” Ako nagsisinungaling? Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Agad na pinoproseso ng sarili kong utak at pilit na inalala kung kailan ako nagsisinungaling sa kanya. Gulong-gulo ako sa kanya at sa mga sinasabi niya. “Nagsinungaling? Ako?” “Yes, Veronica. I was a fool for believing you and your lies.” “Bakit? Tungkol saan ba ako nagsinungaling?” tanong ko sabay lingon sa kanya. Paglingon ko ay halos magkadikit na ang mukha naming dalawa dahil ang lapit-lapit niya. Ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na t***k ng aking puso. At bago pa ako makapagsalitang muli ay nararamdaman ko na ang mga labi niya sa ibabaw ng labi ko. Nanatiling tikom ang bibig ko pero kinagat niya ito kaya ako napahiyaw sa sakit. Mas lumalim ang mga halik niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at ipinatong niya ito sa leeg niya. Nang lumayo siya mula sa paghalik sa akin ay hiningal kaming dalawa. Napakagat-labi na lang ako. Naikuyom ko ang mga kamay ko. “Bakit mo ako hinalikan?” Bulyaw ko sa kanya. Nagulat siya sa ginawa pero maya-maya lang ay bumawi rin siya sa naging reaksyon niya. Naging seryoso ang mukha niya. “You lied to me.” “Tungkol saan?!” Palagi na lang siyang may sinasabi pero hindi niya naman pinapa-intindi. Hindi ko naiintindihan ang mga sinabi niya! “I was your first kiss!” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?” “I went to your exes… those men that you mentioned who I thought bedded you.” Hala, naalala niya pa ang mga pangalan na binanggit ko? Wait lang… parang may bigla akong naalala. Oh, s**t! Ang mga unknown numbers na nagpadala ng mensahe sa akin kanina? Sila ba yun? Isa-isa ba niya silang pinuntahan? Nakain ng lalaking ito? “Oh, tapos?” “Did you forget that you were telling me, you once did more than just a kiss?” Oo, naalala ko pa. Umiling ako bilang sagot. “Hindi ko nakalimutan,” “It was all lies… right?” Tanong niya. Hindi ako makapagsalita. “Of course, it was. You are still a virgin, Veronica.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa walang preno ang kanyang bibig. Tinaasan ko siya ng kilay at nilagay ang mga kamay ko sa magkabila kong bewang. “Sino ang nag-utos sayo na puntahan sila? Ano ang ginawa mo sa kanila huh?” Naiinis kong sabi. “I paid them cash to tell me the truth.” “Sure ka ba na nagsasabi talaga sila ng totoo? Baka pala, pera mo lang ang habol nila. Alam mo, lugi ka na!” Natatawa kong sabi. Pero hindi man lang siya tumawa. “Are you teasing me right now?” Mas inilapit na naman niya ang mukha niya sa mukha ko kaya ako na mismo ang umiwas sa pagmumukha niya. “Let's check it, then.” Naninindig ang balahibo ko dahil sa inasta niya. Para siyang isang leon na nagugutom. “Ano?” “Let's check it, right now. Nang malaman natin kung sino sa inyo ang nagsisinungaling.” naghahamon na mga titig na binigay niya. Pinagdikit ko ang magkabila kong binti. “Bastos!” Itinaas ko ang kamay ko para sana bigyan siya ng sampal pero agad niya itong sinalo at inihiga niya ako sa sofa. Mas lalo akong kinabahan dahil sa inakto niya. “Bitawan mo ako!” Sigaw ko sa kanya pero hindi siya nakikinig. Para siyang nabingi. “Why, Veronica? Why do you have to lie to me?” “Sorry, okay? Sinasabi ko lang ‘yon para hindi mo ako maliitin.” “Liar! Or maybe… You were just teasing me?” “Hindi, ah!” “You were fantasizing about your exes, while I’m right here. You can have me anytime you want.” “Huwag mo akong biruin ng ganyan! Makakatikim ka talaga sa akin! Makikita mo!” Banta ko pero hindi siya natatakot. Sa halip, isang nakakapanindig-balahibo na ngiti ang iginawad niya sa akin. “With pleasure, baby. I've been wanting to taste you, anyway.” “Hoy, bibig mo! Hindi iyan ang ibig kong sabihin.” Naghubad siya ng pang-itaas kaya pinikit ko ang mga mata ko. Nang makahanap ako ng pagkakataon ay itinaas ko ang mga paa ko at sinipa ko siya. “f**k!” Naririnig kong hiyaw niya. Mabilis akong tumayo at tumakbo patungo sa kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na ito pero halos balutin ng yelo ang buong katawan ko nang may humawak sa mga kamay ko. Landon. Mas lalo akong hinihingal kahit na hindi naman ganun kalayo ang tinakbuhan ko. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. Hindi naman mahigpit ang paraan ng pagyakap niya pero hindi ako makagalaw. “Ano ba! Hindi na ako natutuwa sa inakto mo, Landon!” Nagpupumiglas kong sabi. “Why are you scared of me? Hmm?” “Dahil sa kaisipang pagsamantalahan mo ako!” Nararamdaman ko ang paghalik niya sa may punong-tainga ko. “Of course not, I won't do that.” Nanlalamig ang katawan ko sa ginawa sa sagot niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Unti-unti nalang akong nakakaramdam ng kaginhawaan. Kasabay no’n ay ang pagtulo ng aking mga luha. Pumatak ito sa mga bisig niyang nakayakap sa akin. Bigla nalang niya akong pinapaharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinupunasan ang aking mga luha. Ang mahina na pag-iyak ay naging isang paghagulhol. “Did I scare you?” Buong-ingat niyang tanong. Tumango ako. “Oo, sobra! Akala ko naging demonyo ka na.” Sabi ko. “Damn it! I’m so sorry.” “Okay lang,” sabi ko. Kahit na hindi naman talaga ako okay. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. “Bakit mo iniisip na may gagawin akong masama sa’yo?” “Malamang… dahil parang naging agresibo ka kanina. Idagdag pa na naghuhubad kana ng pang-itaas na damit. Basta, ibang-iba ang aura mo kanina.” “I’m so sorry,” “Okay lang,” “But you're still scared of me,” “Hindi mo ako masisisi.” Napa-hilamos siya ng kanyang mukha. “I am mad at your lies. So, I tried teasing you…” “Bakit mo naman kasi pinupuntahan pa sila?” “Because I want to beat them up. Ang sabi mo sa akin ay tinapon mo sila na parang basura. But I can't stop getting mad at them. Inaalala ko lang ang mga sinabi mo sa akin tungkol sa mga ginagawa ninyo. Gusto ko nang basagin ang pagmumukha nila!” “Pero hindi mo sila sinaktan, diba?” “Because something tells me that you're not doing it with them.” "Hindi mo sila sinaktan diba?" ulit ko. Umiling siya. "Hindi. But, why did you have to lie about it?” Hindi ako sigurado kung lungkot ba ang nahihimigan ko sa boses niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi naman niya kailangan malaman. “Big deal ba sayo kung virgin o hindi?” He shook his head. “No! Of course, not. I just wanted to make sure if they touched you or not. Because if they did, then they’ll receive punishment from me. Twice the count, you've done the deed.” “Ano?” “Yeah… but we're settled now, aren't we?” Tanong niya kaya tumango ako. “Kaya ako naghubad kanina ay dahil naiinitan ako. Dahil hindi nabuksan ang aircon.” Dagdag pa niya “Ganoon ba? Sorry kung nag-isip ako ng masama.” Sabi ko. “Come here… my little girl’s scared of me. I’m so sorry.” Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. Ano raw? Little girl? Dati little sister. Pero ngayon, biglang naging little girl? “Mali ito,” nahihirapan kong sabi dahil sa mahigpit niyang pagyakap. Tumatawa lang siya. Hayan naman pala! Naririnig ko na ulit ang pagtawa niya. “Marry me, Veronica.” “Ayaw ko!” “f**k!” Pinipilit kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi siya nagpatinag. Hanggang sa ako na ang sumuko. Siguro, hahayaan ko na lang muna ang mga bisig niyang yumakap sa akin. Kahit ngayon lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD