Chapter 5

2022 Words
“Adobo ba yan?” Tanong ni Lyra, kasamahan ko sa trabaho. “Oo,” sagot ko. “Ang bango, ah? Ikaw ba ang nagluluto niyan?” Umiling ako. “Hindi,” matipid kong sabi. Ibinahagi ko kay Lyra ang ulam ko. Unang tikim ko pa lang ay nasasarapan na ako, ganoon din siya. “Hmm, ang sarap!” Hindi ko maiwasang sabi. Ang sarap niya palang magluto. Hindi ko akalain na ang isang mayaman na lalaking katulad niya ay marunong din palang magluto. Katulad din ng asawa ni Maya. Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ariel. Sinabi niya sa akin na wala kaming klase mamaya kaya nasisiyahan na rin ako lalo na at makakauwi ako ng maaga at makapag-pahinga ng matagal. Pero hindi iyon ang nangyari. Dahil isinama ako ng mga kasamahan ko sa bar. Tinanggihan ko sila pero makulit si Ariel kaya wala akong choice kundi ang sumama na lang. “Uminom ka, Veronica.” Sabi ni Raven. Umiling ako. Hindi kasi ako mahilig uminom. “Hindi ko pa kasi naranasan ang uminom.” pagtanggi ko pero inabutan pa rin niya ako ng baso ng alak. “Huwag kang mag-alala, dahil safe ka naman pag-uwi.” Sabi nito, kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tanggapin ito. Dahil alam kong hindi nila ako titigilan kung hindi ako uminom kahit isang shot lang. Agad naman silang naghiyawan nang napasakamay ko na ang baso na may alak. Isa lang naman. Iinumin ko na sana ito pero may pumipigil bigla sa braso ko. Gulat na gulat ako nang makita ko kung sino ito. Ano’ng ginagawa ng lalaking ito rito? “Landon,” bulalas ko. Nilingon ko ang mga kasamahan ko na biglang natahimik at isa-isang tumalikod. Ako na lang ngayon ang nakaharap kay Landon. Kinuha niya ang baso mula sa kamay ko at siya ang uminom ng alak. Pagkatapos ay binigay niya ang baso kina Raven. Salamat naman. Nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan niya ang palapulsohan ko at hinila ako paalis doon. Nilingon ko si Ariel para sana humingi ng tulong pero nakatalikod pa rin ang mga ito. Ang akala ko ay lalabas kami mula sa bar na ‘yon, pero dinala niya ako sa isang kwarto. Bigla naman akong kinabahan nang mabasa ko kung anong klaseng kwarto ang pinasukan namin. VVIP Private Suite. Ano’ng gagawin namin dito? Walang ibang tao, kami lang dalawa. Bakit walang ibang tao? Bakit kaming dalawa lang ang nandito? Baka dito namin gagawin ang—diyos ko! Hindi pa ako handa. Naninindig ang balahibo ko dahil sa iniisip ko. “I won't do anything bad,” saad nito pero hindi pa rin ako makampante. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok o hindi pero sa huli, pumasok na rin ako. May kunti naman akong kaalaman kung paano ko ipagtanggol ang sarili ko. Saka may mga babasaging gamit din siguro sa loob, na pwede kong gamitin para ipagtanggol ko ang sarili ko. “What are you doing there?!” “Nakipag-saya kasama ang mga kasamahan ko sa trabaho,” sabi ko. “Wala kang klase?” tanong nito. Umiling ako. “Wala,” Saglit niyang kinuha ang cellphone at may tinitipa siya roon. Maya-maya lang ay may kumatok, isang lalaking sa tingin ko ay staff ng bar na may dalang alak. Pumasok ito at nilagay ang alak sa maliit na mesa. Hindi naman ito nagtagal at lumabas din ito agad. Sino ang iinom? Si Landon ba? Sa harapan ko pa talaga? “Ilang beses kang nakainom ngayon?” Naririnig kong tanong niya. Inilipat niya ang mukha niya sa mga labi ko at inamoy ito. Naiilang ako at biglang lumakas ang t***k ng aking puso kaya agad akong lumayo. “Hindi ko pa naranasan,” sabi ko. “Noong kasal ni Maya, hindi rin?” Tanong niya sa nagdududa na boses. Umiling ako bilang sagot. “Mula pa noong isinilang ako, hindi ako nakatikim ng alak.” “Good, then.” Sambit nito at binuksan ang bote saka nagsalin ng alak sa babasaging baso. “Have a drink with me,” sagot niya. Ano? Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? “Huwag na. Ayoko!” Tanggi ko. “Kanina lang, tinatanggap mo ang binigay nila sayo. Hindi mo alam kung ano’ng mangyayari sa’yo kapag lasing ka. Ngayong ako ang nag-alok sa’yo, tinanggihan mo. Why is that, Veronica?” Iba talaga ang hatid ng pagbigkas niya sa pangalan ko.Nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti. “Hindi naman talaga ako iinom. Tinanggap ko lang iyon para hindi sila magtampo,” “Magtatampo ako kung hindi mo ito tanggapin.” Isang pilyong ngiti ang binigay niya sa akin, para siyang nang-aasar. “Ano ba’ng gusto mo?” “Drink with me,” “Ayoko nga! Baka ano pa ang gagawin mo sa akin.” Huma-hagikhik siya. “I promise you, I won’t do anything. Cross my heart…” sabi nito sabay gumuhit ng cross sa dibdib niya gamit ang kanyang mga daliri. Napataas ako ng kilay habang pinapanood ko ang seryoso niyang mukha pero hindi ko mapigilang pansinin ang mga ngiti niya sa labi, parang nang-aasar pa rin. “Umayos ka!” “Have your first drink with me, little sister.” Pero sige na nga… ngayon ko lang talaga siya pagbigyan. Isang shot lang naman! Wala namang mawawala kung susubukan ko. Pinaningkitan ko siya ng mata. “Umayos ka nga!” saway ko sa kanya. Inabot ko ang baso na may lamang alak mula sa kamay niya sinimulan kong inumin. Nag-iba ang itsura ng mukha ko dahil para siyang mapait na maanghang na hindi ko naiintindihan. Ang dibdib ko ay nag-aalab,para bang napapaso ito kahit na wala namang apoy. “Pangit ng lasa!” Sigaw ko sa kanya. Sa halip na tulungan at bigyan ako ng tubig ay tumawa lang siya ng tumawa tapos pumalakpak na lang ito bigla. Parang baliw! Teka… lasing ba siya? Bakit ganyan siya kung umakto? Maya-maya lang ay narinig namin ang pagtugtog ng isang banayad na musika. Napansin ko rin ang biglang paglapit ni Landon sa akin. “Oh, ano?” Mataray kong tanong. “Hindi kita nakikita na sumayaw kasama ang partner mo sa kasal ni Maya,” Inirapan ko siya. Hindi ba at siya ang partner ko? “Hindi talaga ako sumayaw dahil hindi naman ako marunong,” “So, you never tried dancing with any other man… even with your boyfriends?” Umiling ako. “Bakit naman kami sasayaw? Hindi ako kailanman sumasayaw kasama ang sinuman.” Inilalahad niya ang mga kamay niya. “Aanhin ko to?” “May I have this dance with you?” Tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Imbis na tumanggi ay tumango lang ako. Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa katangahan na ginawa ko. Hayan, pinapairal kasi ang pagiging marupok! Traydor na katawan ‘to! Nagsimula kaming sumayaw na dalawa. Banayad lang ang mga kilos niya at sinusundan ko lamang ito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako napahiya at nagawa ko pang sabayan ang pag-sayaw niya. Hindi ko inaasahan na nakakagaan pala ng loob ang pagsayaw. Sa isang iglap lang ay nakalimutan ko ang problemang pinapasan ko. Nang matapos ang pagsayaw naming dalawa ay mahigpit ang pag-hawak niya sa bewang ko. “Hmm… not bad for a first timer,” panunukso niya. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha. “Huwag na huwag mong sabihin sa iba… lalo na kay Maya na sumasayaw ako kasama ka. Makakatikim ka talaga sa akin,” pananakot ko. Pero mukhang hindi naman siya naapektuhan. Sa halip ay isang ngiti lang ang gumuhit sa kanyang labi. Now, you got to share two of your 'first times' with me, Veronica. I’m glad.” “Uh… huh?” “Here,” binigyan na naman niya ako ng isang baso na may lamang kalahati ng alak. Iniinom ko naman ito. Hindi ko pa rin gusto ang lasa nito pero hinayaan ko ang sarili kong makainom dahil kasama ko si Landon. Kahit papaano, magaan ang loob ko dahil siya ang kasama ko at hindi ang mga kasamahan ko sa trabaho. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako sa ginawa niya kanina. “Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin kanina,” “Bakit naman kasi sumama sa kanila? You shouldn’t go to dangerous places like this, Veronica.” “Bakit? Hindi ba pwede? Bakit nandito ka?” “Of course, I’m a man, Veronica… I can handle myself.” Bigla akong tumawa ng malakas. Parang may kung anong kumikiliti sa loob ng tiyan ko kaya ako tumawa. “Ang sabihin mo, naghahanap ka ng babaeng maikama kaya ka narito.” Agad ko naman na tinakpan ang bibig ko nang matanto ang sinabi ko. Walang hiyang bibig ‘to! Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso ito. “I’m just here because of business… nothing else… and then I saw you… with them.” Nilapitan niya ba ako dahil nag-aalala siya sa akin? Tiningala ko siya at tinignan ko ang mukha niya ng maigi. “Ang pagmumukha mo, mukhang babaero.” Natatawa kong sabi. Medyo inaantok na ako pero nagawa ko pa rin na uminom ng tatlong shot hanggang sa naramdaman ko na ang panlalambot ng katawan ko. Akmang maglalakad ako patungo sa isang L-Shape na sofa para humiga pero naubusan na ako ng lakas kaya pakiramdam ko ay matutumba na ako. Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Namimigat ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan… o baka dahil sa alak na iniinom ko. Hindi ko naman kasi inakala na kahit pangit ang lasa ng alak ay kaya ko pa rin itong lunukin. Wala lang, nakakagaan lang sa pakiramdam ang uminom. “s**t!” Mura ni Landon, na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa akin. “Hoy! Huwag…mo…akong…hawakan!” Dahil sa kalasingan, ang mga galaw ko ay naging magulo, at ang boses ko’y nag-iba. Mula sa malumanay na pagsasalita ay parang naging isang alon ang aking pagsasalita na hindi alam kung saan tatama. Sasampalin ko na rin sana siya pero hindi natuloy. Kasi nga… wala na akong sapat na lakas. Hayop! “Lasing ka na, Veronica. Behave!” “Kasal…anan…mo…to…” Dahan-dahan niya akong pinahiga sa sofa pero bumangon ako at pilit na tumayo. “Where do you think you’re going?” “U…u…wi,” “f**k! Lagot ako kina Spade at Maya nito,” Isang ngiti lang ang iginawad ko sa kanya. Thank you, Landon… thank you dahil sinamahan mo akong uminom at malasing. Ang sarap palang sa pakiramdam na malasing! Mahigpit ang pagkahawak niya sa bewang ko nang lumabas kami ng suite. “Umayos ka... sa paglalakad... para kang... lasing na aso... dyan!” Saway ko sa kanya. “Damn! You’re testing my patience, Veronica. You’re the one who’s drunk here… not me!” Naririnig ko na naman siyang nagmura pero hindi nag-iba ang tingin ko sa kanya.. Sa totoo lang, ang lakas ng dating niya. Ang hot niya pakinggan sa tuwing nagmumura. “Murahin…mo pa…ako…Lan…don…Mav…erick… makaka... tikim... ka... talaga.” “Damn it!” Natatawa na lang ako. Pagod na akong maglakad. Kaya huminto muna ako. “What’s wrong? Nasusuka ka ba?” Tanong niya, may pag-aalala sa kanyang boses habang hinahagod ang likod ko. Umiling ako pinipilit na pigilan ang pagkahilo. Malayo pa ba ang kinaroroonan ng sasakyan niya? Ang bigat na kasi ng katawan ko. Nahihirapan na rin akong imulat ang aking mga mata. Maya-maya lang ay bigla na lang akong nakaramdam ng paglutang— Binuhat na pala ako ni Landon. “Kapag ako…nahulog…” walang lakas kong sabi. Ramdam ko ang pamimigat ng mga talukap ko. Gusto ko nang matulog. Pakiramdam ko ay anumang oras, bibigay na ang katawan ko.. Narinig ko ang malambing niyang pagtawa. “I’ll catch you, don’t worry.” “Sinungaling…” sabi ko habang unti-unti kong ipinikit ng tuluyan ang aking mga mata. At sa huling segundo na mayroon akong malay narinig ko ang mahina niyang bulong. “Fall for me, Veronica…” Halos hindi ko na marinig ang sinabi niya dahil nawalan na ako ng lakas na makinig ng maayos hanggang sa hinayaan na lang ang sarili kong hilahin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD