Chapter 6

1517 Words
Sobrang sakit ng ulo ko nang gumising ako. Pagtingin ko sa orasan ay nanlaki ang aking mga mata. Hala, alas-diyes na ng umaga? Dali-dali akong bumangon pero nanlaki ang mga mata ko dahil parang may mali. Tinignan ko ang kabuuan nitong kwarto. Teka lang… hindi ito ang kwarto ko. Kanino ‘to? Kinabahan ako dahil sa kaisipan na baka dinala ako ng mga kasamahan ko sa bahay nila at pinagsamantalahan. Huwag naman sana! Pipi kong dasal. Pero teka… ang naalala ko ay si Landon ang kasama ko at hindi ang mga kasamahan ko sa trabaho. Biglang bumukas ang pinto at niluwa no’n si Landon. May dala itong tray kung saan may nakalagay na mga pagkain. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito pero hindi ako makagalaw at hindi makapagsalita. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Sigaw ko. Nakakunot-noo siyag tumingin sa akin. “Kwarto ko ito. I brought you in my condo,” “Ano?!” “Easy… easy… okay? I haven’t done anything.” Sabi niya. Pinanlisikan ko siya ng mata. “Siguraduhin mo lang!” Hinawakan ko rin ang ulo ko dahil bigla na naman itong sumakit. Nakainom nga pala ako kagabi dahil uminom ako sa harapan niya. Hanggang sa nalasing ako. Bago ako makatulog… naalala kong may binulong siya. Naririnig kong may binulong siya pero hindi ko maalala. Nakalimutan ko. Ano kaya ‘yon? “Kumain ka, muna.” Sabi niya. Tahimik lang akong kumain habang nasa harapan ko siya. “Would you mind telling me what else you haven’t experienced?” Nagtataka naman akong lumingon sa kanya. “Bakit?” “Tell me…” “Huh? Bakit naman?” “Para maranasan mo na… sasabayan naman kita,” “Ayoko! Hindi naman kailangan.” “Damn!” mahina niyang mura. “Minumura mo ako, Mr. Ruston?” “Of course not… it wasn’t for you,” Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Pagkatapos ay ako na ang nagdala nito sa kusina upang hugasan ang pinagkainan ko. Ano ba ang ginagawa ko rito sa condo niya? Bakit dito niya ako dinala? Bakit hindi niya na lang ako inuwi sa bahay nila Maya kagabi? Hindi tuloy ako nakapagtrabaho ngayong araw dahil matagal akong gumising at sobrang sakit din ng ulo ko. Nagpapatuloy ako sa ginagawa kong paghugas kahit na namimilipit na ako sa sakit. Ganito siguro kapag first-time drinker. Ano naman kaya ang nakain ko at bakit ako uminom sa harapan niya? Hay... Pagkatapos maghugas ay umupo ako sa sofa at sumandal doon. Wala ba siyang pain reliever dito para mawala ang sakit ng ulo ko? “Why don’t you rest first?” Naririnig kong sabi nito. Bulag ba siya? Nagpahinga na nga ako. Hindi ba halatang umupo ako rito para magpahinga? “Hindi nga pala ako nakapagpaalam kay Spade—” “Don’t worry, I've got your back.” Sabi nito. Iba rin talaga kapag mayaman dahil ang bilis lang nilang humanap ng paraan. Ang iniisip ko ay si Lyra. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Paano pala kung marami siyang ginagawa ngayon at kailangan niya ang tulong ko? Ite-text ko na lang siya mamaya. “Hindi ko kailangan ang tulong mo. Teka, wala ka bang trabaho ngayon?” tanong ko sa kanya. Umiling siya. Lumitaw ang kanyang mga ngiti… mga ngiting nanatiling hindi umabot sa kanyang mga mata. Bakit pa niya kailangan na ngumiti gayong peke naman pala ito? Hindi siya okay. Hindi niya kailangan na magpanggap sa harapan ko. “Sinadaya kong hindi pumasok,” “Bakit?” “Because you’re here… I can’t leave you.” sabi niya sa malumanay na boses. “Iniwan mo na lang sana ako… tutal, malaki naman ako!” Saglit siyang natigilan, pero kalaunan ay nagsalita rin. “Were you mad at me Veronica?” Umupo siya sa harapan ko. “I just noticed these past few days… iba na ang pakikitungo mo sa akin. Did I do something wrong?” Iba ang pakikitungo ko? Paanong nag-iba? “Uh-huh?” “Napansin kong palagi ka na lang galit sa akin… parang naging palaban ka. Hindi ka naman ganyan dati.” Sabi niya habang unti-unting tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay nakatitig lamang, na para bang nanghuhubad ang mga ito. Diyos ko! Ano itong naisip ko? Gusto kong umiwas mula sa mga tingin niya pero hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Parang hinihiptosimo niya ako. “Sorry,” ang tanging nasabi ko. “Do you hate me now, Veronica? Why? What did I do?” Mabilis akong umiling. Galit ba ako sa kanya? Hindi naman, ah? “Kung hindi ako nagkamali… nagsimula ang lahat ng ito noong kasal ni Maya. Did I do something wrong?” Umiling ako. Pero tama siya na nagsisimula ito noong araw ng kasal ni Maya. Nasasaktan ako sa ginawa niya na pakipagpalit sa partner ni Ingrid. Alam kong mababaw lang ang dahilan na ito pero nasasaktan talaga ako. Pero hindi naman ako galit sa kanya. Kung galit man ako... iyon ay para sa sarili ko at kailanman, hindi para sa kanya. “Then, why? Why are you so distant?” Paano niya nasabi? Hindi ko naman siya iniiwasan. Isang simpleng tanong mula sa kanya pero marami akong sagot. Mga sagot na ako lang ang nakakaalam at ang pwedeng makakaalam. Mas mabuti na rin na hindi ako magpapadala sa mga pinapakita niya sa akin dahil sa huli, ako lang ang kawawa. Mas mabuti nang isipin niya rin na nag-iba nga ako. Baka sa ganoong paraan, lalayo na ang loob niya sa akin. Ang gwapo niya talaga! “I don’t want you to hate me, Veronica.” Naku! “Hindi ako galit sa'yo. Sa tingin mo ba ay makikipag-usap ako sa’yo kung hate kita?” Tanong ko. Ngunit parang hindi siya kumbinsido. Ang mga titig niya ay nanatili lamang sa akin. Wala ba siyang planong tumingin sa ibang direksyon? Baka kasi pasukan ng maliit na insekto ang mga mata niya. Bakit naman kasi ganyan siya kung makatingin? Parang nanghuhubad! “Will you still marry me if I am not that rich?” Natigilan ako sa tanong niya. Akala ko ay nagkakaintindihan na kaming dalawa tungkol sa bagay na iyan. “Siguro?” patanong kong sabi sa kanya. Nasabi ko na ito, hindi ang pagiging mayaman niya ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang pakasalan. Siguro kung hindi pa sana niya mahal ang babaeng iyon hanggang ngayon, tapos nag-alok siya ng kasal sa akin, pakakasalan ko talaga siya. Agad-agad! Hindi talaga ako magdadalawang-isip. Hindi importante kung mahirap siya o mayaman. Ang importante ay mahal niya ako at mahal ko siya. Kaya ko lang nasabi ang mga salitang iyon dahil sa nilalaman ng puso niya. Ayaw kong pakasalan niya ako dahil lang ay wala na siyang ibang pagpipilian. Sa huli, baka pareho lang kaming magsisisi. Nagawa nga niyang makipagpalit ng parter noong kasal, paano pa kaya kung kasal na kami at babalikan siya ng taong mahal niya? Malulugi ako! Ayaw ko ng ganoon. “Kung sakaling naging mahirap man ako… papakasalan mo ba ako?” “Ano ka ba! Bakit ganyan ka magtanong?” Hindi makapaniwala kong sabi. Ngumiti lang siya. “Nothing. Masama ba magtanong?” sabi niya. “Now, answer me, Veronica.” ma-awtoridad niyang sabi, Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. “Masakit ang ulo ko, Landon… huwag kang maingay.” “Just a simple ‘yes or no’. Mahirap ba ‘yun?” Ang kulit! “Oo. Oo. Happy?” tanong ko habang ipinipikit pa rin ang mga mata. Hindi na siya nagsalita. “Do you want to watch a movie?” Tanong niya. “Masakit nga ang ulo ko…” “I’ll just massage you, then.” Naririnig kong sabi nito kaya iminulat ko ang aking mga mata. Pero huli na para umalis ako mula sa kinauupuan ko dahil nasa likuran ko na siya. At nararamdaman ko na lang ang mga kamay niyang marahan na humawak sa noo ko. Nararamdaman ko tuloy ang malakas na kabog ng aking puso. Para akong hihimatayin sa kilig dahil sa posisyon namin. Bakit naman kasi nasa likuran ko siya? At ang kamay niya na marahang dumapo sa noo ko, malambot ang ginagawang pagmasahe nito. Para akong hihimatayin anumang oras. Pero sa pagkakataong ito, ayaw kong isipin ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong isipin na isa siyang tunay na kaibigan Ang bawat paggalaw ng mga kamay niya ay nakakaantok. Ang akala ko ay magaspang ang mga palad niya dahil lalaki siya, pero hindi pala. “Landon,” “Hmm,” “Kapag naka-graduate ako ng kolehiyo… pwede bang ikaw ang magsabit ng medalya ko?” Bigla siyang huminto sa ginagawa niya at humahagikhik. “Nagsisimula ka pa nga lang, iyan na agad ang iniisip mo. Mag-aral ka munang mabuti Veronica… at magpayaman. Nang sa ganoon, kaya mo na akong buhayin.” “Bakit? Mamamatay ka na ba sa panahong ‘yun?” Hala! Patawarin nawa! Mas lalo lang siyang tumawa. Anyare? “Magiging mahirap na ako sa mga panahong iyon,” sabi niya saka nagpatuloy sa ginagawa niya sa akin. Huh? Ano ang ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD